CHAPTER SIXTEEN

2.5K 174 53
                                    


Cami

            Napapaikot ang mata niya habang gumagawa ng almusal dahil sa ingay ni Berett. Nakaupo ito sa harap ng mesa at hitsurang problemado. Tingin pa niya ay puyat na puyat. Naka-suot ito ng blue longsleeves polo at black chinos at alam niyang ready na itong pumasok sa trabaho. Napapatirik pa ang mata niya nang makitang inuuntog-untog nito ang ulo sa mesa. Napapailing na lang siya at itinuon ang pansin sa ginagawa. Masarap ang almusal na niluluto niya. Ito ang gusto niya. Egg omelette with mushroom and tomatoes.

            "Bakit mo ginawa iyon? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Pakiramdam ko nabawasan ang pagkababae ko."

            Tonong naiiyak pa si Berett nang sabihin 'yon at muli ay inuntog-untog nito ang ulo sa mesa.

            Napairap siya at dinampot ang martilyo na nakita niya sa isang gilid.

            "Ayan ang martilyo. Ipukpok mo na sa ulo mo." Ibinagsak niya sa harap nito ang martilyo at binalikan ang niluluto.

            "Napakasama mo talaga. Pinagsamantalahan mo na ako kagabi tapos ganyan ka pa? Hindi ka man lang nakokonsensiya?"

            Inis na humarap siya dito. "Ano? Anong pinagsasasabi mong pinagsamantalahan kita? Hoy, bakla. Baka nakalimutan mo, nilabasan ka pa. Nag-enjoy ka do'n. Ikaw na ang binigyan ng pabor, ikaw pa ang nag-iinarte diyan." Hinango niya ang nilulutong pagkain at inilagay sa plato tapos ay padabog na inilapag sa mesa.

            "Hindi ko iyon gusto." Lukot na lukot ang mukha ni Berett at parang talagang nagsisisi sa nangyari. "Ano bang pumasok sa kukute mo at ginawa mo 'yon?" Ngayon ay inis na itong nakatingin sa kanya.

            "Ano bang masama? Namatay ka ba? Nabuhay pa nga 'yang alaga mo. Buhay na buhay kagabi." Napakagat-labi siya nang maalala kung paano niya tikman ang pagkakalaki ni Berett. His cock was so hard and thick. It was good to lick and suck and it gave her the ultimate pleasure that she needed the past days.

            Sinamaan siya ng tingin ni Berett at muli ay sumubsob ito sa mesa.

            "Tigilan mo na 'yang arte mo. Tanggapin mo ang katotohanan na tumitigas din sa bibig ng babae 'yang etits mo. Arte-arte. Pakipot pa. Pero nag-enjoy naman. Kung hindi mo talaga feel 'yon hindi 'yan titigas kahit anong gawin ko. Pero kagabi, 'yang sundalo mo parang mandirigma talaga tapos ungol ka pa ng ungol." Napangiti siya. "Tigas-tigas kaya. Sarap hawakan. Sarap dilaan. Saka ang tamis ng-"

            "Staappp!" Mataas pa sa boses ni Sylvia Latore ang boses ni Berett. "Stop it. I don't want to hear it anymore. It was just another nightmare. Oh God," naitakip nito ang kamay sa bibig na parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

            Kita ni Cami na mukhang devastated talaga ang hitsura ni Berett kaya sumeryoso na rin siya.

            "All right. I'm sorry. I'm sorry for what I did. Kung feeling mo na na-harass kita. Hindi ko lang talaga napigil ang sarili. I told you, because of hormones my body needs some sex. Some release. And I saw you last night, I saw an opportunity. Nagsawa na ako sa carrots at talong na may honey. In fairness talaga, masarap 'yong honey sa pototoy mo." Ngumiti siya ng maasim kay Berett.

            Sumigaw ng malakas si Berett at itinakip ang kamay sa dalawang tainga.

            "Ayoko. Ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo. Ayoko ng maalala ang ginawa mo," napabuga ito ng hangin. "Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Pakiramdam ko para akong nasadlak sa putik. Pakiramdam ko hindi na ako malinis na babae."

            Sinamaan niya ng tingin si Berett habang parang best actress itong nag-da-drama sa harap ng mesa. Nakahawak pa ito sa dibdib na hitsurang babaeng nawalan ng dangal. Dumampot siya ng pandesal at ibinato ito sa mukha.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon