Why?

207 20 6
                                    




Kasalukuyan akong nakahiga sa couch habang nanonood ng isang palabas nang biglang may nagdoorbell sa labas ng bahay. Napabalikwas ako ng bangon. For sure si Mindy na yun. Agad akong nagtungo sa main door para pagbuksan siya.

Isang magandang diwata na nakangiti ang bumungad sakin. Di ko naman maikakaila na maganda naman talaga si Mindy. Siyempre maganda din ako pero si Mindy na to guys. Kahit noong nag-aaral pa lang kami nagagandahan na ako dito pero dahil nga sa hindi naman kami magkasundo eh nagiging kairita lang ang mukha niya sa paningin ko haha.




"Hi, Annie..." bati niya na nakangiti pa rin.


Medyo namumula yung pisngi niya siguro dahil sa nakainom nga siya. "Mabuti naman at nakarating ka pa ng buhay dito." Bungad ko naman sa kanya.



"Wala man lang bang hi back? Grabe ka talaga kahit kelan." Napairap ako ng bahagya.



"Hi." Sabi ko nalang baka umiyak eh haha.


Napangiti siya lalo "So, yun. I came over here just to say Hi...." Nakatingin lang ako sa kanya "and also para makita ka." Nahihiya niyang sabi. Nanatili lang ang mga paningin ko sa mga mapungay niyang mata. "Can you please say something?" Nalipat ang paningin ko sa mapula niyang labi. I gulped as soon as my eyes landed on her lips. I don't know why I have this feeling like I miss her so much. Parang ang tagal niyang nawala even though it's been only 2 days. "Okay, uhm...I have to go. Good night, Annie."



Akmang paalis na sana siya nang hawakan ko siya sa kamay niya. Agad siyang napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya at nalipat ang paningin niya sa akin na nagtatanong gamit ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya. Ewan feeling ko kasi kailangan kong gawin to since eto naman talaga gusto kong gawin ever since I opened the door and saw her looking like that kanina. Kung totoo man na may relasyon kami ni Mindy then I have every right to do this, right?


I'm cupping both of her cheeks. Stiff pa siya nung una. Siguro prinoprocess pa lang niya yung nangyayari pero di kinalaonan eh tinugunan din niya ang mga halik ko...



I savoured every kisses we make. She taste like a liquor which makes me a little bit drunk of her. I don't like the taste of it but when it comes to her, I won't mind. I'm already addicted. I want more. I want more than this. Is it too much to ask if I demand for something that is more than just a kiss?



Ipinulupot niya ang kanyang mga bisig sa aking beywang dahilan para magdikit ang aming mga katawan. Mas lalo pa naming idiniin ang sarili sa isa't isa. Inalalayan niya ako papasok ng aking apartment sabay sara ng pintoan habang patuloy pa rin kami sa paghahalikan. Agad ko siyang itinulak sa pintoan na di pa rin naghihiwalay ang aming mga labi.


Hinablot ko ang laylayan ng kanyang damit saka ito itinangkang hubarin nang pigilan niya ako gamit ng kanyang mga kamay. We broke the kiss. We're both panting. Kasalukuyang nakadikit ang noo ko sa noo niya. Napatingin ako sa mga mata niya na ngayon ay nakapikit. Marahan kong inilayo ang sarili ko sa kanya sabay sabi ng "Sorry...sorry..." paatras na sana ako ng iangat niya ang tingin sakin saka ako niyakap ng mahigpit. Di ko talaga maintindihan ang sarili ko at kung bakit ganito ang pagkamiss ko sa babaeng to. Niyakap ko siya pabalik.



"This is not a dream. This is real right?" I'm not sure if umiiyak siya but I can hear those cracks in her voice. "Please, tell me I'm not that too drunk to dream about this..." Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya. "Am I really kissing you?" Ewan ko bakit ako napangiti sa tanong niya na yun.



Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Umiiyak nga siya. Pinunasan ko naman ang mga luha niya gamit ang hinlalaki ko "You're not dreaming. This is really happening. I am real." Sabi ko sa kanya na nakatitig sa kanyang mga mata "and you're not that drunk, Mindy. I know you're not." Naiiyak na naman siya "Hey, can you please stop crying? Bakit ka ba kasi umiiyak? Is that because I kissed you?" Agad naman siyang nailing ng kanyang ulo "I just want you to know na I'm not taking advantage of you."




"I know." Sabi niya sa mahinang boses.



"I'm sorry if I kissed you..." napatingin siya sakin "if yun ang iniiyak mo, di na mauulit." Kaya minsan hate ko talaga ang sarili ko eh.



"What if I want it to happen again?" Magkatitigan lang kami ng mga oras na yun. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Will you kiss me too?"


Napatingin ulit ako sa labi niya. It's so tempting. Parang iniimbita ako.

"I...I miss you." Wala sa sarili na sinabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi sa kanya. Ang alam ko lang ay miss na miss ko siya.

"You miss me?" tinangoan ko siya ng ulo "But why?" Nagtatakang tanong niya sakin.

"Hindi ko alam, Mindy." Ako man ay di alam kung ano nangyayari sakin lately. "Hindi ko na alam kung ano 'tong nararamdaman ko sayo."

"What do you mean?" Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Napapaso ako kaya naman iniwas ko na ang tingin ko sa kanya.


"Hindi ko alam kung bakit pero nagseselos ako..." ugh!

"Nagseselos? Saan? Bakit ka naman nagseselos?" Sunod sunod niyanng tanong.


"Hindi ko nga alam kung bakit basta nagseselos ako. Nagseselos ako kay Gelo!" Napansin ko na tahimik siya kaya napatingin ako sa kanya. Unti-unti ko naman nasilayan ang mga ngiti sa kanyang labi. "Why are you smiling?"


Iniling niya ang kanyang ulo "Wala naman. Wala ka naman dapat pagselosan dun eh. He's just a friend, okay?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Wala ka mang naaalala sa ngayon pero gusto ko lang sabihin na...wala akong ibang gusto ko din ikaw lang." She gave me her beautiful smile.

And for the second time around ay hinalikan ko siya. I savor every kisses she gives me. Habang pinagsasaluhan namin yung mumunting halik na tinutugon namin sa isa't isa ay siya namang kumuwala ang mga paru-paro sa aking tiyan.

What is this I'm feeling? Butterflies in my stomach? Hindi kaya kinakabag lang ako? Anong nangyayari sakin? Bakit ako nakakadama nang ganito?

Just why?

Suddenly, You're not InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon