Ulan

135 11 6
                                    



Annie's POV


Nasa daan pa rin kami naglalakad pauwi. Ay, correction...siya lang pala naglalakad kasi karga niya ako sa likod niya. She adjusted my weight. Nakakaramdam na siguro ng pagod to. Hindi naman masyadong kalayuan ang bahay namin sa park. Actually, isang liko nalang makakarating na kami ng bahay. Napatingin ako sa kanya mula sa likod. Ang haba pala ng pilikmata niya. Sa ilang taon naming magkakilala eh ngayon ko lang nanotice yun. Well, kung sabagay eh di naman kami magkasundo nito noon kahit din naman hanggang ngayon. Kaya nga andami 'kong tanong sa kanya. Katulad nalang na kung bakit siya ang kasama ko ngayon plus pa na karga niya ako sa likod niya. Our old selves would never do this kind of stuff back then. Busy kami sa pagbabangayan para gawin mga bagay na ito.





Tinap ko yung shoulder niya dahilan para lingonin niya ako ng bahagya. Napaatras naman ng konti yung ulo ko kasi ang lapit nun sa pisngi niya nung lumingon siya. Napalunok ako ng wala sa oras.




"Pwede mo na akong ibaba, malapit naman na ang bahay eh." Sabi ko sa kanya sa mahinang boses.



"Malapit na ang bahay niyo so bakit hindi nalang kita doon ibaba?" Sagot niya sa akin. Ugh! This is why di kami magkasundo. Lagi niyang kinokontra mga sinasabi ko. Iniisip ko lang naman siya hayss.



"Ibaba mo na nga kasi ako." Sabi ko pa "Kaya ko na talaga."


"Pwede ba, Annie...wag ka na mag-inarte diyan..." wait, ano daw?

"Ano sabi mo?"


"Ha? Bakit? Ano ba sabi ko?" Takang tanong niya.

"Ako nag-iinarte?" Aba wag lang talaga tumama ang dinig ko sa sinabi niya malilintikan 'to sakin.

"Excuse me? Wala akong sinabing ganun." Tanggi pa niya.


"Ibaba mo na ako." Naiinis kong utos sa kanya pero di niya ako sinunod "Sabing ibaba mo ako eh!"



"Aray ko naman Annie! Kung makasigaw ka naman akala mo nasa kabilang kanto ako! Ang lapit ng tenga ko sa bunganga mo ha!?" Reklamo niya. Finally lumabas na din ang totoong Mindy. I mean di ko naman sinasabi na plastik na Mindy yung kausap at kasama ko kanina. I'm just saying lang na yun yung totoong Mindy. Yung galit char haha. Hindi lang kasi ako sanay na hindi lang siya mabait kundi sweet at ang caring pa niya sakin like what happened to the old Mindy? Asan na yung lagi akong sinusungitan at tinatarayan? Again, I'm not complaining na ganito ang trato niya sa akin ngayon. Naninibago lang ako.



"Ibaba mo na kasi ako." Pagpupumilit ko pa rin sa kanya na ibaba ako and this time hindi na siya nagdalawang isip na ibaba ako.


Nang makababa ay agad niyang iniabot sa akin ang aking saklay. Napatingin pa ako sa kanya saglit saka kinuha ang saklay ko mula sa kanya.


Nauna na akong maglakad sa kanya. Nasa likod ko lang siya nakasunod. Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad at medyo malapit lapit na rin kami sa bahay ng biglang kumulob at walang pasabi na bumuhos ang malakas na ulan. Dali dali akong naglakad. Nabigla naman ako nang bigla niya akong binuhat, bridal style.




"Mindy, ano ba?!" Pasigaw kong sabi sa kanya. "Yung saklay ko!" Kasi naman nabitawan ko yun.



"Wag ka na magreklamo! Ang lakas ng ulan! Tsaka babalikan ko yang saklay mo!" Sabi niya habang buhat pa din ako.



Ilang segundo lang ay nasa bahay na kami. Agad niya akong ibinaba saka inalalayan akong umupo sa steps ng bahay at dali daling binalikan ang saklay ko na naiwan doon sa gilid ng kalsada. Nang makabalik siya ay basang basa na siya ng tubig ulan.



Napatingala naman ako sa kanya. Inilahad niya amg kamay niya para alalayan akong tumayo. Nang makatayo ay sinabihan niya ako na maglinis at magbihis agad nang sa ganun ay di ako magkasakit.



"Ikaw? Di ka magbibihis?" tanong ko sa kanya nung liningon ko siya na nakatayo lang sa labas ng pintoan.
Taas baba ko siyang tiningnan. "Maligo ka kaya nang sa ganun di ka rin magkasakit."



"Nah, I'm fine. Uuwi din naman ako eh. Pahiram nalang ng tuwalya kung pwede?" Tanong niya.



I gestured her na sundan ako "Follow me."



"Basa ako." Agad niyang sabi.


"So? Basa din naman ako. Halika na bago kapa lamigin diyan." Sabi ko sa kanya " Isara mo nalang-"



"Ahhh!!" Sigaw ni Mindy sabay takbo palapit sakin. Kumulob lang naman kasi ng napakalakas sabay kidlat.


Parang naistatwa naman ako sa pagyakap niya sa akin bigla. Ayan na naman ang abnormal kong puso kung makatibok eh. Ilang segundo din ang lumipas bago ko naisipan na ipat ang likod niya pero nung time na gagawin ko na sana yun ay bigla naman siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.



"I-I'm sorry lalo ka tuloy nabasa." Pagbibigay niya ng pasensya. She's avoiding my gaze.


"It's okay Mindy. Magbibihis din naman ako eh." Tinangoan lang niya ako. Ewan pero ang cute niya ngayon? Hay naku Annie. Ano ba naman yang pinagsasabi mo. "Tara?" Pag-aya ko sa kanya.




Napaangat siya ng tingin sakin "Saan?"



"Sa kwarto ko." Sabi ko sa kanya in a duh tone.


"A-ahmm...s-sa kwarto m-mo?" Dapat natatawa ako sa kanya kasi nauutal siya pero bakit ganun? Mas nakukyutan pa ako?



"Yes...." Sabay kibit ng aking balikat.



"A-ahmm..."


"Sumunod ka na lang." sabi ko nalang sa kanya saka ako nauna ng naglakad patungong kwarto ko.


Inalalayan pa niya ako paakyat ng hagdan. Ilang hakbang lang naman yun. Nang makarating ay agad ko siyang pinahiram ng bagong tuwalya.



"Sigurado ka ayaw mo maglinis? Or kahit magbihis ka nalang. May mga damit ako kasya naman mga yun sayo for sure." Pag-uudyok ko pa.


"Wag na. Uuwi din naman ako later eh." Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya magsalita ulit "Bababa na ako. Magluluto lang ako ng dinner mo."



"No need. Kaya ko na gawin yun. Kung ako sayo umuwi ka nalang." I don't know why pero parang nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin ko yun. Tss.



"Hindi. Kasama yun sa napag-usapan namin ng parents mo so ako magluluto. Paglulutuan kita bago ako umuwi." Wika niya.



Mindy...bakit ang bait mo? Hindi ko alam kung ano nakain mo at ganyan mo ako itrato. Alam ko weird pero parang nacurious ako sa sweet and carimg side mo.



"Sige. Aalis na ako nang makapagbihis kana." Sabi niya sabay talikod.




Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin most especially sa epal kong puso. Ang weird...









🖤






Sorry po kung ngayon lang ako nakapag-update ☺️Medyo busy lang lately. Try ko bumawi hehe. Anyways, sana nagustuhan niyo itong update po hehe.





God bless everyone 🖤

Suddenly, You're not InloveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ