CHAPTER EIGHTEEN

2.5K 134 41
                                    



Cami

            Wala silang kibuan ni Berett habang nasa harap ng hapag at kasabay na kumakain ng hapunan ang mga magulang nila. Walang tigil sa pagkukuwentuhan ang mga magba-balae habang silang dalawa ay nakatingin lang sa mga ito. Alam niyang kinakabahan si Berett at ganoon din naman ang nararamdaman niya. Wala silang magagawa kung mag-desisyon ang mga magulang nila na dumito ng ilang araw. Mas magtatanong ang mga ito kung pipilitin nilang paalisin ang mga ito. Mas magkakaroon ng duda na mayroon silang ibang set-up ni Berett.

            Tinapunan niya ng tingin si Berett na tahimik lang nakaupo sa tabi niya. Pangiti-ngiti lang ito sa mga jokes na ibinabato ng tatay nito. Mga jokes na mostly ay kaberdehan. Mga jokes na applicable lang sa mag-asawa. Sabagay sa mata ng mga ito ay mag-asawa naman kasi sila. Alam niyang mahigpit ang tatay ni Berett katulad ng tatay niya kaya naninibago din siya na ngayon ay at ease na at ease ito sa harap nila. Hindi nahihiyang magtanong kung kumusta silang mag-asawa at ang sex life nila. Sa totoo lang medyo na-o-off siya. Those kinds of issues should be between her and Berett. Hindi na niya kailangan pang i-broadcast sa mga ito kung ilang beses silang mag-sex gabi-gabi.

            Napa-irap siya. Bakit ba siya naiinis kung magtanong man ng tungkol sa ganoon ang mga magulang nila? In the first place, wala naman silang sex life ni Berett. Hindi naman maka-count as sex ang ginawa niya dito kagabi. Diring-diri pa nga ito sa ginawa niya. Sumimangot ang mukha niya. Ang arte na ayaw pa sa ginawa niya samantalang galit na galit naman ang alaga at nilabasan pa nga. Kung ayaw nito puwede naman siyang pigilan. Puwede siyang itulak. Puwede siyang ipagtabuyan. Pero pinatapos pa siya sa ginagawa at alam naman niya na nag-enjoy naman.

            At isa pang ikinakainis niya, bakit kailangan nitong sabihin sa boss niya ang tungkol sa kanila. Ingat na ingat nga siyang malaman ng mga tao ang tungkol sa pag-aasawa niya tapos ganoon ang ginawa. Sigurado siyang kakalat na iyon sa office. Sigurado siyang pagpipiyestahan na naman ng mga tao doon ang issue tungkol sa kanya na isa pang iintindihin niya.

            "Gawan mo ng paraan na hindi sila matulog dito."

            Nakataas ang kilay na tumingin siya kay Berett at kita niyang problemado ang hitsura nito.

            "Bakit ako? Ikaw ang gumawa ng paraan." Sumandok siya ng macaroni salad at kumain.

            "Ikaw dapat. Mas maniniwala sila sa iyo dahil ikaw ang buntis. Sabihin mo nahihirapan kang maglihi. Sabihin mo ayaw mo ng ibang tao."

            Hindi siya sumagot. May punto doon si Berett. Puwedeng maniwala ang mga magulang nila kapag siya na ang umarte dahil nga buntis siya. Ang problema kasi nila kapag dito natulog ang magulang nila, mapipilitan silang magtabi matulog. Wala namang kaso sa kanila pero ang baklang ito, parang pinapaso madikitan lang niya.

            Tawanan pa rin nang tawanan ang mga magulang nila. Hanggang sa mapatingin sa gawi niya ang mommy ni Berett.

            "How about you, iha? How's your pregnancy?" Damang-dama niya ang pag-aalala nito sa kalagayan niya.

            Maasim siyang ngumiti. "Not good, Tita. Medyo mahirap po."

            "Anong tita? You're supposed to call me mom. You are my daughter already at kitang-kita ko naman na nagkakamabutihan na talaga kayo ng anak ko." Tumingin pa ito sa gawi ng magulang niya. "Look at them. Aren't they the cutest couple? Sa totoo lang kinikilig ako sa kanila."

            Maasim pa rin ang ngiti niya at tumingin kay Berett. Nakita niyang nanlalaki ang mata nito sa kanya na parang sinasabing gawan niya ng paraan ang sitwasyon na 'to.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon