CHAPTER FOUR

3.2K 120 48
                                    


Berett

Fuck his head was heavy.

Masakit. Pakiramdam niya ay binibiyak iyon. Bahagya pa siyang napaungol nang gumalaw. Lalo lang yatang nakalog ang ulo niya kaya hindi muna siya nagmulat ng mata.

Hindi naman siya uminom ng alak masyado kagabi pero ang feeling niya ngayon ay matinding hangover ang nararanasan niya. Pero napangiti rin siya nang maalala ang nangyari. Ang bango ni Levi. Ang sarap pa humalik. Ibang klaseng experience ang ibinigay nito sa kanya. Dati siya lang talaga ang ginagamit ng mga lalaking nakaka-sex niya. Pero kagabi, ibang-iba talaga.

Masarap din palang maka-experience na siya naman ang pumapasok sa backdoor.

Napahagikgik pa siya kahit nakapikit. Ang sarap ng feeling. Naalala niya na mainit. Masikip. Ibang klase ang pakiramdam. Pakiramdam nga niya ngayon ay tinitigasan na naman siya at gusto na naman niyang ma-experience ang backdoor ni Levi.

Bahagya siyang gumalaw at nanatiling nakapikit habang kumapa sa kama. Lalo siyang napangiti nang maramdaman na may katabi pa rin siya. Hindi siya iniwan ni Levi. Ang hot-hot pa naman ng lalaking iyon kagabi. Ang ganda ng katawan. Grabe ang abs. Talagang parang hot pandesal na ang sarap kagatin. Gumalaw siya at humarap sa puwesto ni Levi. Iba ang saya kapag nagigising siyang may kasamang lalaki sa kama.

Pero pakiramdam niya ay binabangungot siya nang makita na hindi si Levi ang kasama niya sa kama.

Si Cami ang nakita niyang natutulog doon at walang suot na damit. Nang tingnan niya ang sarili ay nakita niyang ganoon din siya. Gusto niyang mahiya sa sarili nang makitang tayong-tayo din ang nasa pagitan ng hita niya.

Dali-dali siyang napabalikwas ng bangon at umalis sa kama. Hinila niya ang kumot at ibinalot sa katawan habang nanlalaki ang matang nakatingin kay Cami.

What happened last night? Bakit nandito ang babaeng ito sa kama niya? Naitakip niya ang kamay sa bibig nang maisip na baka may nangyari sa kanila ni Cami. Pakiramdam niya ay hihimatayin yata siya at bahagya pa siyang naduwal.

"Bruha! Gumising ka diyan!" Kinuha niya ang isang unan at ibinato sa babae. Hindi siya lumalapit dito dahil diring-diri siya na makita ang hubad nitong katawan.

Bahagya pang umungol si Cami at umayos ng higa. Lalo lang niyang nakita ang hubad nitong katawan at ang malaking boobs. Napatili siya at itinakip ang kamay sa mga mata.

"Cami! Punyeta ka! Ang suso mo nakikita ko at hindi kaaya-ayang tingnan!" Tili niya at muling kumuha ng unan para ibato sa babae.

"What the fuck?" Inis nitong sabi dahil sa naputol na pagtulog. Kinuha nito ang unan at itinabon sa mukha.

Umikot siya para mapalapit lalo dito. Ang asim ng mukha niya na talagang diring-diri na makita ang babae. Sinubukan niyang kunin ang unan na nakatabon sa mukha nito at diring-diring na inalis iyon. Napapikit pa rin siya dahil nakita na naman niya ang hubad nitong katawan.

"Pek-pek ka, anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko? Anong ginawa mo kay Levi?" Naiiyak na tanong niya.

Nagmulat ng isang mata si Cami at tumingin sa kanya.

"Anong problema mo bakla?" Inis nitong tanong sa kanya.

"Anong problema? Nandito ka sa kuwarto ko. 'Di ba ang usapan natin doon kayo sa kabila ni Dione. Bakit nandito ka? Ni-rape mo ba ako?"

Inis nitong sinuklay ng kamay ang mahabang buhok. "The fuck you're talking about? I had threesome last night. It was Dione and Levi. Ewan ko kung anong ginawa mo." Pabigla nitong hinablot ang kumot na ibinalot niya sa katawan at napatili siya nang mahubaran. Tila wala namang pakialam si Cami at muli itong pumikit para matulog.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon