Delusional

53 6 1
                                    

C'mon Mindy! Wake up!" Dinig kong sigaw ni Celestine sakin. "How long will you be like that?!" Ilang months na akong ganito. Puro inom lang. Hindi ko inaasikaso ang sarili ko. Nagiging pabaya ako.

"Like what?"

"A delusional freak!" Napatingin ako sa direksyon ni Celestine saka ito tiningnan ng masama. How dare her to accuse me na I am a delusional?? "Pwede ba ayusin mo ang buhay mo! Stop dreaming and start living your life! Wala ka sa dreamland! Nasa real world ka! My gosh! Uso move on!"

"Palibhasa kasi hindi nangyari sayo ang nangyari sakin! Kaya kung makapagsalita ka parang madali lang ang lahat!"

"I'm not saying naman na madali ang lahat, Mindy! Ang akin lang ilang months mo nang pinapabayaan ang sarili mo! Kahit si tita hindi na rin alam ang gagawin sayo! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo!?"

I gritted my teeth out of annoyance. Nilapitan ako ni Ce saka hinawakan ang dalawa kong kamay. Napaangat ako ng tingin sa kanya at saktong pagtingin ko sa kanya ay tumulo ang luha ko. Pinunasan naman niya ito gamit ng hinlalaki niya. "Alam ko masakit. Pero whether you like or not Mindy you have to accept the fact na wala talaga siyang feelings sayo at minahal ka lang niya nang dahil sa singsing na 'yon. I'm sorry I know that truth hurts but I have to say it! Hindi pwedeng habang buhay kang ganyan. You must move on from her." Napaiyak na ako dahil sa mga sinabi sakin ni Ce. Niyakap naman niya ako ng mahigpit "I love you, Mindy. I want nothing but to see my bestfriend smile and be happy again. Please, bring her back to us."

Ilang months na ang nakalipas simula nung maaksidente si Annie, simula nung nawala ang singsing na dahilan kung bakit siya nagkaroon ng feelings sa akin. Lahat ng mga nangyari after nang aksidente niya, simula sa inalagaan ko siya hanggang sa may nangyari sa amin, lahat ng 'yon ay gawa lamang ng aking imahinasyon. Oo baliw na nga siguro ako. Just like what my bestfriend told me, I'm a delusional freak. Yes, delulu nga ako for imagining those things. Hindi ko alam pero labis ako nasaktan. Labis akong nasaktan nung narinig ko yung sinabi niya sa parents niya nung araw na nasa ospital siya na wala siyang matandaan kahit ako. Nasa pintoan lang ako ng room niya noon secretly listening to them. After I heard those words from her eh hindi na ako nagpakita sa kanya. Para saan pa kung wala na siyang matandaan about sa akin. Sa amin. Why did it happen that way? Bakit hindi nalang magkaroon ng feelings si Annie sakin kahit wala na yung singsing sa daliri niya kagaya sa kung ano nangyari kay Ryanne na andun pa rin ang pagmamahal niya sa bestfriend ko. Bakit hindi nalang totoo ang pagmamahal niya sa akin.

Kumalas na mula sa pagkakayakap sakin si Celestine. "I need you to take a shower kasi sasama ka sa akin." Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Ce, you know that I don't want to go out of the house. I don't even want to go out of my room." I whined.

"I know but pleaseee." She pleaded. "Just today." She looked at me with those puppy eyes. Pambihira kung di ko lang 'to bestfriend kanina ko pa 'to pinalayas sa kwarto ko eh. "C'mon allow me to take you out of this stinky room of yours."

Napaangat ako ng aking kilay. "Stinky ka diyan!" I throw her my pillow right on her face which made her laugh as I got up from bed.

"That's right! Maligo ka! Ang baho mo na rin kasi urgh! You disgust me!"

I rolled my eyes on her "I am only going to the shower just because I want to and not because I smell gross!"

"Whatever! Maligo ka na. I'll be downstairs!" Dinig ko pang sigaw niya as I close my bathroom door. "And please, wear semi-formal clothes." Pahabol niya. Semi-formal? Why though? Kahit naguguluhan ay sinunod ko nalang din ang sinabi ng bestfriend ko.

It's not my first time to go outside of our house simula nung nawala sakin si Annie. I went to different bar at nagpapakalasing. Naging pariwara ako. Hindi ako nakikipag-usap sa kahit kanino. Si mommy at Ce lang ang may tiyaga na kausapin ako.

After ko mag-ayos ay dinala na ako ni Ce sa hindi ko malaman na lugar.

"San mo ba ako dadalhin?" I asked.

"Have you forgotten about it already?" Napakunot ang noo ko sa kanya at napansin naman niya yung pagtataka ko "Today is our school class reunion." Grabe ang kabog ng dibdib ko nang marinig iyon.

"Are you out of your mind?!" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Alam niyang brokenhearted ako tapos dadalhin niya ako sa reunion ng school namin kung saan makikita ko si Annie? Okay lang ba siya? Kasi ako hindi! "Stop the car, Ce." Sabi ko sa kanya.

"No. Sasama ka sakin."

"You're aware naman diba na andun din siya? You know I'm still not okay but here you are!"

"Minds, gusto ko lang madistract ka. Besides, she's not gonna be there, okay?" She told me.

"What do you mean she's not gonna be there? How can you be so sure??"

"Chill. I'm sure kasi alam ko. Siya mismo nagsabi." Napatingin na ako sa kanya. Kinibitan lang niya ako ng balikat. Napabuntong nalang ako ng aking hininga.

Nang makarating kami sa venue ay medyo madami na rin ang tao. Anong oras palang naman at mamaya pa magsisimula yung event. Although labag sa kalooban ko ang pagpunta dito ay sinubukan ko nalang na makipag-usap sa iba namin na ka-batch. I don't wanna be rude with them.

While busy sila sa pakikipag-usap at busy din ako sa pananahimik habang tamang kinig lang sa pinag-uusapan nila ay bigla ako napatingin dun sa nagsalita ng banggitin niya ang name ni Annie.

"Si Annie o."

Napatingin ako sa direksyon kung saan sila nakatingin. And there she is... the woman that I love. Napatingin ako sa kasama niya. It's Gelo? Napakunot ang noo ko. Bakit magkasama sila?

Binati niya kami lahat saka napadpad ang paningin niya sa akin. "Hi, Mindy." Bati niya. Napatingin naman ang mga kaklase ko sa akin. They knew about our relationship. Updated sila siyempre and they even know din na wala na kami ni Annie. Napalunok ako ng aking laway saka napagpasiyahan na magpahangin muna.

"Excuse me. I have to go to the washroom." Naiwan si Annie dun na may pagtataka sa nangyari.

"What was that?" Tanong niya. "After so many years eh ganun pa rin siya sa akin." Napailing na natatawa na sabi ni Annie na ikinatawa din ng iba.

"Well, I guess there are things pa rin na hindi nagbabago." Someone from our class commented.

'Yon ang mga salitang narinig ko habang naglalakad ako palayo sa kanila papunta sa lugar kung saan makakahinga ako ng maluwag.












🖤

Hi.

So I just deleted the last chapter (accidentally, nadelete ko rin yung A/N) and replacing it with this one. Since nagbago na naman ang gagawin kong plot for this story kaya eto na naman si ako. I'm so sorry feeling ko medyo magulo na yung kwento 😭 But I hope nakakakeep up pa kayo. Kayo na bahala umintindi huhu. Here's the update po ✨

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now