Mahal

178 17 6
                                    



"Annie..."


Dinig kong tawag niya sa pangalan ko habang nakapikit ang kanyang mga mata. Sinubukan ko siyang buhatin kanina nung natumba siya. Grabe ang bigat niya sobra. Dito ko na siya sa couch ipinwesto since di ko na siya kayang dalhin pa dun sa kwarto ko. Alam niyo naman nakasaklay ako.


Dinalhan ko siya ng unan tsaka kumot. Nanginginig nga siya eh. Chineck ko yung temperature niya and yes may lagnat nga siya. Inuubo din siya. Kasalukuyan ko siyang pinupunasan ng bimpo sa kanyang mukha at mga braso. Nagluto na din ako ng egg soup para naman mainitan yung tiyan niya mamaya pag nahimasmasan na siya sa lagnat niya.



Inadjust ko yung kumot niya since dumadaosdos ito ng bahagya.


"Annie..." tawag niya ulit sa pangalan ko.



"Mindy?" Tawag ko din sa kanya sa mahinang boses "I'm here. May kailangan ka ba?" Hindi niya ako sinagot. Patuloy lang ang kanyang panginginig. "Giniginaw ka pa rin ba?" Napansin ko naman na yinakap niya ang sarili niya. Grabe comforter na nga tong ipinangkumot ko sa kanya giniginaw pa din siya. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Should I hug her? No. No. Bakit ko gagawin yun like duh?



Napabuntong ako ng aking hininga. Wala naman mawawala kung ihuhug ko siya. Isa pa giniginaw siya eh. Hindi sapat ang comforter sa kanya.


Sakto lang naman ang lapad ng couch namin para sa aming dalawa. Ipinwesto ko ang aking sarili sa tabi niya. Nakatihaya siya samantalang nakatagilid naman ako na nakaharap sa kanya. Parang nag-alinlangan pa ako nung una na yumakap sa kanya pero di nagtagal ay niyakap ko din naman siya.


Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba. Yung feeling na parang komportable ako sa pagyakap ko sa kanya. Parang familiar sa akin yung ganitong init. Yung feeling na parang matagal ko na itong ginagawa?



Bakit ganito nalang kung tumibok ang puso ko? Anong nangyayari sakin?



Napatingin ako sa side profile niya. Kahit saang anggulo di mo talaga maitatanggi na maganda si Mindy. Kinompliment ko na siya dati pero once lang yun di na naulit kasi sino ba naman siya para icompliment ko. Di biro lang haha. Pero aaminin ko, palagi ko siyang kinocompliment noon nung nag-aaral pa lang kami siyempre sa sarili ko lang yun di ko na sinasabi sa kanya. Baka lumaki lang ulo eh haha.



Wala sa sarili akong ngumiti at niyakap siya ng mahigpit sabay pikit pa ng aking mata. Ewan ko ba parang bigla nalang akong sumuko sa kanya. Corny, I know pero iba kasi talaga nafefeel ko kay Mindy simula palang nung una ko siyang nakita nun sa ospital.



"I miss you..." she mumbled. Napadilat ako ng aking mata saka napatingin sa kanya. Eyes closed. Medyo naless na din ang panginginig ng katawan niya. Sino naman kaya ang namimiss niya? "Annie..." nakatingin pa rin ako sa kanya. Waiting for her to say more "I'm sorry. Come back to me, please. I love you." Yun yung mga sinabi niya nung mga oras na yun.



Bakit niya sinabi yung mga sinabi niya? Ako ba yung namimiss niya? Bakit naman niya ako namimiss? Bakit siya nagsosorry? Come back to her? Anong nangyayari? I love you? Why would she even said that?




Napansin ko naman na may tumulong luha sa gilid ng kanyang mata. "I'm sorry..." sabi niya ulit.



Hindi ko alam kung ano ang ikinahihingi niya ng sorry sa akin. Ano ba ang nagawa niya? Bakit wala naman akong maalala?



Andami kong tanong sa sarili ko. Hindi ko rin alam kung ano pumasok sa isip ko at hinalikan ko ang gilid ng mata niya kung saan dinaanan ng luha saka ko siya niyakap ulit.



Suddenly, You're not InloveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant