CHAPTER TEN

2.3K 150 52
                                    


Cami

            "See that? That is your baby."

            Napalunok lang siya habang nakatingin sa maliit na hugis bilog sa black and white monitor na ipinapakita ng doctor habang may instrumentong nakapasok sa pagkakababae niya. Narinig niyang transvaginal ultrasound ang ginagawa ng doctor sa kanya.

            "And that sound that you are hearing is the heartbeat of your baby. You passing out is a normal situation because of your pregnancy. Your hormones released during your pregnancy relaxes your blood vessels. There is too little blood that is pumped in your brains that resulted to your fainting."   

            Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi pa ng doctor. Nakatitig lang siya sa monitor at pakiramdam niya ay nabibingi siya sa lumalakas na tunog ng heartbeat na naririnig niya.

            "D-Doc. Pakiulit nga. Pregnant. As in I am pregnant?" Gusto niyang makasiguro na tama ang mga naririnig niya na sinasabi nito. Baka kasi nananaginip lang siya at kailangan niyang gumising sa bangungot na sinasabi nito.

            Ngumiti ito sa kanya at tumingin sa mga magulang nasa tabi niya.

            "Yes. Eight weeks. I'll be giving you some iron and folic acid na talagang kailangan mong i-take during this stage." Napasinghap siya nang hugutin nito ang instrumentong nakapasok sa pagkababae niya at inayos ng assistant nitong nurse ang pagkakatalukbong ng kumot mula sa baywang niya hanggang sa hita.

            Kinakabahang tumingin siya sa gawi ng mga magulang at nagsisi lang siya sa ginawa. Pakiramdam niya ay kakainin siya ng tatay niya sa pagkakatingin nito sa kanya. Dilim na dilim ang hitsura ng mukha nito at ang nanay naman niya ay hitsurang disappointed habang pailing-iling.

            "Everything is okay. Wala namang dapat ikabahala sa situation ng patient. Kailangan lang ang pahinga. Iwasan ang kahit anong bagay na makakapagpa-stress. Ire-refer kita sa OB and after a month check up mo ulit." Nakangiti pa ring sabi ng doctor at tumingin sa mga magulang niya.

            Nang makita niyang akmang aalis na ang doctor ay gusto niyang pigilan ito. Hindi niya makakaya na mag-isa sa lugar na ito na tanging ang magulang lang niya ang kasama niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga ito na buntis siya.

            Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanila nang umalis ang doctor. Nakayuko lang siya at walang tigil sa pagpisil sa mga daliri niya dahil sa nararamdamang stress. Sinabi ng doctor na iwasan niya ang stress. Pero paano niya iiwasan ito kung ang stress mismo niya ay ang pumipintig na buhay na nasa tiyan niya.

            "What the hell happened, Catalina?"

            Napalunok siya sa bigat ng salita ng tatay niya.

            Hindi siya kumibo at nanatiling nakayuko lang.

            "Anong klaseng kahihiyan ang ibinigay mo sa akin? Buntis ka? Sino ang tatay niyan?" Ngayon ay lumakas na ang boses ng tatay niya.

            Nanatili siyang nakayuko. Puwede ba niyang sabihin na si Berett na bakla ang tatay nito? Sigurado naman kasi siyang si Berett ang ama nito. Matapos ng nangyari sa kanila ng baklang iyon, wala na siyang naka-sex na kahit sino. Mapa-babae o mapa-lalaki.

            "Sagutin mo ako!" Naramdaman niyang marahas siyang hinawakan sa braso ng tatay niya na agad na pinigilan ng mommy niya.

            "I-I don't know, dad." Naiiyak na sagot niya.

            "Putangina." Naihilamos ng daddy niya ang kamay sa mukha nito. "Ipinahiya mo ako. Ipinagmamalaki kita sa pamilya ni Filo na isa kang maayos na babae. Tapos ito ang malalaman ko? Ito anf malalaman nila? Ipapakasal kita sa anak niya pero nabuntis ka ng iba?" Nanginginig ang tono ng tatay niya sa sobrang galit nito.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon