Deja vu

93 10 12
                                    


"I like Mindy."

I'm patiently waiting for my parents reaction. Nagpasya na kasi ako na sabihin sa kanila na nagugustuhan ko na si Mindy and I think she'my girlfriend now.

Napansin ko na nagkatinginan sina mama at papa. "Ma, Pa!" Tawag ko sa kanila "Narinig niyo ba ako? Sabi ko nagugustuhan ko na si Mindy. And I think kami na." Bahagya akong yumuko. Nagbabaka-sakali na sana tanggapin kami ng parents ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko if ever na tutol ang parents ko sa aming dalawa ni Mindy. Napatingin ulit ako sa kanila na para bang walang narinig sa mga sinabi ko. "Okay, I get it. Hindi niyo kami tanggap." Sabi ko na nakakaramdam na ng lungkot. Ang sad naman kapag ganito. Yung ayaw ng mga magulang mo sa taong gusto or mahal mo.

"Ano pinagsasabi mong hindi tanggap?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni papa. Itinuloy na niya ang sasabihin niya ng mapansin na hindi ako makasalita. "Tanggap ka namin anak. Kahit noon pa man, tanggap kita lalo na ang mama mo." Napatingin naman si Papa sa gawi ni Mama. "Hindi ba ma?" Dagdag pa nitong sabi.

Napatingin ako kay mama nang magsalita siya. "Well, nung una hindi ko talaga tanggap yung relasyon niyo pero habang tumatagal ay nakikita ko kung ano at sino si Mindy sa buhay mo." Kwento ni mama "Mabait at mabuting tao si Mindy. Naramdaman ko kung gaano ka kamahal ng batang 'yan. Kahit kelan hindi siya sumuko, hindi ka niya sinuko lalo na nung araw na naaksidente ka at nawalang ng alaala." Hinayaan ko lang siya magkwento. "Hindi rin naman ako bulag o manhid para hindi makita kung gaano ka niya napapasaya."

Healthy relationship. Base sa mga nakukwento at nasasabi nila about sa relasyon ko kay Mindy ay wala akong ibang maisip na maidedescribe sa kung ano meron kami dati kundi masaya at malusog na relasyon.

"So, alam niyo na kami dati pa?" Naguguluhan kasi ako. So tanggap nga talaga nila kami.

"Girlfriend mo si Mindy. Nakakatuwa lang na kahit nakalimutan mo siya sa isipan mo, pinili pa rin siya ng puso mo." Sabi pa ni mama. Napangiti ako sa kanya sabay takbo at yakap dito. Medyo nagulat naman siya pero niyakap din naman niya ako after ng ilang segundo.

"Salamat, Ma." Pasasalamat ko.

"Salamat saan?" Nakayakap pa rin kami sa isa't isa.

"Sa pagtanggap niyo sa akin. Sa amin ni Mindy." Kumalas sa pagkakayakap si mama saka hinawi ang buhok ko at hinawakan ako sa pisngi.

" Whatever makes you happy, anak."

Napangiti ako sabay yakap ulit kay mama.

"Aba'y sali naman ako diyan." Dinig ko na sabi ni papa sabay yakap sa amin ni mama.

Mindy's POV

Kasalukuyan akong nagmemake up ng patay dito sa funeral shop namin. Kasalukuyan akong nakikinig ng kanta gamit ang earphones ko. Kasama ko ngayon si Bryan na inaasikaso din ang isa pang bangkay. Si mommy kasi nasa bahay may mga inaasikaso din. Andami na rin talaga namamatay ngayon. Sunod-sunod yung mga bangkay na dinadala dito sa shop namin.

Sinasabayan ko ang kanta na natugtog. Nung una pa-hum lang hanggang sa kinakanta ko na talaga yung song. Habang busy ako ay di ko naman namalayan na pumasok pala si Annie sa funeral shop namin. Nagulat ako nang may yumakap mula sa likod ko.

She removed the earphones on my ear saka ako binigyan ng halik sa pisngi. Medyo nagulat naman ako sa ginawa niya. Napansin niya siguro ang pagkagulat ko kaya nagsalita siya habang yakap pa rin ako mula sa likod.

"What? Am I not allowed to kiss my girlfriend?" Mapanuksong tanong niya sa akin.

"G-girlfriend?"

"Alam ko hindi ka nanligaw pero sinasagot na po kita." Sabi niya na nakangiti pa. Wow kapal naman nitong babaeng 'to. Mabuti nalang mahal ko siya. "So..." ipinatong niya yung baba niya sa shoulder ko. "ibig sabihin tayo na."

"Iba ka talaga."

She scoffed. "Aba! Sinabi mo pa." Natawa ako sa kanya. Natawa na din siya. Hinarap ko siya sabay tanggal ng isa pang earphone sa tenga ko. She was about to kiss me nang magsalita siya. "Bryan? Can I take my girlfriend out of here?" Napatingin ako kay Bryan na ngayon ay nakatingin na din sa direksyon namin. Muntik ko na makalimutan na andito pala si Bryan. "I mean you're okay working here alone, right?"

"Oo naman po. No problem."

"Good." Napatingin ako kay Annie. "Now, you're mine." Sabi pa niya sabay hila sa akin.

"Pero hindi pa ako tapos dito." Tukoy ko sa bangkay na minemake-upan ko kanina. Tiningnan lang niya ako sa aking mga mata na para bang sinasabi niya na hindi ko magugustuhan ang mangyayari sakin once na tumutol ako. Hay naku naman kasi. Ang maldita talaga ng babaeng 'to. "Sabi ko nga po kaya na ni Bryan 'to." Sabi ko nalang sa kanya. Nakangiti na siya ngayon. Hinila na niya ako papunta sa taas ng bahay namin. Sinabihan ko naman si Bryan na pag may problema or ano eh tawagin lang niya ako. Kaso 'tong mahal ko na epal ay sinabihan si Bryan na wag gagawin 'yon. Wag niya raw kaming istorbohin.

Nakaakyat na kami sa bahay namin at ngayon ay andito na kami sa kwarto ko. Nang maisara na niya yung pintoan ay saka niya ako tiningnan ng maloko. Marahan sjyang lumapit sakin saka ako hinila papalapit sa kanya gamit ang laylayan ng damit ko.

"Girlfriend?" Tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya.

"I want you to be my girlfriend, Melinda. Can I be yours?"

Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako or ano pero this feels like deja vu.

"Please say yes." Dagdag pa niya.

"Sigurado ka ba sa gusto mo?"

"Siguradong sigurado. "

I gave her a kiss. The one that's deep, sincere and full of longing. I've been longing for her since forever. I love her.

Dinala ko siya sa kama ko saka siya inihiga. I placed myself on top of her. Pinagmasdan ko ang mukha niya. She puts her hand on my cheek. Nakatingin lang din siya sa akin.

"Mindy?" Tawag niya sa akin.

"Hmm?"

"I think my heart have finally learn how to fall in love with you...again."













🖤

A corny update mga bebeloves. Sana nagustohan niyo lalo na ikaw. Medyo tenchu sa pangungulit na mag-update ako. 😊

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now