Not her happiness

274 12 0
                                    



Annie's POV



"Annie!" Nagulat naman ako nang tawagin ako ni Von. "Okay ka lang? Kanina ka pa diyan tulala." Natatawa niyang sabi.




"Yeah. Okay lang ako." Kasalukuyan kaming nakaupo sa maliit na bleachers na nasa covered court. Tanaw ko mula sa inuupuan ko si Mindy at Miss Tori na nag-uusap.



"Sa tingin mo? Effective kaya yung operation natin na pagselosin si Mindy?" Tanong ni Von na di ko naman masyadong narinig kaya naman siniko niya ako sa braso.



Agad akong napatingin sa kanya "May sinasabi ka?"




"Ang sama mo makatingin sa dalawa ah hahaha"



"Anong masama? Ganito lang talaga ako tumingin tsaka alam mo naman na enemy ko yang si Mindy." Sabi ko sa kanya.



"Enemy nga ba? Eh hindi naman talaga kayo magkaaway eh. Sadyang gusto niyo lang talaga awayin yung isa't isa." Oo nga eh. Naguguluhan nga din ako kung bakit kami laging nagbabangayan. Honestly speaking di ko naman talaga siya hate. Ewan ko lang sa kanya kung hate niya ako. Baka nga siguro gusto ko lang talaga siya awayin. Wala eh. Trip ko siyang pagtripan eh. "So, sa tingin mo effective yung pagiging close natin? Sa tingin mo ba nagseselos na siya?"





"Von? Sigurado ka ba talaga na may gusto sayo si Mindy? Eh di ba nga lesbian siya?"




"Sigurado ako Annie. Simula nung pumayag siya sa akin na maging date niya sa prom eh dun ako nagkaroon ng panibagong pag-asa." Yeah. I remember that. Date niya si Von dati sa prom pero ako naman yung nakasama ni Mindy nung gabing yun kasama ang iba naming kaklase. Yun din ang gabi kung saan nalaman ko na crush niya ako. Salamat kay Ricardo.





I secretly smile.



Siguro nga ang lakas kong awayin at sungitan siya kasi alam ko na may crush siya sa akin. Nabaling ang paningin ko sa kanila ni Mindy at Miss Tori. Langyang babaeng yan. Andami naman niyang crush. Pero bakit ganun? Bakit di siya sweet at mabait sakin gayung crush niya naman ako. Crush niya din si Miss Tori so bakit di niya inaaway o sinusungitan si Miss Tori gaya ng pagsusungit at pag-aaway niya sakin. I mean look at her! Hindi niya ako tinatrato ng ganyan. Ngingitian lang ako nun pag tapos na siya sa pang-aasar sakin.




"I don't think she likes you, Von." Sabi ko kay Von habang nakatingin pa rin sa kanila ni Mindy.




"How can you say that? Anong basehan mo? Kasi kung pagiging lesbian niya ang dahilan marami akong kilala na nagbago dahil sa isang lalaki."





"But not all, Von." This time napatingin na ako sa kanya "Yes nagbago nga yung mga babaeng yun but that doesn't mean it'll work with others."




"Bakit feeling ko ayaw mo akong maging masaya?"



"Di naman sa ganun. Of course I want you to be happy."




"I want you to be happy too." Sabi ni Von.




"Thank you. But Von, your happiness is not Mindy and I'm sure you're not her happiness too."




"Aray. Ang sakit mo naman magsalita." Napahawak sa puso niya si Von.



"I'm just saying tsaka..." napatingin ulit ako sa kinaroroonan ng dalawa "look at her! Hindi mo ba nakikita yung mga mata niya?" Naiinis kong tanong kay Von. Crush ko si Von pero di naman ganito ang nafefeel ko pag may mga babaeng umaaligid sa kanya pero pagdating kay Mindy...ewan ko ba.




"Ang layo nila para makita ko ng mabuti yung mata niya."




"Mula dito nakikita ko kung pano magheart yung mata niya habang kausap yang si Miss Tori." Tiningnan ako ni Von in a weird facial expression.



"Eh? Wee? Di nga?"




Sinamaan ko ng tingin si Von "Tignan mo kasi ng maigi!"




"Sabi ko nga titignan ng maigi."




"Hindi ka naman niya tinitignan ng ganyan kahit nga din ako eh di niya tinitignan ng ganyan." Mabilis pa sa alas kwatro akong tiningnan ni Von.




"What do you mean kahit ikaw di ka tinitignan ng ganyan ni Mindy?" Nagtatakang tanong ni Von.




Oh shoot. "I mean, for example lang kasi. Iba siya kung tumingin sa atin sa kung paano niya tignan si Miss Tori." Woo! Buti na lang magaling akong magpalusot.




"Paano ba niya tignan si Miss Tori?" Curious na tanong ni Von.




"Just...look at her."



I really mean it kanina nung sinabi ko sa kanya na bagay sa kanya ang dress niya. She should really wear a dress very often kasi bagay talaga sa kanya. I mean kahit ano naman isuot niya bagay sa kanya. May tama naman siya dun sa sinabi niya kanina pero iba lang kasi ang dating niya sa akin pag nakadress siya.





"I don't understand."



Napatingin ako sa side ni Von "What?"



"May gusto ba siya kay Miss Tori?"




"Wala." Tanging sagot ko sa kanya. Ayokong sabihin sa kanya na may crush si Mindy kay Miss Tori. Ayoko naman na ipagkalat yun. Of course, her secret is safe with me. I want her to know na kahit hindi kami magkasundo eh she can trust me. Mas mabuti pa nga na ipagkalat sa buong school na crush niya ko eh hahaha. Wala lang. Gusto ko lang malaman ng lahat na crush lang naman ako ng kaaway ko hahaha.




"Eh bakit ganyan siya makatingin?"




"Exactly, right? Bakit ganyan siya makatingin? That's why my friend sinasabi ko na walang gusto si Mindy sayo kasi base palang sa kung paano ka niya tignan..." iniling ko ang aking ulo "You're just a friend to her."




Napabuntong siya ng hininga "Pero pwede bang ituloy natin ang pagseselos sa kanya? Last na lang talaga."




"Okay fine!" Sumang-ayon na lang ako sa kanya. Actually di ko alam kung paano ako napapayag ng lalaking to na pagselosin si Mindy nung una knowing the fact na aso't pusa kami nun. Ako pa talaga ang hiningan niya ng tulong. At first siyempre nagdalawang isip ako kasi pano nga kung may gusto si Mindy kay Von tapos pinagseselos siya namin. O edi mas lalo lang siya maiinis at susungit sakin, diba? Worst baka magalit siya sakin. But I know to myself na di naman mangyayari yun kasi nga may crush siya sa akin. At alam ko na pag may crush ka sa isang tao di mo matitiis ang taong yun.




Pero sana lang talaga crush niya pa din ako hanggang ngayon.




Ano ba naman to? Bakit ako umaasa na sana hanggang ngayon crush niya pa din ako? Like duh? Wala akong pakialam kung may ibang crush na siya. Bahala siya magkacrush sa kung sino man wala akong pakialam.






🖤



Kimberley Woltemas as Annie

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now