Miloves

200 13 30
                                    


Napamulat ako ng aking mga mata. Nakaramdam ako ng hininga sa bandang noo ko. Napatingala ako sa taong yun. I don't know why pero bigla nalang ako napangiti nang makita ko yung mukha niya. I've decided to give her a peck on the side of her lips saka niyakap siya ng mahigpit habang natutulog.

I like it.
I like this.
I like waking up and the first thing I would see is her face. I like kissing her while she sounds asleep. I like how the way she breaths in and out the air on her nose. I like how her chest is rising up and down. I like how she hugs me. I feel comfort and safe. It feels like home. She feels home. She is home. My home. Dugdug.

Hindi ko na siya pinauwi kagabi. Dito ko na siya pinatulog. Nakainom siya and its not safe to drive especially that she's intoxicated by alcohol.

Ilang minuto pa ay biglang tumunog ang alarm ko. Omg! Kainis bakit nakalimutan ko 'tong patayin kanina tuloy nag-alarm. Agad ko itong inabot sa kanilang side ng bed saka ito pinatay. Nang mapatay ko ito ay napansin ko na nagising ko siya.

"Hi..." she said in a breathless voice.

"I'm sorry nagising kita." Agad kong hingi ng paumanhin.

"Nah, it's fine. Kanina pa ako gising actually nung hinalikan mo ako."

Omg! What? Hala. Nakakahiya.

"Seryoso?" She just hummed. Napatakip ako ng aking mukha gamit ang aking palad. Kainis naman.

"Hey, you okay?" Hindi ko siya sinagot kaya naman pinilit niya na alisin sa mukha ko yung kamay ko.

"No...nakakahiya." Sabi ko.

"Nakakahiya ang alin?"

"Kanina ka pa gising." Nadinig ko naman na natawa siya.

"Ano naman kung kanina pa ako gising?" Sinusubukan niya pa rin na tanggalin ang kamay ko na nasa aking mukha.

"I kissed you." I mumbled.

"What? C'mon tanggalin mo na yang kamay mo sa mukha mo." Utos niya.

"Ayoko."

"Why?" Hindi ako sumagot at napatili nalang ako nang bigla niya akong kilitiin sa tagiliran ko dahilan para maialis ko ang aking kamay sa aking mukha.

"Mindy, stop!" Suway ko habang natatawa. Pero patuloy lang siya sa pagkiliti sakin "Mindy. Waaa!" Pareho na kaming natawa "HAHAHAH hindi ako makahinga." Pagkasabi ko nun ay itinigil na niya ang pagkiliti sakin saka ako pinagmasdan.

"Ang cute mo talaga pag namumula."

Pagkasabi niya nun ay agad ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero tama lang na desisyon ang yakapin siya hehehe.

"I miss this." Dinig kong sabi niya. "I really miss you, Annie." Mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. I don't know why but this feels so good. Parang gusto ko nalang dito sa bed kasama at kayakap siya hehehe.

After ng halos isang oras na yakapan ay nagpasya na ako na paglutuan siya ng breakfast. Kusang nagluto ang kamay ko ng mga pagkain na di ko akalain eh paborito niya pala kagaya nalang ng hotdog tapos yung garlic rice. After niya kumain ay nagpresinta siya na maghugas ng napagkainan namin. Ayaw niya paawat eh kaya hinayaan ko nalang. Nag-ayos nalang ako ng sarili since may trabaho pa ako. Habang nag-aayos ay nahagip ng paningin ko ang isang ring box sa drawer ko. I wonder why I have this kind of ring eh ang mahal neto. Wala akong matandaan na bumili ako ng ganito kamamahaling singsing. I remember Christy mentioned it to me na ibibigay ko daw 'to kay Mindy sana sa anniversary namin. This is a promise ring daw. Hayyy. Tanungin ko nalang si Mindy next time. Wag na muna ngayon. Nung natapos na ako ay lumabas na ako ng aking kwarto at nakita ko naman siya na nakaupo sa sofa. Agad siyang napalingon sakin saka tumayo nung marinig niya ang pagbukas ng pintoan ng aking kwarto.

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now