Congratulations

161 8 0
                                    




"Congratulations, Graduates!!!"



Masayang bati ng aming Principal sa entablado.




Nagyakapan naman kami ni Celestine.



"Aaccckkk! Finally besh! Graduate na tayo." Tatalon-talon naming hiyaw na dalawa.




"Girl! Si baby! Hahaha" kasi buntis pa siya tapos kung makatalon eh hahaha.




Napalingon naman si Ce kay Ryanne. "Loooove!" They hugged each other tightly. "Congrats satin ni baby." Sabi niya kay Ryanne na ikinangiti naman ng isa. They gave each other a kiss. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanila. I'm so so happy for them.




Napatingin naman ako kay Annie na ngayon ay napatingin na rin sa akin. We were about to congratulate each other when someone called us at the same time.


"Annie!" "Minds!" Mga kaklase namin, kinongratulate kami.



Puro lang kami yakapan. May mga nag-iyakan pa nga kasi finally graduate na daw kami.




Nakalabas na kami ng auditorium. Kasama ko ngayon ang magjowa. They're planning to eat outside siyempre kasama family nila pareho and pati na rin ako and si mom.





Napagkasunduan na dun na lang magkikita kita sa restaurant na kakainan namin.




"Minds, ikaw saan ka sasabay?" Tanong ni Ryanne. She brought her car kasi and sabay sila ni Ce pupunta dun.



"I'll go with mom." Sabi ko na lang sa kanya.




"Okay, see you na lang sa resto." They bid their goodbye.



Nagpasya na akong pumunta sa parking ground ng school dahil nag-aantay na si mom dun.



I'm currently walking down the hallway nang makita ko kung paano hatakin ni Annie si Von sa collar ng damit niya at saka ito hinalikan.



May bigla naman na kung anong tumusok sa puso ko. Bat ganun? Ang sakit?




Napagpasiyahan kong lumapit sa kanila at ng makalapit na ay huminto ako mismo sa harapan nila. Agad naman silang kumalas sa halikan nila nang mapansin ang aking presensya. Sabay pa silang napatingin sakin. I gave them my sweetest smile. They both look flustered.




"Congratulations!" Masayang sabi ko kahit na di naman talaga ako nasisiyahan sa kung ano man yung nakita ko. "Wish you guys the best in life." Patango-tango ako ng aking ulo.




"Minds..." hahawakan sana ako ni Von sa braso ng bahagya akong umatras.



"I have to go. Lily is waiting for me." Sabi ko na lang at saka umalis na dun ng tuluyan.




Di ko siya binigyan kahit isang sulyap lang. Ayoko siyang tignan. Ayokong tignan si Annie.




Lily is my mom. Ganun lang talaga ako minsan sa kanya but I really love that woman. She's my hero and everything.



Narinig ko naman na may bumusina. Napatingala ako. My mom's waiting for me already kaya tumakbo na ako papalapit sa sasakyan namin.




Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay agad kong niyakap si mommy.



"Aww sweetie."



Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now