Legal

170 8 7
                                    




Annie's POV


'Ano ba naman yan Annie hanggang ngayon tulog ka pa rin?!' Inis na sabi ng Miloves ko sa kabilang linya.



'Eto na nga gigising na..." medyo groggy kong response sa kanya sabay palit ng posisyon ko sa kama.




'Hay naku Annie. Tulog mantika ka talaga kahit kailan.'



"Miloves naman..." I whined "Ang aga-aga sinusungitan mo ko." Nakapikit pa rin ang mga matang sabi ko.





'Hindi kita sinusungitan." She clicked her tongue on the other line. "Bahala ka nga diyan sa buhay mo. Basta nagising na kita. O, siya. I have to go na." Paalam niya.



"Hmm..." I softly moaned "Love you."



'Bumangon kana. Love you too.' She ended the call na at ako naman inaantok pa rin. Ayoko pang bumangon pero I have work. Papagalitan ako ng miloves ko pag nalate ako. Sobra pa yun sa mama ko kung magalit sakin eh.




Speaking of mama, kanina pa niya ako ginigising actually. Ako lang tong ayaw pa bumangon.



Mindy is kind of my alarm clock in the morning ever since. She always calls me first thing in the morning to greet me and para gisingin na rin ako. Siya rin ang pampatulog ko sa gabi since nahihirapan akong matulog every night hehe.




After kong mag-ayos ng sarili ay dumiretso na agad ako ng kusina para kumain. Nagluto si mama ng breakfast namin sa bahay.




"Oh. Tamang tama. Halika na at kumain ka na dito." Sabi ni mama. Nandito na rin si papa tsaka yung bunsong kapatid ko na kumakain ng almusal.




Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap. Sakto lang ang estado ng buhay namin. Isang pulis ang papa ko samantalang guro naman ang mama ko. Senior high student naman ang kapatid ko na si Brent.




They know about my relationship with Mindy, of course. But sad to say, they are not a fan of us. Tutol sila sa pagmamahalan namin ni Mindy but Mindy fought for us. She fought for me so I did the same. Pinaglaban ko siya sa family ko. Nasampal pa nga ako noon ni mama nung inamin ko sa kanila na inlove ako at sa isang babae.




Mindy always try her best para kunin ang loob ng family ko lalo na ni mama at papa. Brent doesn't care anyway basta daw kung saan ako masaya eh dun din siya. Dapat lang talaga na kampihan niya ako kasi ate niya ako at pag di niya ako kinampihan edi wala siyang allowance from me. Magdudusa talaga siya haha.




Pumupunta din naman si Mindy dito sa bahay minsan para dalawin ang parents ko. Ilang years na siyang nanliligaw sa kanila at hanggang ngayon di pa rin nila ito tanggap. But I know her. Hindi basta basta sumusuko yun.




Sana lang talaga ay dumating ang araw na matanggap rin nila kami.




Sabay-sabay na kaming umalis ng bahay. Hinahatid kami ni papa tuwing umaga. Si mama at Ben sa school tapos ako naman sa work ko.



Nang makarating sa pinagtatrabahuan ko ay agad din akong nagpaalam kay papa pero bago pa man ako makalabas ng kotse niya ay nagsalita siya.



Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now