CHAPTER EIGHT

2.3K 129 40
                                    


Berett

Kanina pa siya nakatitig sa telepono niya pero hindi naman niya magawang buksan ang mga messages na naroon. Kanina pa kasi siya nakaka-receive ng message mula sa mommy niya na ngayong gabi ang schedule nila para mamanhikan sa babaeng pinili ng daddy niya para mapangasawa niya.

Inis niyang binitiwan ang telepono at napasubsob sa mesa ng bar kung nasaan siya. Ilang oras na siyang nakababad dito. Kanina pa siya umiinom at ang totoo gusto na lang niyang magpakalunod sa alak. Ayaw niya ng nangyayari. Dinidiktahan ng mga magulang niya ang buhay niya. Matanda na siya para paandarin ng mga ito ang buhay niya.

But could he say no? To his father? Tingnan nga lang siya nito ng matalim, nanginginig na siya sa kaba. Lalo na kapag narinig na niyang nagtaas ito ng boses, hindi na siya makagalaw sa takot. Tapos iisipin pa niyang suwayin ito sa gustong mangyari? Ano siya? Magsu-suicide? Baka barilin lang siya ng tatay niya kapag kumontra siya sa gustong mangyari nito. All through his life, he didn't have the right to say no to whatever his father wanted to happen. Lahat ng nagaganap sa bahay nila, sa buhay nila ay ito ang dapat masunod. Mabuti na nga lang at hindi nito ipinilit sa kanya na maging sundalo siya pero hindi nga siya pinilit, pinag-training naman siya ng sobra para hindi daw siya maging lampa.

Kaya kahit na alam ng iba na bakla siya, marunong naman siya ng self-defense. Marunong siyang humawak ng baril. Alaga niya ang katawan sa ehersisyo dahil iyon ang gusto ng ama niya. Nag-inarte lang talaga siya noong pinuntahan niya si Dorian at guluhin ang date nito kay Amere. Kunwari ay hinaharass siya ni Aaron pero kayang-kaya naman niyang bugbugin ang isang iyon. Natawa siya sa kagagahang nagawa. Sa sobrang gusto niyang mapansin ni Dorian kung ano-ano ang nagawa niya. Nakakahiya.

Napahinga siya ng malalim at tumingin sa kaharap na beer. Mahina siyang napamura. Bakit ba beer na naman ang iniinom niya? Sumenyas siya sa bartender at umorder siya ng dirty martini. Nang iabot iyon sa kanya ay napangiti siya. Ito ang drink na dapat ay iniinom niya. Hindi ang mga panlalaking beer na nakakalaki ng tiyan.

Inubos niya ang laman ng baso at dinampot ang stick na may mga nakatusok na olives. Kumagat siya at napatingin sa lalaking tumabi sa kanya. Nanatiling nakakagat siya sa olives habang nakatingin sa lalaki na ngayon ay nakatingin din sa kanya at nakangiti.

"Hi." Bati nito.

Tumaas ang kilay niya at pinasadahan ng tingin ang lalaki. Cute. Mabango din. Disente ang hitsura. Pasado naman sa standard niya. Pero napangiwi din siya nang maalala si Levi. Pumasa din naman sa standard niya ang lalaking iyon pero naisahan siya kaya ingat na ingat na siya kapag may lalaking nakikipagkilala sa kanya sa mga ganitong lugar. Baka ma-ativan na naman siya.

Nilunok niya ang kinagat na olives at gumanti ng ngiti sa lalaki. "Hi."

"I saw that you're alone and I guess you might need some company." Nakangiti pa ring sabi nito. Tumingin ito sa baso niyang walang laman. "Dirty martini?" Paniniguro nito habang itinuro ang baso niya.

Tumango lang siya at sumenyas ng isa sa waiter.

"I'm Robbie. You are?" Halata niyang gusto talagang makipagkilala ng lalaki sa kanya. Kung noon siguro na panahong wild pa siya ay talagang susunggaban na niya ang lalaking ito. Agad niyang yayayain sa CR para doon na nila gawin ang dapat gawin nila. Pero magmula nang mangyari na naisahan siya ng mga magnanakaw na iyon at sa tuwing maaalala niya ang nangyari sa kanila ni Cami, pakiramdam niya ay nawawalan siya ng gana sa mga ganitong landian.

Nawalan na siya ng ganang makipag-sex sa mga kalalakihan.

"Someone." Tanging sagot niya.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon