CHAPTER NINETEEN

2.5K 158 44
                                    


Berett

Napapangiwi siya sa tuwing maririnig niyang bumibirit ng kanta ang tatay niya. Napapaikot pa nga ang mata niya dahil sumasabay din sa pagkanta ang tatay ni Cami tapos ay magtatawanan ang mga ito nang malakas. Silang dalawa ni Cami? Napilitang magkulong na lang sa kuwarto niya. Sinabihan na silang magpahinga dahil siguradong magpupuyat daw ang mga ito sa pagkanta. What was with old people and videoke? Naalala niya kahit noon sa bahay nila sa tuwing pupunta siya, lagi niyang naaabutan na nagvi-videoke ang tatay niya at doon lang niya nakikita na hindi stiff ang lagi nang seryoso niyang ama. Music would calm his father down. There, he could see his father was a soft human too.

"Hindi pa ba sila titigil? Baka ipa-barangay na tayo ng kapitbahay."

Tinapunan niya ng tingin si Cami na prenteng nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang hawak nito ang telepono at may pinapanood. Siya naman ay nanatiling nakaupo lang sa couch at nakapangalumbaba.

"Hindi titigil 'yan hangga't hindi napapaos. Frustrated yatang maging Pavaroti 'yang tatay ko," nakairap na sagot niya at inis na nahiga doon. Nakatitig siya sa kisame tapos ay muling tumingin sa gawi ng babae. "So, dito ka talaga matutulog? Sa isang kuwarto tayo matutulog?"

Tiningnan siya ng masama ni Cami. "May masama ba? Mag-asawa naman tayo."

Ngumiti siya dito. "Hello? Ayaw kong kasama ka sa kuwarto. Mapagsamantala ka. Mamaya kung ano na naman ang gawin mo sa akin." Automatic na napahawak siya sa pagitan ng hita niya dahil kinakabahan siyang baka pagsamantalahan na naman iyon ni Cami.

"As if naman may choice tayong maghiwalay ng kuwarto. Gusto mong magwala at maglabas ng baril ang mga tatay natin? Of course, they would expect that we sleep in the same room." Inirapan siya nito at muling ibinalik ang tingin sa pinapanood. Hindi na nagsalita at napailing na lang. Napapangiti pa ito habang tila tuwang-tuwa sa nakikita.

"Ano ba 'yang pinapanood mo?" Ngayon ay na-curious na siya dahil tingin niya ay hindi nag-aalala si Cami sa nangyayari sa paligid nila.

Hindi ito sumagot pero ipinakita nito sa kanya ang telepono. Nakita niyang may dalawang babae doon na nagroromansahan tapos ay may isang lalaki na nakatayo sa gilid at hinihimas ang pagkalalaki nito.

"You're watching porn again?" Nanlalaki ang matang tanong niya.

"Anong masama? Dito na nga lang ako kumakapit." Iritableng sagot nito tapos ay muling ipinako ang tingin sa pinapanood.

Napailing na lang siya at muling tumingin sa kisame. Matagal siya sa ganoong posisyon pero automatic na napapatingin siya sa gawi ni Cami. Nakikita niya itong seryoso sa pinapanood. Bahagyang hinahawakan ang dibdib tapos ay napapakagat-labi pa.

"Nati-turn on ka 'no?" Tanong niya dito.

"Walang masama. Normal na feeling 'yon." Walang anuman na sagot nito na nanatiling nanonood.

Napahinga siya ng malaim at muling tumingin sa kisame. Muli ay napatingin siya sa gawi nito na tahimik pa rin pero kitang-kita niya na hindi na kumportable ang hitsura nito. Kilala niyang mataas ang libido ni Cami pagdating sa sex kaya alam niyang hirap na hirap din ito sa kalagayan nito ngayon. Walang makapagbigay ng pangangailangan ng katawan nito pagdating sa kama.

Tumayo na siya at tumabi dito sa kama. Nakataas ang kilay nito sa kanya at nagtataka sa ginawa niya.

"Anong ginagawa mo dito? Mamaya madakma ko 'yang etits mo sabihin mo pinagsamantalahan na naman kita. Huwag kang mag-aalala, hindi ko na gagawin. Lumayo ka na sa akin, bakla." Umurong pa ito palayo sa kanya at muli ay nanood.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon