Girl na friend

176 9 0
                                    



Di ko alam kung paano ako nagkagusto kay Mindy.



Inisip ko ang mga bagay na pwedeng dahilan kung bakit ko siya nagustuhan pero ni isa walang pumasok sa isip ko hahaha. Pambihira! Basta gusto ko na lang siya.




Buong college years na naging magkaklase kami wala kaming ginawa kundi tarayan, sungitan, awayin ang isa't isa. We always picked a fight on each other. Parang di nga kompleto yung araw ko pag di ko siya nagawang awayin or inisin.




Katulad ngayon, she looked annoyed by what I said earlier kay Bryan na girlfriend niya ako.




"Why did you say that?"



"Said what?"



"Na girlfriend mo ko!" Kasalukuyan kaming nasa loob ng bahay nila. Si Bryan? Ayun kasama ang mga patay. Dun siya.



"Girlfriend mo nga ako. Alam mo yun? Girl na friend. Girlfriend!" Paliwanag ko. I'm just making fun of her. Ang cute niya kasi haha. Napakunot naman siya ng kanyang noo. "Sus. Ikaw ha? Ibang girlfriend naman ata tinutukoy mo eh." tukso ko sa kanya.



"Ewan ko sayo!" Annoyed na sabi niya.




Natawa ako sa kanya "Ewan ko din sayo! Jowain kita diyan eh!"




"Edi jowain mo!" Sabat niya.



"Luh! Gusto mo yun? Gusto ko yun haha." Nakatingin lang siya sakin "Jowa na kita?" Pang-aasar ko sa kanya.



Napabuntong siya ng kanyang hininga "Ano nga ulit ginagawa mo dito?"




"To see you." Sabi ko sabay wink.




"Wag ka ngang ganyan. Di ako sanay."




"Pwes, from now on masanay ka na kasi di kita titigilan."




"Sigurado ka bang gusto mo ko?" Tanong niya.



I smiled at her "I've never been so sure about anything in my whole life, Melinda."




"Can you not call me Melinda?"



"Why not? Your mom calls you Melinda." I shrugged my shoulders. I don't know what's wrong on calling her by her name.



"Cause she's my mom and she gave me that name."



"Then what do you want me to call you? Baby?" Mapanukso akong nakangiti sa kanya.



Napailing lang siya ng kanyang ulo. Is that a no?




"Miloves?" Napatingin siya sakin saglit. Napangiti ako "Miloves..."




"Stop it, Annie." Hay naku, ang pabebe talaga.


Naghahanda siya ng meryenda dito sa kanilang kusina. Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya. Nang natapos siya sa paggawa ng meryenda namin ay sinamahan na niya akong umupo dito sa kitchen counter nila. Magkaharap kami ngayon habang kumakain.




"Miloves?" Tawag ko sa kanya. "Can I ask you something?"



"What is it?"



"Can you tell me the reason why you like me?" Napaangat siya ng tingin sakin. Gusto kong malaman kung ano ang mga yun.



"I'm the one who's supposed to ask you that question." Sabi niya.




Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now