CHAPTER ONE

6.3K 159 25
                                    



Cami

Wala siyang kangiti-ngiti habang tahimik na nagmamaneho. Sa totoo lang, nakakarindi ang walang katigil-tigil na pagkukuwento ng baklang kasama. Pasimple niya itong tinapunan ng tingin. Nagtitingin ito sa telepono na hawak pero walang tigil sa pagsasalita. Napakaraming comment sa lahat ng bagay. At talagang napipikon na siya. Kung puwede lang talagang itulak niya ito palabas ng kotse niya ay ginawa na niya.

"I am telling you, okay talaga sa bar na pupuntahin natin. Maraming hot men. At para sa akin iyon. Alam ko naman na hindi mo bet ang mga chorizo de papa. Ikaw ang bet mo ay mga kipay." Bahagya pa itong ngumiwi. "Ano naman ang feel mo kapag may ka-sex kang girl? Feeling mo lalaki ka?"

Lalong sumimangot ang mukha niya habang nakatingin sa kalsada.

"At ikaw? Anong feel mo kapag may ka-sex kang lalaki? Babae ka?"

Tumili si Berett. "Talaga 'no. I feel like a beautiful princess. Kulang na lang tiara at gown talagang ako na si Princess Elsa."

Napailing na lang siya. "Tell me again bakit ako nagtitiyaga na kasama ka ngayon?"

Doon sumeryoso ang mukha ng kasama. "Dahil hindi ako papayag na manggulo ka sa lovelife ng bestfriend ko at ng babaeng mahal niya." Napahinga ito ng malalim. "Give up na, girl. Talo nga talaga tayo. Straight ang dalawang iyon. Wala tayong laban." Bahagya pa itong ngumuso.

Napahinga siya ng malalim. Totoo naman kasi ang sinasabi ni Berett. Ramdam naman niya na talagang pini-fake lang ni Amere ang sinasabi nitong lesbian ito. At naiinis siya doon. Pakiramdam niya ay ginamit lang siya para pag-eksperimentuhan. She liked her. Tingin niya ay magki-click silang dalawa. At sobrang nacha-challenge siya sa babaeng iyon. Dahil si Amere ang unang babaeng hindi bumigay sa kanya. Women liked her. They liked her style. They liked her when she was making love with them. Magaling siya sa kama. Eksperto kaya gusto niyang maranasan iyon ni Amere. At sigurado siya na kapag naranasan iyon ng babae, talagang iiwan nito ang ipagmamalaking bestfriend ng baklang ito.

"Seriously, Cami. Let it go na. Kakantahan pa ba kita?" Tumaas ang kilay sa kanya ni Berett at nagsimula itong magkakanta ng Let it Go.

"Shut up." Inis niyang saway dito.

"Ang pikon ni obit. Tigilan mo na nga. Huwag ng sumama ang loob mo. Sabi ko naman sa iyo maraming babae sa pupuntahan natin. At ang mga iyon ay hinding-hindi ka tatanggihan. What do you want? Wild sex? Threesome? Name it. Game lahat ang tao doon." Kumindat pa ito sa kanya.

Napa-ikot lang ang mata niya at muling itinutok ang tingin sa kalsada.

"Marami ka ng experience sa lalaki?" Tanong pa nito. Nang tingnan niya ito ay inaayos-ayos pa ng daliri nito ang buhok na maiksi at pilit na iniipit iyon sa tainga kahit wala namang umiipit doon.

Napahinga siya ng malalim at naalala ang mga sex experiences niya. "Yeah. Okay naman. But I really prefer having sex with women. I like them."

"Sabagay. Kahit ako bet ko talaga ang mga guys. Lalo na ang malalaki ang katawan. With six pack abs. With long, and thick cocks." Napakagat-labi pa ito.

Doon na siya natawa at muli ay tiningnan ang kasama.

Sa totoo lang, kung hindi nagsasalita si Berett, mapagkakamalan niyang lalaki talaga ito. Hindi mahahalata na mas maarte pa ito sa mga pinakamaarteng babaeng nakilala niya. Berett was not the typical gay who preferred wearing women's clothes, make-ups and wig to look like a girl. Lalaking-lalaki ang porma nito. Ang suot nga nito ngayon ay black pants, longsleeves polo na itinupi hanggang siko. Naka-balat na sapatos. Disenteng-disente ang hitsura. Guwapo din naman. Mukhang may lahi kaya mapagkakamalang foreigner.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon