CHAPTER TWENTY-SEVEN

2.6K 152 22
                                    


Cami

Opening up the real feelings that they felt to each other was the best.

Mas naging intimate sila ni Berett pagdating sa kama. Wala naman talaga siyang masasabi sa bagay na iyon. The nightly sex with him was superb. Lalong ginagalingan sa tuwing magsi-sex sila gabi-gabi. Halatang nagpapakitang-gilas ito sa kanya. And the after-sex talks that they were having every night, was the thing that she was always looking forward too. Ang sarap kausap ni Berett. Ang deep ng mga thoughts nito. Berett was smart. He was always telling her things that she didn't know about him. His favorites. Food. Color. Songs. Books. His favorite place to stay when he was mad, when he wanted to be alone. Those little things that that made her fall for him more.

Saka responsible si Berett. Lahat ng kailangan niya ay ibinibigay nito. Lahat ng gusto niya ay sinusunod nito. Iyon nga lang, ang gusto talaga nito ay hatid-sundo siya sa opisina. Ayaw siyang nagda-drive mag-isa. Ayaw na papasok siya na walang baon na ginawa nito.At ayaw na ayaw nitong nag-o-overtime siya lalo na kapag nalaman na kasama ang boss niya. Naipagpasalamat naman niyang hindi na rin siya masyadong kinukulit ng boss niya. Siguro ay napansin nito kung gaano ka-possessive si Berett at kung may pagkakataon talaga, umiiwas na siya dito.

Ngayon nga ay araw ng check-up niya sa OB. Alam niya ay may importanteng meeting ngayon si Berett kaya sigurado na siyang mag-isa siyang pupunta sa doctor niya. Sanay na naman siya noon pa man. Hindi niya ino-obliga ito na samahan siya sa mga ganoong bagay. Pero nagtataka siy ana tanghali na ay nakahiga pa rin sa kama si Berett at sige browse ng telepono nito.

"Hindi ka ba papasok sa trabaho?" Kinukuskos pa niya ang buhok ng tuwalya para matuyo iyon.

Sinulyapan siya nito at ngumiti. "Nag-leave ako."

"Akala ko may importanteng meeting ka?"

"Mas importante ka at ang check-up ng anak natin. Kaya na ng staff ko ang meeting na iyon." Kumindat pa ito sa kanya tapos ay ibinalik uli ang tingin sa hawak na cellphone.

Natawa siya pero pakiramdam niya ay tumalon ang puso niya. Ang baklang ito. Baklang-bakla nang makilala niya pero ibang klase magpakilig. Pakiramdam niya dalagang-Pilipina siya kung landiin.

"OA ka na. Na-o-O-A-an na ako sa arte mo." Inirapan niya ito at tinungo ang cabinet ng damit niya at humugot nang isusuot doon. Nang humarap siya ay nandoon na agad si Berett at nakataas ang kilay sa kanya.

"OA na ako?" Hinawakan nito ang baywang niya at hinila siya palapit dito. "Ayaw mo na OA ako sa iyo?" Inilapit nito ang mukha sa mukha niya kaya napalunok siya. Lagi naman silang magkadikit ni Berett pero iba talaga ang epekto nito sa kanya sa tuwing ganito ang ginagawa nito. Nakakakalog ng tuhod tumingin. Ang bango ng hininga na ang sarap halikan ng bibig. Damang-dama pa niya ang hubad nitong katawan dahil tanging boxers lang ang suot nito.

Nakatingin lang siya dito habang nararamdaman niya ang mga kamay nito na humahaplos sa likod niya tapos ay gumapang ang isang kamay papunta sa harapang tuwalya niya at inalis nito ang pagkakaipit noon sa katawan niya. Tuluyan iyong nahubad at napangiti ito.

"Dapat ganyan ka lang kapag nandito ako." Natatawang sabi nito habang bahagyang lumayo sa kanya at tinitingnan ang kabuuan niya.

"Hindi ka pa nagsasawa?" Natatawang sabi niya at akmang pupulutin ang tuwalya pero pinigilan siya nito.

"I will never get tired of looking at you. Especially now that your baby bump is showing." Nakatitig ito sa tiyan niya.

Tiningnan din niya iyon at napangiti din nang makitang bahagyang nakaumbok na iyon. Lumuhod sa harap niya si Berett at yumakap mula sa baywang niya tapos ang mukha ay isinubsob sa tiyan niya. Maya-maya ay idinikit naman ang tainga.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon