CHAPTER NINE

2.3K 141 68
                                    


Cami

            What the fuck?

            What the fucking fuck?

            Ano ang ginagawa ng baklang ito dito?

            Pareho sila ni Berett na walang masabi kundi ang salitang 'you' lang habang nakatingin sa isa't-isa. Parehong nakaawang ang mga labi nila at talagang ang hitsura nila ay parang mga nakakita ng multong tinatakasan nila.

            "A-anong ginagawa mo dito?" Siya na ang naunang nagsalita. Kahit alam niya ang dahilan kung bakit nandito si Berett, gusto niyang makasiguro na baka hindi ito ang Bernardo na sinasabi ng daddy niya.

            Bumuka ang bibig nito na parang may gustong sabihin pero natatarantang tumingin ito sa mga kasama.

            "Balae. Tingin ko na-love at first sight ang mga anak natin. Sinasabi ko na sa iyo, tama talaga ang desisyon natin na ipagkasundo ang mga bata."

            Damang-dama niya ang kasiyahan sa boses ng daddy niya nang sabihin iyon. Nakita niyang nanlaki ang mata ni Berett at natatarantang tumingin sa kanya.

            "Nasa hitsura naman nila na magkakasundo silang dalawa. Halika. Magsi-upo tayo. We are going to be one family after all," mommy naman niya ang nagsabi noon.

            Hindi kumikilos si Berett at tingin niya ay gusto nitong kumaripas ng takbo paalis doon.

            "Bernardo, you can sit beside your fiancée." Sabi ng tatay nito at itinuro ang puwesto niya.

            Sunod-sunod ang iling ni Berett. Hitsurang nandidiri na tumabi sa kanya.

            Walanghiyang bakla ito. Anong akala niya? Gusto ko itong nangyayari? Buwisit siya! Kung ayaw niya ng set-up na ito, mas lalong ayaw ko. Lalo na sa kanya pa?

            Inirapan na lang niya ito at padabog siyang naupo sa upuan niya. Gusto na lang niyang matapos ang kahibangan na ito. Hindi naman siya papayag na matuloy ang kalokohang ito na pauso ng magulang niya. Pagbibigyan na lang niya ngayon para hindi naman mapahiya sa mga bisita nila. After this, she would come out to them. She would tell them that what she wanted was woman and she could never marry a man.

            Tinapunan niya ng tingin si Berett na parang rebulto na nakatayo lang malapit sa kanya. Pero maya-maya ay lumapit na din ito at dahan-dahang naupo sa tabi niya. Tumaas lang ang kilay niya at dinampot ang wine na nasa harapan at uminom doon. Umasim ang mukha niya. Ang sama ng lasa ng wine. Ang pait. Bakit napapaitan na siya? Sanay siyang uminom ng alak. Kahit anong klase. Pero ngayon parang hinahalukay ang tiyan niya nang sumayad ang wine sa sikmura niya.

            Wala silang imikan na dalawa habang ang mga magulang nila ay walang tigil sa huntahan. Bakas na bakas ang kasiyahan sa mga ito habang nagpaplano para sa kasal nilang dalawa. Silang dalawa naman ay nakatingin lang sa mga ito at nakikinig sa mga pinag-uusapan.

            Mayabang ang daddy niya. ipinagyayabang ang mga na-achieve nito over the years. Ang mga nabiling properties. Mga imported na sasakyan. Ganoon din naman ang tatay ni Berett. Hindi nagpapatalo. Ang mga nanay nila ay kuwentuhan din nang kuwentuhan. Nag-uusap kung sinong sikat na couturier ang kukunin para magtahi ng gown niya. Napangiwi siya nang marinig iyon at inis na dinampot ang serving plate ng pasta na nasa harapan niya.

            "Do you know about this?" Narinig niyang mahinang tanong ni Berett.

            Inipan niya ito kahit hindi niya tiningnan. "I don't have any fucking idea." Mahina ding sagot niya.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon