CHAPTER SIX

2.4K 120 40
                                    


Berett

            It had been two months after what happened to him and Cami. And he tried so hard to make everything normal for him. He tried to date other men. He tried to join dating apps just to have some fun. But just like any other days after that incident with her, he would end up going home alone.

            Un-fucked.

            Lonely.

            Depressed.

            Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Ang dami-dami niyang nakikilalang mga lalaki. Mga guwapo at talagang mga tipo niya pero hindi niya magawang maakit sa mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya nakakaramdam ng arousal. Ano ba ang ginawa ni Cami sa kanya?

            Dalawang boteng beer na ang nauubos niya habang naghihintay kay Dorian. Hindi na talaga siya makatiis kaya tinawagan na niya ang best friend. Kahit alam niyang busy na ito kay Amere, kailangan niyang makakausap. Kailangan niyang ng mapagsasabihan. Sa totoo lang, ayaw na sana niyang sabihin pa kahit kanino ang nangyari sa kanya. Pero pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang ulo sa paulit-ulit na pag-aalala sa pangyayaring. Kahit pilit niyang kinakalimutan, para itong sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya.

            Napatitig siya sa dalawang bote ng beer. Maging siya ay nagugulat sa sarili na umiinom siya ng beer. He hated beers. He wanted to drink cocktail mixes. 'Yong masasarap na mixes na matamis at may kick ng alcohol. Not this kind of drink. Mapait. Nakakalaki pa ng tiyan. Pero wala siya sa mood na mamili ng mga cocktail mixes. He ordered whatever drink that was easily served on him.

            Dinampot niya ang bote ng beer at tinungga iyon. Inubos niya ang laman at umorder ng isa pa sa dumaang waiter. Ang ganda ng ngiti nito sa kanya. halatang nagpi-flirt. Alam na naman niya ang galawan ng mga ganito. Pero tipid lang siyang ngumiti at itinuon ang pansin sa kaharap na bote. Wala talaga siya sa mood kahit ilang lalaki na ang nagpapa-cute sa kanya.

            "And you are drinking beer."

            Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang naupo si Dorian sa harap niya. Napangiti siya dito at kitang-kita niya ang ganda ng aura sa mukha nito. Halatang-halata na masaya ito sa piling ni Amere.

            "You look happy." Komento niya at ngumiti dito.

            "I am." Masayang sagot nito. "I mean, Amere is the most wonderful person that I met in my life. We are so happy. We are travelling together. You know going out every night. It is a wonderful experience being in love with her."

            Pilit siyang ngumiti at napatingin sa waiter na naglagay ng beer sa table nila. Sumenyas siya ng isa pa para kay Dorian.

            "So? Why? Are you okay? May syota ka na naman na nanghaharass sa iyo?" Napailing ang kaibigan. "I told you, you need to choose men who are going to be with you and not after your money."

            "There is no any man, Dorian. Two months na akong diyeta sa lalaki." Asar na sagot niya at tumungga sa hawak na beer.

            Napakunot ang noo nito na halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

            "Ikaw? Madi-diyeta sa lalaki? Maysakit ka?" Biro nito at hinawakan pa ang noo niya. Inis niyang inalis ang kamay nito at napahinga ng malalim.

            "I am telling the truth. I don't know what is happening to me. I can't understand why," napahinga siya ng malalim at napasubsob sa mga palad.

            "Hey. Are you okay?" Ngayon ay nag-aalala na ang tono ni Dorian.

            "I fucked someone." Napapailing na sabi niya. Hitsurang malaking kasalanan ang nagawa niya.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon