CHAPTER TWELVE

2.3K 150 33
                                    


Cami

Wala siyang kibo habang nanatili siyang nakaupo sa hospital bed at tinitingnan lang ang mga magulang nila ni Berett na nag-uusap. Wala na siyang mabakas na galit sa boses ng tatay niya. Masayang-masaya na ito habang nakikipag-usap sa tatay ni Berett. Kasal na naman ang pinag-uusapan ng mga ito. Ngayong nasabi na nilang dalawa ang tungkol sa nangyari sa kanila at anak nga ni Berett ang ipinagbubuntis niya, wala na siyang narinig na kontra sa mga ito.

"You think papayag sila na hindi tayo magpapakasal? Listen to them. Ang bongga ng kasal na pinag-uusapan nila." Mahinang sabi niya kay Berett na nakatabi sa kanya sa kama.

"Ilusyunada masyado ang madir mo, ha? Monique Lhuillier pa ang gusto na magtatahi ng wedding gown mo. Excuse me. Si Vera Wang ang bet kong magtatahi ng wedding gown ko," mahinang sagot nito sa kanya at kita pa niya ang pagtikwas-tikwas ng nguso nito habang tumataas din ang kilay. Lumapit pa ito lalo sa kanya at bumulong. "At bet ko pa na walang lingerie na suot kapag nakasuot ako ng red wedding gown na ang trail hanggang Binondo."

"As if naman na may kakasya sa iyong wedding gown. Braso mo pa lang kasing laki na ng hita ko," sagot niya dito.

"Feeling mo naman. Hoy kapag uminom na ako ng supplements para maging babae ako, tatalunin ko ang katawan mo no. Kapag nagpalagay ako ng boobs, gusto ko mga size forty tapos double D." Waring kinilig pa si Berett nang sabihin iyon.

Nawala ang ngiti niya sa labi at tumingin dito.

"Do you have plans? On transitioning?" Hindi niya akalain na may ganito itong plano.

Agad na nawala ang ngiti nito at nagkibit-balikat.

"Naiisip ko lang naman. Pero maraming consequences. Saka maipapaliwanag ko ba kay General na babaeng Pilipina ang anak niya? Tingnan mo nga? Lagyan lang 'yan ng kapirasong bigote hitsura na ni Hitler 'yan na nag-reincarnate." Inginuso pa nito ang ama.

"But what will happen? I mean they are planning for a big wedding and how are we going to prevent that? 'Di ba we're just going to fake our wedding?" Paniniguro niya.

"Yeah." Napabuga ito ng hangin at tinapik ang kamay niya. "Ako na ang bahala."

Narinig niyang tumikhim ng malakas si Berett kaya tumingin ang mga magulang nila dito. Pilit na pilit ang ngiti nilang dalawa sa mga magulang at halatang naghihintay ang mga ito sa kung anong sasabihin nila.

"Sir." Muli ay tumikhim si Berett at naramdaman niyang humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "With all due respect, can we have a say in this situation? About the wedding?"

Halata niyang kinakabahan ito habang nagsasalita. Ramdam niya ang panlalamig ng kamay nito.

"Ano ang gusto mo?" Ang tatay nito ang nagtanong.

Tumingin ito sa kanya at tumango siya. Bahala na ito sa kung ano ang sasabihin pero hindi sila puwedeng makasal na dalawa.

"I mean, kahit naman ganito ang sitwasyon namin, can we decide what we want for us and our child?" Sabi pa nito.

Hindi sumagot ang mga magulang nila pero nakikinig pa rin sa sinasabi ni Berett.

"We don't want a grand wedding." Si Cami na ang nagsalita noon.

"Hindi naman ako papayag na hindi kayo makasal. Buntis ka. Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sa iyo." Bahagyan tumaas ang boses ng daddy niya.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon