Aso't pusa

935 22 22
                                    




Naiinip na ako kakahintay kay Annie dito sa labas ng bahay nila. Ang sabi ko sa kanya in 12 minutes dapat ready na siya kasi on the way na ako. Eh anong oras na?! Halos ilang minuto na ako nag-aantay sa kanya dito sa labas.





Binusina ko ang kotse ko para mahiya naman ang babaeng yun sa pagpapahintay sakin. Aba! Pasalamat na lang siya mahal ko siya.



Yes! Opo! Kami na ni Annie. Alam ko na aso't pusa kami dati at di talaga kami nagkakasundo nun. Kahit din naman ngayon nagbabangayan pa rin kami. Eh wala ganun talaga kaming dalawa.





"Tsk! Annie naman eh!" Napapakamot ako sa tenga ko sa sobrang inis. Ang tagal talaga eh. Binusina ko ulit ang kotse ko. Bahala na kung magalit ang mga kapitbahay niya eh sa sobrang bagal ng babaeng yun.






Napansin ko naman na bumukas na ang pintoan ng bahay nila at dali-dali siyang tumungo sa maliit nilang gate at habang naglalakad ay for the last time bumusina ulit ako dahilan para mapatili siya at bahagyang binilisan ang paglakad.



"Eto na! Eto na! Eto na!" Sabi niya habang papalapit sakin. Yung sobrang lapit talaga. Kasalukuyan kasi akong nakatayo sa labas ng kotse ko. "Ang impatient mo talaga kahit kailan."




Aba at siya pa ang may ganang magreklamo sa sobrang tagal niya akong pinaghintay?!




"Hindi ako impatient eh. Ang bagal mo lang talaga kasi kumilos."




Pinaningkitan lang niya ako ng kanyang mga mata saka ako hinalikan sa labi sabay suntok sa abs ko na ikinabigla ko naman. Mapanakit talaga! "Let's go!"




"Aray! Napakasadista mo talaga kahit kelan!" medyo mataas ang boses kong sabi sa kanya kasi patungo na siya sa kabilang side ng kotse.




"Napakainipin mo talaga kahit kelan!" balik niya din sakin.




Napabuntong na lang ako ng aking hininga.




"Ayoko lang kasi malate sa birthday ni Rycel." Sabi ko ng makapasok na kami sa loob ng kotse. Kung natatandaan niyo, si Rycel ang anak ng bestie kong si Celestine na fiancée naman ni Ryanne. Papunta kami sa kanila ngayon. Birthday na kasi ng inaanak ko na yun at matagal ko din siyang di nakita kaya ayaw kong malate kasi gusto ko na siyang makita sila ng mga mommy niya.





"I know miloves kaya let's go na nga diba?" Tiningnan ko lang siya ng masama.




"Seatbelt please." Blanko kong paalala sa kanya.





"Yes, boss!" Napailing lang ako ng aking ulo. "May nakalimutan pala akong sabihin..."




I started the engine of my car "Ano yun?"




"Napakasungit mo din kahit kelan." Napatingin ako sa side niya. She just blow a kiss on me saka ako nginitian na nakakainis.




Hay! Kung dati nung aso't pusa pa lang kami malakas siyang mantrip sa akin, isipin mo na lang ang inis na dinadanas ko sa loob ng halos apat na taon sa babaeng yan ngayong jowa ko na siya. Mas lalo lang niya kasi nilakasan ang pantitrip sakin. Ewan ko ba sa babaeng to. Masyadong inabuso ang love ko para sa kanya. Alam niya kasi na di ko siya matiis kahit na inis na inis ako sa kanya kaya ganyan na lang siya kung asarin or inisin ako.






"Miloves..." tawag niya sa akin. Di ko nga pinansin. Bahala siya diyan inis ako sa kanya. Pinaghintay niya ako ng matagal. Lagi namang ganun eh.




Naramdaman ko naman ang palad niya sa hita ko "Annie, I'm driving."




"So? Parang hawak lang eh." Napatingin ako sa kanya. Nakapout siya ngayon ng lips niya.




"Stop it."



"What? I'm not doing anything." She's not doing anything eh kung makahimas siya sa hita ko.




"Pwede ba mamaya mo na ako tyansingin. Naiinis pa ako sayo eh." Marahan kong inalis ang kamay niya sakin.





"Sus! Kaya nga kita tinatyansingan kasi naiinis ka." I can see through my peripheral vision na nakatingin siya sakin. "You mad?"


"No."



"No ka diyan! I know you're mad. Kunwari ka pa."




"Eh bat parang ikaw pa ang galit diyan?" Tanong ko sa kanya.





"Eh kasi naman miloves eh. Sorry naaaa." Hindi ko siya pinansin. "Eto naman kasi parang ewan. Magfofour years na tayo di ka parin sanay sa kabagalan ko." Dedma ko lang siya "Miloves..." tawag niya sakin na parang nagmamakaawa. Bahagya niyang inilapit ang ulo niya sakin saka ako tiningnan habang nakatuon pa rin ang atensyon ko sa daan. "Oyy...ngingiti na yan. Ayan oh? May nakikita na akong ngipin. Ngingiti siya..." tukso niya. Ayokong ngumiti. Bahala siya diyan. "Ngiti na kasi. Masamang pinipigilan ang ngiti. Sige ka baka bigla kang mautot diyan."




Napakunot ako ng noo sa sinabi niya saka ibinaling ang paningin ko sa kanya "Mautot?"



"Oo. Mautot. Yun naman yun diba?"




Napa-tss ako sa kanya sabay ngiti. "Anong pinagsasabi mo?"





"Eh yun naman kasi sinasabi nila na kapag daw nagpigil ka ng ngiti mauutot ka." Natawa na ako ng tuluyan sa kanya. "O? What's funny?"



"Tawa kasi yun. Kapag nagpigil ka ng tawa mauutot ka." Napakamot siya sa gilid ng batok niya saka napatingin ulit sa'kin.




"Whatever. Atleast napangiti kita. Actually di lang kita napangiti kasi napatawa din kita." She raised her two brows twice while smiling na para bang proud na proud sa nagawa niya.



I just scoffed and slightly shake my head.



"Forgiven na ba ako?" Tanong niya sa malambing na tono.





"I'm still driving." Tanging sabi ko.





Bahagya naman siyang naguluhan "Anong connect nun sa tanong ko?"




"I don't know." Sagot ko sabay kibit ng aking balikat.




Napatingin siya sakin ng matagal kaya napatingin ako sa kanya saglit na may halong pagtataka "what?"




"Miloves ha? Ako naman yung pinagtitripan mo dito!"




"Bakit hindi pwede? Ikaw lang pwede mangtrip?"





"Oo ako lang."





"Edi wow!" sabi ko sa kanya sabay tanggap ko ng kurot mula sa kanya. "Aray! Ang sadista mo talaga!"





"Sayo lang!" Sabay irap niya ng kanyang mga mata.




"Ang sama mo talaga sakin no?"



"Anong masama? Ako? Eh ikaw na nga minamahal eh." Sabi niya.




"Nagrereklamo ka ba ngayon dahil minahal mo ko?"



"Hindi. Sinasabi ko lang po sayo na ako ang masama mong jowa na mahal na mahal ka." Hindi ko naman maiwasan na di kiligin. Pero siyempre ayokong ipahalata sa kanya na kinikilig ako kaya nagpipigil ako sa pagngiti.






Hayyy. Ewan. Hindi ko alam kung pano kami nagsimula ni Annie. Basta ang alam ko lang aso ako at siya ang pusa haha.











🖤





Urassaya Sperbund as Mindy

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now