I like her

92 6 5
                                    


Hay. Kapagod naman ang araw na ito. Andami ko ginawa sa trabaho ko. Natambak ako ng mga gawain since walang sumalo sa gawain ko dahil nabusy din ang karamihan. Narinig ko naman na tumunog ang aking tiyan. Napahawak ako dun. Sakto naman na nag-aya na si Christy na maglunch.

Malapit na kami sa cafeteria ng tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa ko and nang makita kung sino yung tumatawag ay automatikong napangiti ako sa di malaman na dahilan.

"Hey!"

"Hey."

"Hello."

Pinipigilan ko na wag ngumiti baka kasi kung ano isipin ng mga tao. Baka sabihin baliw ako.

"Hello, Mindy." bati ko sa kanya "Napatawag ka?"

"Uhm...kasi..." narinig ko siya na bumuntong hininga sa kabilang linya "andito ako sa labas ng building niyo."

Napatigil ako sa paglalakad na ikinataka naman ni Christy. I signalled her na mauna na sa cafeteria.

"Anong...ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya.

"I brought you something. A lunch."

"Di ka na dapat nag-abala. Just wait for me there. Bababa ako." Sabi ko sa kanya.

"No! Ako na aakyat diyan. Hintayin mo nalang ako."

Magpoprotesta pa sana ako sa kanya kaso binabaan na niya ako ng phone. I've decided na hintayin siya sa harap ng elevator.

Ilang minuto pa ay tumunog ang elevator senyales na may lalabas doon. Pagbukas ng elevator ay bigla nalang nagslowmo yung paligid. Lahat ng galaw ni Mindy ay naging slowmo. Automatikong paglabas niya ng elevator ay biglang bumagal ang ikot ng mundo ko.
Nahahawi ng hangin sa di ko malaman kung saan nanggagaling ang kanyang buhok. Ang ganda niya.

Nang makalapit na siya sakin ay agad siyang ngumiti. Pati mga ngiti niya ang ganda.

"Annie?" Napabalik naman ako sa katinuan ko nang marinig ko siya na tawagin ako sa pangalan ko. "Are you okay?" Tanong niya.

Para naman akong napipi. "Y-yyeah. I'm..I'm okay." Nauutal ko pang sabi sabay bigay sa kanya ng ngiti. Nakatingin lang siya na para bang naweweirduhan sa akin.

"Sigurado ka ba?" Napatango lang ako ng aking ulo habang hindi pa rin nawala sa mga labi ko ang ngiting nakapaskil doon. Saglit na nagsalubong ang mga kilay niya saka naalala yung dala niyang pagkain para sa akin. "Ay eto nga pala dala ko yung favorite mo."

Nalipat ang tingin ko sa dala dala niyang paper bag. Agad ko itong hinablot sa kamay niya sabay hawak sa isa niyang kamay at hinatak siya papasok ulit sa elevator.

Nang nasa elevator na kami ay hawak ko pa rin ang kamay niya. Tahimik lang kaming dalawa na nakatayo. Ramdam ko na napatingin sjya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. My eyes stares right through hers and that moment I want to do nothing but just kiss her. I slowly lean towards her and nung magkalapit na ang aming labi ay marahan ko siyang ginawaran ng isang makahulugang halik. Hinawakan ko siya sa mukha gamit ang aking palad. Our kiss lasted for a minute. We stopped kissing nung nagbukas na ang elevator at sa mismong harap namin ay may mga taong nag-aantay na makasakay. Awkward kaming napatingin sa kanila tapos napayuko ng ulo sabay tingin sa isa't isa. Yung mga tao naman na andun ay nakatingin lang sa amin na puno ng pagtataka. After ilang seconds ng awkwardness ay pumasok na yung mga tao sa loob ng elevator dahilan para mapaatras kami just to give them more space. Natatawa nalang kami ni Mindy sa likod habang hawak pa rin namin ang kamay ng isa't isa. Sana hindi nila kami nahuli na naghahalikan dito kanina sa loob ng elevator.

Payapa kami naglalakad patungong Cafeteria nang tawagin kami ni Christy. "Annie! Dito!" Kasama niya si Gelo sa table na yun. Nang makalapit kami ay agad naman kami tinukso ni Christy. "Ay ano 'yan?" Tanong niya na nakangiti habang nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Mindy.

Mindy was about to let go of my hand nang higpitan ko ang pagkakahawak ko dito. Wag niyang sasabihin sakin na ngayon niya gusto bumitaw sa kamay ko dahil andiyan si Gelo? Well, hindi ko hahayaan na mangyari yun. Me holding her hand means I'm claiming what's mine and yes, she is mine. Napatingin siya sakin at ganun din ako sa kanya. Bahagya ko siyang nginitian. Nagtungo na kami sa kabilang side ng table at naupo dun. Kaharap ko ngayon si Gelo. Proud akong napatingin sa kanya. Sana lang ay magets niya yung gusto kong iparating na akin si Mindy at hindi ko hahayaan na agawin niya sa akin ang taong nagiging importante na sa akin. Oo nagkakagusto na ata ako sa babaeng 'to. Hindi ko alam baka nga sobra pa sa gusto itong nararamdaman ko para sa kanya.

Inilapag ko na yung dinalang food ni Mindy para sa akin. "Wow. Sana all dinadalhan ng foods.." hirit ni Christy "tapos favorite pa. Oh my Lord! When?" Dagdag pa niya. Natawa nalang din ako sa kanya ganun din si Mindy. Narinig ko naman na nagsalita si Gelo.

"Mindy, hindi ka ba kakain?" Tanong niya kay Mindy.

Sasagot na sana si Mindy ng magsalita ako, "We can share." Napatingin ako kay Mindy "She can eat mine too. Right, milove?" Napaubo naman si Christy while Gelo clenched his jaw. Makikita mo rin sa mukha ni Mindy na parang nagulat. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ko or sa tawag ko sa kanya na Milove. Eh yun naman talaga tawag ko sa kanya hindi ba?

"M-milove?" Nauutal niyang tanong. Napangiti lang ako sa kanya.

"Let's eat." Pag-aaya ko.

"Oo tama kumain na kayo. Hindi yung kung ano-ano pinagsasabi niyo diyan." Christy said which makes me giggle. Napatingin sakin si Mindy sabay ngiti.

This girl right here...she doesn't have any idea what she is doing to me. Just her smiling at me like that makes me go crazy already pano pa kaya pag nainlove na ako ng tuluyan?

Who would have thought na yung kabangayan at kaaway ko lagi noon sa school ay magugustuhan ko? Well, gaya ng sabi nila lalo na 'tong si Christy ay girlfriend ko si Mindy. Wala ako maalala na araw or oras na kasama ko si Mindy. The last memory I had with her was way back when we were in our graduation in college pero kahit ganun pa man na wala na ako maalala na memory na kasama siya after that specific day, naniniwala ako na ang utak makakalimot pero hindi ang puso. Sabi kasi ng doctor before na meron akong selective amnesia kaya siguro hindi ko maalala si Mindy na naging girlfriend ko. That's awful but somehow it's kind of a good feeling kasi it goes to show lang na kahit anong mangyari, maybe even in another life pa ay siya pa rin ang pipiliin at hahanapin ng puso ko. I like this lady beside me. I want her in this lifetime or in another.

Habang busy ako kakasabi sa isipan ko na gusto ko si Mindy ay may biglang nag pop-up sa utak ko.

I like her so does this mean that I'm gay?  Wait, pano pag nalaman ng parents ko na may gusto ako at iyon ay si Mindy na isa ding babae? Matatanggap kaya nila ako? Kami?









🖤


Eto na po ang updateeee. Tenchu though sa pangungulit sa akin na mag-update na raw. I guess I needed that push kasi tignan mo nag-update ako lol. Honestly speaking, that pangungulit makes me feel pressured however, it somehow motivates myself to write an update. It's been ages na ata since yung last update ko sa story na 'to. I even unpublished it before because of the reason of not knowing how to continue the story anymore. Pero ever since nabasa ko ulit yung story na 'to andami na tumatakbo sa isip ko kung pano siya itutuloy at tatapusin. So, I do hope that I won't be tamad na haha.

I'll dedicate this chapter to those reader na nag-aabang pa rin sa story na 'to, specifically to that one reader. You know who you are. Enjoy reading! 🐳

P.s soweee in advance sa maling spelling, wrong grahams at kung ano-ano pa.

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now