CHAPTER THIRTY

2.5K 149 43
                                    


CHAPTER THIRTY

Berett

"Please. Please, babe. Hang on."

Walang patid ang pagtulo ng luha niya habang mabilis na nagmamaneho papunta sa ospital. Si Cami naman ay halos sumisigaw na at namimilipit sa sakit sa likurang bahagi ng sasakyan. Lalo siyang natataranta nang makita ang dugo sa damit nito at sa mga hita.

"I am so sorry. I am really sorry. Please, believe me nothing happened between us."

Alam niyang hindi naman maiintindihan ni Cami kung ano man ang paliwanag na sabihin niya ngayon. Napamura siya at malakas na hinampas ang manibela ng sasakyan. Hindi na niya pinansin ang pag-pula ng stop light at idineretso niya ang minamaneho. Emergency ito. Kailan ng asawa niya ang agarang treatment ng mga doctor.

Inihinto niya sa tapat ng emergency ang sasakyan at bumaba tapos ay inalalayan na makababa si Cami. Binuhat niya ang babae at halos magsisigaw siya doon para lang may tumulong sa kanila. Agad naman silang sinalubong ng mga nurse at doctor at agad na tiningnan si Cami. Panay ang tanong niya kung ano ang nangyayari sa asawa pero wala kahit isa ang sumasagot sa kanya. Ang mga ito lang ang nag-uusap-usap. Mabibilis ang mga kilos. Halatang natataranta.

"Prep the OR. Stat!" Narinig niyang sabi ng isa.

"What is going on? How's my wife?" Nanginginig ang buong katawan niya sa kaba habang pilit na sumisingit sa mga nagkakagulong staff ng emergency room.

Walang sumagot. Sige lang ang mga ito sa pag-asikaso kay Cami.

"Can please someone tell me what is going on? Will she be okay?" Pangungulit pa rin niya.

Doon na may lumapit na nurse sa kanya at pilit siyang pinalayo doon. Mabilis siyang pumiksi at pilit na lumalapit sa babae. Pero ngayon ay dalawang staff na ng ospital ang pumipigil sa kanya.

"That is my wife! I want to know what is going on with my wife!" gusto na niyang magwala at talagang tinatabig niya ang mga kamay na pumipigil sa kanya para makalapit kay Cami.

"Sir, they are treating your wife. Let them do their jobs." Narinig niyang sagot ng kung sino.

Hindi niya inintindi iyon at nagpupumilit pa rin siya hanggang mga security na ang lumapit sa kanya at sapilitan siyang pinalabas ng emergency roon.

Punong-puno ng luha ang mga mata niya habang nakatingin sa loob. Wala na siyang magawa dahil ayaw na siyang papasukin doon ng mga staff. Sinabing tatawagin na lang siya kapag may advice na ang mga doctor sa kalagayan ni Cami. Sa ngayon, ay pabayaan na muna ang mga doctor na gamutin ang asawa niya.

Pakiramdam niya ay nanghihina ang mga tuhod niya kaya unti-unti siyang napaupo habang umiiyak. Ang mahihinang paghikbi kanina ay napalitan ng malakas na hagulgol. Sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari. Kung bakit kasi naisipan pa niyang puntahan ang Aaron na iyon? Kung nanahimik na lang siya, kung nakinig siya sa mga sinasabi ni Cami. He rememberd the last time that they talked. She assured him that everything will be all right. She told him that she loved him and nothing could break them apart. That she accepted him for what he was. Whatever dark past that he had.

And yet, he went back to Aaron.

He knew to himself that the reason he went to him was to finish everything once and for all. He wanted to be over because he loved Cami. But... what happened with Aaron made him realized that he was still gay. That physically, his body was tempted to give in to his temptation.

Inis niyang sinuntok ang sarili. Isa. Dalawa. Paulit-ulit hanggang sa mamanhid ang mukha niya. He didn't deserve Cami. He didn't deserve the love that she was offering to him. And because of what he did, she got into this accident and she and their unborn child was put into jeopardy.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon