CHAPTER THIRTY-TWO

2.4K 136 37
                                    


Berett

"Del Castillo! Napiyansahan ka na. Laya ka na."

Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang binubuksan ng pulis ang rehas na bakal at binuksan iyon. Tiningnan niya ang mga kapwa presong naroon na lumayo sa agad sa kanya nang tumayo siya at lumabas.

"May nagpiyansa sa iyo." Sabi pa ng pulis at pinasunod siya hanggang sa makapunta sa front desk. Doon ay may isang pulis pa ang lumapit sa kanya at inilapag sa front desk ang isang kahon na naglalaman ng mga gamit niya. Wallet at cellphone lang naman ang naroon.

"Sino nagpiyansa, Sir?" Tanong niya sa pulis habang pumipirma sa release form na ibinigay sa kanya.

May itinuro lang ang pulis sa likuran niya at nakita niyang nakatayo doon si Dorian at nagkibit-balikat na ngumiti sa kanya. Pinigil niya ang maiyak at tinapos na ang pinipirmahan niya tapos ay kinuha ang mga gamit bago humarap kay Dorian.

"Are you okay?" Tanong nito sa kanya. "Hindi ka ba binastos sa loob?"

Hindi niya pinansin ang pagtawa ng pulis na nasa harap niya.

"Babastusin siya sa loob? Nakita mo ba 'yong dalawang nakalupasay sa gilid? Ginulpi niya iyon. Sabi ng mga preso bakla daw 'yan. 'Tangina manuntok, daig pa si Pacquiao." Natatawa pa ring sabi ng pulis habang kinuha ang mga papel na pinirmahan niya.

Nilingon niya ang pinanggalingang selda at tumingin sa kaibigan. Kita niya ang gulat sa mukha ni Dorian sa narinig na sinabi ng pulis pero hindi na niya ito inintindi. Nauna na siyang naglakad palabas sa presinto habang nakasunod sa kanya ang kaibigan.

"Thank you," mahinang sabi niya dito nang makarating sila sa sasakyan ni Dorian.

"You beat those men?" Tonong hindi makapaniwala ito sa narinig.

Hindi siya kumibo at tumingin lang sa namamagang mga kamao.

"Wow. You unleashed a monster. Just so you know, Aaron is not going to press charges."

Tumingin siya dito at nakangiti sa kanya si Dorian. Hitsurang proud. "You deserve what you did to him. After all of the things that he did to you. You almost lost your baby because of him. Kulang pa ang bugbog na ibinigay mo do'n."

Hindi siya sumagot at sumakay na lang sa kotse at ganoon din ang ginawa nito. Ikinabit niya ang seatbelt sa sarili at sumandal sa kinauupuan.

Naalala pa niya ang ginawa ni kay Aaron. Matapos ang nangyari kay Cami at malaman ng mga magulang niya ang totoong pagkatao niya ay nagpatong-patong na lahat ang nasa isip niya. Hindi niya magawang puntahan si Cami dahil talagang ayaw pumayag ng mga magulang nito. Hindi siya makauwi sa kanila dahil galit ang magulang niya sa nalamang sikreto niya. Tapos wala pang ginawa si Aaron kundi ang manggulo sa kanya at pilit siyang hinaharass para magbigay pa rin siya ng pera. Hindi na siya nakapagpigil at muli itong pinuntahan sa condo. Naabutan niya itong may kasama at hindi na siya nakapatimpi at ginulpi ang lalaki. Talagang binasag niya ang mukha. Doon niya inilabas ang lahat ng galit niya at frustration. Tumawag ng security ang kasama nito kaya siya dinampot ng mga pulis.

Hindi siya tumawag sa magulang niya para humingi ng tulong. Kung makukulong siya dahil sa ginawa niya kay Aaron ay okay lang sa kanya. Wala na rin naman siyang pupuntahang pamilya.

Wala na rin naman siyang uuwian na asawa.

"I went to Aaron in the hospital." Natatawa si Dorian. "Fuck, man. You beat him like that?" Tonong hindi makapaniwala ang kaibigan niya. "Kaya mo naman palang bugbugin ng ganoon si Aaron pero bakit nag-inarte ka pa noon at pinuntahan ako sa date ko kay Amere."

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon