Ikaw

202 15 0
                                    



MINDY's POV


Ilang weeks na din ang nakakalipas simula nung huli naming bangayan ni Annie.


Iniiwasan ko siya, sila to be exact ni Von. Kasi naman nakakasakit sila sa mata. Sobrang close na nila like what? How did that happen? Di ba nila alam na may halos mamatay na dito sa selos. Oo inaamin ko na na nagseselos ako. Nagseselos ako kay Von. Kasi naman eh. Yung time sana na kami ni Annie ang nagbabangayan wala na kasi lahat ng atensyon ni Annie nasa kanya na. Kaya ko nasabi na ilang weeks na ang nakakalipas nung huling bangayan namin kasi andiyan na si Von na laging inaagaw ang atensyon niya sa akin. Miss ko na nga siyang awayin eh.



Minsan nagpapapansin na lang ako pero wala epal lang talaga si Von para sumingit lagi.





Alam niyo naman siguro na hindi lang yun ang rason kung bakit ako nagseselos kay Von. Gusto kong awayin at sungitan palagi si Annie pero ewan ko ba sa sarili ko mas gusto ko siyang mahalin ayieee. Kaso straight naman yang babaeng yan eh. So malabo magkagusto sakin yan lalo na't palagi ko siyang inaaway. Isa pa mahirap mainlove sa straight.





"Villarama!" Napalingon ako dun sa tumawag sa akin. Akala ko si Annie na Villarama daw eh. Yun pala si Miss Tori.



"Miss Tori! Bakit po?" Tanong ko sa kanya.




"May pasok ka pa ba? Pwede bang humingi ng favor?"



"Yes Miss! Ano po yun?"



"Pakitulungan naman akong dalhin sa field yung mga equipments para sa P.E class ko." Sabi niya.



"Sure, miss! No problem."



"Nasa storage room sila." Sinundan ko si Miss Tori dun sa storage room at tinulungan na nga siyang dalhin ang mga soccerballs sa field ng school namin.




Nang makarating sa field ay agad ko yun inilapag sa damuhan.



Sakto namang napadpad ang paningin ko kay Annie na kakatayo lang mula sa pagkakaupo sa damuhan.



Magkaiba kasi kami ng class kaya di ko na siya nakikita sa room namin. Magkaklase pa rin kami ni Celestine while Ryanne? Sila yung magkaklase ni Annie ngayong semester.




"Minds!" Dinig kong tawag sakin ni Celestine. Malaki na din ang tiyan niya. 2 months na lang mangaganak na siya at ilang weeks na lang din gagraduate na kami.




"Ce! Anong ginagawa mo dito? Magjojoin ka rin sa P.E class nila?"



Natawa naman siya sa tanong ko "Sira! Alam mo naman na magkaklase tayo tsaka buntis ako."




"Eh ano ba kasi ginagawa mo dito medyo mainit ngayon. Teka asan nga pala si Ryanne? Diba P.E class nila ngayon?" Worried talaga ako dito sa bestfriend ko mabuti na lang andiyan palagi si Ryanne para tulungan siya.





"Wala pa naman daw si Miss Tori kaya ayun may binili lang sa canteen nagugutom daw siya eh."



"Aba! First time ata na di ikaw ang rason kung bakit nasa canteen si Ryanne ah hahaha"


Natawa na din siya sa sinabi ko. "Siyempre nagpadala din ako sa kanya ng foods no? Ano siya lang kakain? Kami ni baby hindi?" Sabi ko nga haha.



"Villarama, thanks for your help!" Pagpapasalamat ni Miss Tori.




"No worries Miss." nginitian niya lang ako. Pumunta na siya sa gilid ng field para kunin ang isang board. Kung di ako nagkakamali attendance nila yun.


Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now