CHAPTER ELEVEN

2.5K 142 43
                                    


Berett

            Naririnig niya ang malakas na boses ng tatay ni Cami kahit nandito lang sila ng mga magulang niya sa labas ng silid. Nakakapanliit ang mga salitang binibitiwan ng tatay ng babae. Kahit siya ay hindi masikmura ang mga salitang iyon. Cami was pregnant and all they could give was the understanding that she needed during this time.

            "Paano na ang mangyayari, Filo? Hindi na matutuloy ang kasal." Tingin niya ay disappointed ang mommy niya sa nalamang kalagayan ni Cami.

            "Paano pa matutuloy kung nadepositohan na ng iba ang anak ni Danilo?" Napahinga ng malalim ang daddy niya. "Sayang na bata. Gusto ko pa naman siya. Maganda. Mukhang intellihente. Wala sa hitsurang pakawala ang batang iyon."

            "Hindi 'nyo naman alam ang totoong nangyari." Mahinang sagot niya habang nakayuko. Kung tutuusin dapat matuwa siya nangyayaring ito. Pero hindi niya masikmura ang masasamang salita na sinasabi kay Cami. Pakiramdam niya ay siya din ang sinasabihan noon,

            "Did you say something?" Baling ng daddy niya sa kanya. "Anong sinasabi mo na hindi namin alam ang totoong nangyari? Ayan ang katotohanan. Buntis ang anak ni Danilo at hindi nila alam kung sino ang ama. Ayan na ang sinasabi ko sa mga desisyon 'nyong mga bata kayo na mamuhay mag-isa. Kapag nabigyan ng konting kalayaan mga nagwawala na. Hindi na iniisip kung ano ang mangyayari sa kinabukasan." Napahinga ng malalim ang ama niya. "Nasira ang lahat ng mga plano namin."

            Hindi siya kumibo at nanatiling nakatungo lang. Napapapikit siya sa tuwing sisigaw ang tatay ni Cami. Pakiramdam niya ay nanunuot sa buto niya ang mga sinasabi ng tatay ni Cami. At gusto niyang mainis. Wala naman silang alam sa kung anong nangyari dito. Malay ba nila kung anak niya ang dinadala ni Cami.

            Napalunok siya sa naisip. Posible kaya? Bigla ang pagkabog ng dibdib niya. Nang mapagkamalan nga siya ng doctor kanina na siya ang tatay ng ipinagbubuntis ni Cami ay talagang nanghina siya. Literal na umikot ang mundo niya. Pero paano kung siya nga?

            Puwede ba iyon? Puwede ba siyang makabuntis? Pero hindi siya lalaki.

      Babae ako.

      Gaga. Ilusyunadang bakla ka lang na akala mo may kipay ka. May lawit ka pa rin. May tamod na kayang makabuo ng bata.

            Pati ang isip niya ay pinapamukha sa kanya ang katotohanan. Napabuga siya ng hangin. Baka hindi naman. Baka talagang pagkatapos ng harutan nila ni Cami marami din itong mga hinarot na ibang lalaki at babae. Alam naman niyang mahilig din sa sex ang isang iyon. Malamang hindi naman siya ang ama ng dinadala ng ipinagbubuntis nito.

            Napa-angat ang ulo niya nang marinig ang malakas na sigaw ng daddy ni Cami. Napatingin siya sa mga magulang niya at nakita niyang napapailing ang mga ito. Halatang-halata ang disappointment sa nangyari.

            "Filo, puntahan na muna kaya natin si Danilo. Baka kung ano ang magawa sa anak niya," suhestiyon ng nanay niya.

            Naiiling na tinungo ng tatay niya ang pinto at kumatok doon. Pumasok ang mga magulang niya at naiwan siya sa labas. Napabuga siya ng hangin. Oo nga at gusto niyang hindi matuloy ang kasunduan na pina-plano ng mga magulang nila pero ayaw din naman niyang sa ganitong paraan. Kawawang-kawawa si Cami. Galit na galit ang mga magulang nito. Sinisisi sa kahihiyang ibinigay sa pamilya.

            Naisip niyang kung siya kaya ang nasa kalagayan ni Cami. Sigurado siyang hinding-hindi rin siya mapapatawad ng daddy niya. Sigurado siyang itatakwil siya kapag nalaman na bakla siya. Baka isumpa pa siya na hindi na makakatikim ng chorizo habambuhay.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon