CHAPTER TWENTY-TWO

2.7K 186 41
                                    


Berett

Nagmulat siya ng mata nang maramdaman na may nagbukas ng pinto at lumabas tapos ay isinara muli. Tumitig siya sa pintong dinaanan ni Cami tapos ay napahinga ng malalim. Inis niyang kinuha ang unan at itinabon iyon sa mukha niya.

What happened last night was something. Pilit niyang hinahanap sa sarili niya ang pandidiri dahil sa ginawa nila ni Cami. Pilit niyang pinagagalitan ang sarili dahil sa mga ginawa niya. Tulad noong unang may mangyari sa kanila na halos masuka siya sa tuwing maaalala kung paano sila naghalikan. Kung paano gumalaw ang kamay niya sa katawan nito.

Kung paanong gumalaw si Cami sa ibabaw niya.

"Damn it." Inalis niya ang unan na nakatabon sa mukha at ibinato iyon. Bumangon siya at naisabunot ang mga kamay sa buhok.

He shouldn't feel like this. He shouldn't be satisfied with what they did. He was sure he was under the influence of drugs that was why he was allowing Cami to violate him. To control him. And right now, that he was already sober, he knew what happened last night was a mistake.

Sure? Mistake? Aminin mo. Nagustuhan mo ang ginawa 'nyo.

Asar siyang tumayo at tinungo ang banyo. Hindi agad siya naligo. Humarap siya sa salamin para tingnan ang sarili. Wala namang nagbago sa hitsura niya physically. Ganoon pa rin ang mukha niya. Ganoon pa rin ang katawan niya. Pero habang nakatingin sa sarili, pakiramdam niya ay ibang tao ang nakaharap sa kanya. He knew there was something changing in him. He was not looking at the Berett that he knew all his life. He couldn't see the Berett that was wild. Girly. Gay. The face that was looking back at him across the mirror was someone else.

Napailing na lang siya at naligo. Baka epekto lang ito ng drugs na nainom niya kagabi. Iinom lang siya ng kape at mawawala na itong kung anong nararamdaman niya. Matapos maligo at magbihis ay lumabas na siya sa kuwarto. Naabutan niya ang mommy niya at mommy ni Cami na nag-aalmusal. Pareho nakatingin sa kanya ang dalawa tapos ay nagbulungan pa. Ang mommy niya ang nakita niyang humagikgik tapos ay marahan pang hinampas ang braso ng mommy ni Cami. Parang mga nagmumurang kamatis na nakakita ng crush ang mga 'to. Napairap na lang siya at nagsimulang magtimpla ng kape.

"Berett, honey. Hindi mo inihatid sa trabaho si Cami?" Boses ng mommy niya iyon.

Napahinto siya sa ginagawa at tumingin sa mga ito.

"She went to work?" Paniniguro niya. Hindi pa nila napapag-usapan ni Cami na babalik na ito sa trabaho. At dapat sinabihan man lang siya na ngayon na ito babalik mula sa pagbabakasyon.

Nagkatinginan ang dalawang may-edad na babae. "She didn't tell you?"

"No." Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng inis na hindi man lang ipinaalam ni Cami ang plano nito.

"Kaaalis-alis lang niya. At mukhang satisfied." Bumungisngis pa ang mommy niya.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa mo. Alam niyang dating madre ang nanay niya kaya hindi siya sanay na umaarte ito ng ganito.

"Totoo naman, balae. Napakasuwerte ng anak ko sa anak mo. Mukhang maayos na maayos ang magiging buhay mag-asawa nila. Bukod sa guwapo at lalaking-lalaki si Berett, good provider at talagang maalaga pa hanggang sa kama." Nanay ni Cami ang nagsalita noon.

"Shit!" naibulalas niya nang umapaw ang kape na isinasalin niya sa coffee mug at napaso ang kamay. Painis niyang binitiwan sa lababo ang coffee mug. Hindi na siya magkakape dito. Bibili na lang siya sa madadaanang coffee shop.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon