CHAPTER TWO

3.6K 113 32
                                    


Berett

            Cami really knew her way to women.

            Sa nakikita niya ngayon, talagang enjoy na enjoy si Dione sa pakikipag-usap dito. Hindi lang basta pakikipag-usap. They were both flirting with each other. They were being touchy. Caressing each other's faces. He even saw Dione kissing Cami and he was happy for that. Kasi alam na niyang nalipat na ang atensyon ni Cami dito at hindi na kay Amere. Sabi na nga ba niya na kapag nakakita ng bagong kalandian ang babaeng ito makakalimutan din nito ang pagnanasa kay Amere.

Ang isang babaeng kasama ng mga ito ay nagpaiwan sa bar. Narito sila ngayon sa condo niya. Siya, si Levi na kaibigan ni Dione at si Cami. Umalis na sila doon sa bar dahil mas gusto nila ang intimate na usapan. Mas mayroong ganap dito at sisiguraduhin niya na hindi matatapos ang gabing ito na hindi niya matitikman si Levi.

            Nasa kusina siy at nagpi-prepare ng drinks nila. Mga cocktails. Napangiti siya nang maisip ang word na 'cock'. How he was missing playing with that. Matagal-tagal na rin naman kasi siyang walang kalandiang lalaki. Nito kasing mga nakakaraang araw na alam niyang nahuhumaling sa babae ang best friend niya at marami siyang kabalbalang nagawa, nawala na siya sa focus. Mas natuon ang atensiyon niya kay Dorian kung paano siya makakabawi sa mga nagawang kalokohan dito.

            Napangiti siya habang naghahalo ng mix drinks. Alam niyang magkakasundo din naman si Dorian at Amere. Napaka-understanding ng lalaking iyon. Kung hindi ba, kahit na ginawan na niya iyon ng katarantaduhan dati at hinalikan niya ay pinatawad pa rin siya. Tinanggap kung ano ang totoong pagkatao niya at hindi siya iniwan. He was still his best friend at masaya na siya doon.

Mahilig naman siyang gumawa ng ganito. Kung ano-anong mix drinks ang iniimbento niya kapag narito lang siya sa condo niya. Sumilip pa siya at nakita niyang patuloy pa rin sa paglalandian si Cami at si Dione. Si Levi ay tinitingnan ang mga librong naroon sa bookshelf niya. Napangiti siya. Siguro lalong mai-impress ang lalaki sa kanya dahil makikita nito na book lover siya. Naalala niya kanina na nasabi nito na mahilig din itong magbasa. At least they had something in common. At gusto niya iyon. Hindi kung ano-ano lang ang mapag-uusapan nila.

Nagpatuloy siya sa ginagawa nang maramdaman niyang may pumasok sa kusina niya. Si Cami iyon at ang ganda-ganda ng ngiti sa kanya.

"In fairness, you made this night exciting." Sabi nito at lumapit para tingnan kung ano ang ginagawa niya. "What is that?" Kinuha nito ang isang baso at inamoy iyon.

"This is called screwdriver. A mixture of vodka and orange juice. Pero siyempre tinapangan ko ang vodka para mas masaya tayo lahat mamaya," tumawa pa siya in impit dahil nai-excite na siya sa puwedeng mangyari. Matagal-tagal na rin naman nang huli siyang magkaroon ng kalaro sa kama. The last was Aaron. The crazy guy that he met na naging stalker niya. Mabuti na nga lang at huminto na rin ang lalaking iyon ng kakasunod sa kanya magmula nang magpang-abot iyon at si Dorian. Isinumbong rin niya sa pulis ang isang iyon para tigilan na rin siyang guluhin.

Tinikman ni Cami ang tinimpla niya at napangiwi ito.

"'Tangina mo, bakla. Ang tapang nito. Puwedeng hindi naman ganito. Mamaya malasing tayong lahat lalong walang mangyaring aksyon ngayon." Hitsurang masusuka pa ang mukha ni Cami.

"Arte mo, obit. Okay lang 'to. Para mas masaya. Mas walang inhibitions pagdating sa kama." Napahagikgik pa siya. "Dalawa ang kuwarto dito. Doon na kayo sa kabila ni Dione, ha? Saka huwag naman kayong masyadong maingay kapag nag-jugs na kayong dalawa. Baka ma-distract naman kasi si Levi. Matagal na akong tigang kaya gusto ko naman madiligan ng bongga ngayong gabi."

Umasim ang mukha nito sa kanya. "Landi mo talaga. Puwede naman kasing hindi ganyan." Dinampot nito ang mga basong may mga mix drinks na timpla niya at itinapon ang mga iyon sa lababo.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon