CHAPTER FOURTEEN

2.5K 164 71
                                    


Cami

"Hindi na ito nakakatuwa."

Tiningnan lang niya si Berett na padabog na inilapag sa mesa ang ilang mga supot at bote ng honey. Hindi niya ito pinansin at tiningnan ang supot. Napangiti siya nang makita doon ang ilang mga carrots. Pakiramdam niya ay naglaway siya at agad niyang kinuha ang mga ito at hinugasang mabuti tapos ay binalatan. Kinuha niya ang bote ng honey at ibinuhos iyon sa carrots tapos ay kinain. Napapikit pa siya habang nginunguya iyon. Sarap na sarap talaga siya sa mga pagkain na nilalagyan niya ng honey.

Weird cravings.

Sabi ng doctor kasama daw iyon sa pagbubuntis niya. Noong nakaraan ang ipinahanap niya kay Berett ay tahong na nilagyan niya ng honey. Tapos baked scallops na nilagyan niya ng honey at mint leaves. Basta halos lahat ng kinakain niya ay nilalagyan niya ng honey. Kapag hindi niya nakakain ang gusto niya, suka lang siya ng suka.

"Huwag ka ng mainis para naman 'to sa anak mo," natatawang sagot niya dito habang patuloy sa pagkain.

Sinamaan siya nito ng tingin tapos ay padabog itong naupo.

"Nakakainis na kasi." Lumabi pa itong parang bata.

"Ano naman ang nakakainis? Nagpapabili lang naman ako sa iyo ng mga pagkain. Huwag kang mag-aalala, kapag tapos na ang leave ko at pumapasok na ako sa trabaho, ang sekretarya ko na ang paghahanapin ko ng mga weird cravings ko." Sige pa rin siya sa pagkain ng carrots. Ngayon ay talagang pinapaliguan na niya ito ng napakaraming honey.

"Kung bakit naman kasi kapag umatake ang pagka-weirdo ng panlasa mo laging dis-oras ng gabi. Pero okay lang naman kung bumili ako ng mga ganyan. Ang nakakainis lang..." hindi nito naituloy ang sasabihin at napasubsob na lang ang mukha sa mesa.

"Ano nga?"

Nag-angat ito ng ulo at iInirapan siya nito. "May cute akong nakita sa supermarket. Cute as in super cute with nice booty. Nginingitian ako. Alam ko nilalandi ako. Tapos nagpunta ng banyo. Alam mo 'yon. I know the cue. Gusto kong sumunod pero hindi ko magawa."

Tumaas lang ang kilay niya dito at naghihintay ng sasabihin nito.

"We've been living in this house for a month. At naipagpapasalamat ko nga na hindi tayo iniistorbo ng mga parents nating pakielamero at pakielamera. But my sex life. Zero na. Magmula nang pagsamantalahan mo ako, hindi na ako nakatikim ng chorizo ng mga otoko. Baka magsara na ang kuweba ng kaligayahan ko dahil hindi nagagamit," kunwa ay naiiyak pa ang hitsura ni Berett.

Inis niyang ibinato dito ang kinakain na carrots.

"Hoy bakla, para ipaalala ko sa iyo, hindi kita pinagsamantalahan. Tayong dalawa ang pinagsamantalahan. At wala kang kuweba ng kaligayahan. Wala kang keps kaya tigilan mo ang ilusyon mo. You think ikaw lang ang nagsa-sakripisyo para dito? I am the one who is pregnant. Ako ang maraming nararamdaman. Ako ang maraming adjustments. My fucking libido is up to the roof. Gabi-gabi akong nalilibugan dahil sa pesteng hormones sa katawan ko. Nag-reklamo ba ako?" Nanlalaki ang mata niya dito.

Hindi kumibo si Berett at hitsurang nakonsensiya na tumingin sa kanya.

"You feel that?" Naninigurong tanong nito.

Napahinga siya ng malalim. "Every fucking night." Inis siyang dumampot ng carrots at pinangas iyon. "I've never been so horny like this in my entire life. I researched it and it's because of my pregnancy."

Napakagat-kagat ng labi si Berett. "Sana ako na lang ang nagbuntis para ako ang nakakaramdam niyan. Ang saya kaya kapag horny." Ngayon ay natawa na ito.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon