CHAPTER THIRTY-ONE

1.8K 127 34
                                    


Cami

Hindi nagsasalita si Cami habang nakatingin lang sa tatay niyang walang imik na nakatayo malapit sa bintana ng silid kung saan siya naroon. At mas iyon ang ikinakatakot niya. Mas nakakatakot na hindi nagwawala ang tatay niya matapos niyang aminin lahat ang tungkol sa kanya at kay Berett.

Sinabi niya ang lahat. Wala na siyang isinikreto. Sinabi niyang marami siyang mga naka-affair na mga babae at totoong babae ang gusto niya. Pero hindi niya sinabi ang totoong pagkatao ni Berett. Na lalaki ang gusto nito at maraming mga lalaki ang dumaan sa buhay nito. It was not her story to tell. Berett should be the one to tell people about himself. Sinabi niya sa mga magulang na totoong may nararamdaman siya para dito. Hindi niya maintindihan, hindi maipaliwanag pero iyon ang biglang umusbong sa dibdib niya.

Mahal niya si Berett at handa siyang magbago para dito. Handa siyang tanggapin kung ano ang nakaraan nito. Pero sa nakita niya...

Hindi napigil ni Cami ang mapaiyak pero mabilis niyang pinahid ang luha niya. Hindi niya kayang makipag-kumpitensiya doon. Alam niya ang pakiramdam ng ganoon. Ang sundin ang talagang sinasabi ng puso. Siya, alam niya sa sarili niya na si Berett na ang gusto niya. Wala na siyang pakialam sa mga babaeng dumaan sa kanya. Wala na siyang panahon na makipaglaro pa at umaasa sana siya na ganoon na din si Berett pero sa nakita niya, alam niyang malabong mangyari iyon.

The fact the Berett went to Aaron's place and she saw them in that uncompromising position, she knew that he couldn't let go of that feeling. She knew that whatever she does, Berett won't change. Berett liked men and will die liking men.

Tanga lang siya at naniwala siya sa mga sinabi nito. Maybe Berett was just overwhelmed of what was happening with him. He fucked a woman for the first time, experienced something different that was why he thought that he liked her. But the truth, it was just an experimental thing for Berett. There was no emotion. There was no love. And that was hurting her the most.

"Dad," basag na basag ang boses niya nang tawagin ang ama. Lumingon naman ito sa kanya pero mas lalo siyang kinabahan na seryoso lang itong nakatingin sa kanya.

"She is trying. We need to listen to her," dama niya ang lungkot sa boses ng mommy niya. Hindi man ito nag-comment sa mga pag-amin niya pero alam niyang disappointed ito sa nalamang mga ginawa niya.

"I am really sorry," hindi na niya napigil ang sarili at tuluyang napaiyak. "I tried so hard to be the daughter that you wanted me to be. But I knew even when I was small that I was different. I... I found happiness with the same sex. But that doesn't mean that I am a different person. I am still me. I experimented and did some things that I know you won't agree. But I am still your daughter. I am still human," umiiyak na sabi niya.

Nakita niyang marahang hinahaplos ng mommy niya ang likod ng daddy niya na nanatiling nakatingin sa kanya.

"What happened between me and Berett was an accident. He got me pregnant and destiny played along and now we are married. We tried. I tried," basag na basag ang boses niya. "But..." tuluyan na akong napahagulgol.

"He hurt you?" Mariing tanong ng daddy niya. Nakakatakot ang paraan ng pagkakasabi noon.

Umiling lang siya. "I just realized that we can never be together."

"May ibang babae ba si Berett?" Tanong pa ng tatay niya.

Muli ay umiling siya at napahagulgol lang. Hindi niya magawang sabihin na hindi naman babae ang magiging karibal niya kahit kailan kay Berett.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon