Mix emotions

208 23 9
                                    


Mindy's POV


Pinaghanda niya ako ng isang french toast with bacon and egg na may kasama din na egg drop soup at isang tasa ng kape.


"Thank you. Hindi ka na dapat nag-abala." Sabi ko sa kanya.


"Nah. Isipin mo nalang pasasalamat ko yan sa pag-bantay sa akin habang wala sila mama at papa at pag-alalay sa akin sa park every afternoon." Sagot niya. "Yung soup nga pala kagabi pa yan. Pinagluto kita niyan kasi grabe ang lagnat mo." Dagdag pa niya.



Nandito pa rin ako sa couch nila. Dito na ako kumain since ayaw naman niya na umalis ako dito.



"Masarap?" Tanong niya sa akin.



Napatingin naman ako sa gawi niya. Nginuya ko muna ng mabuti yung kinakain kong french toast before ako sumagot sa kanya sabay thumbs up.




Bigla nalang na tumahimik ang paligid. Marahan akong napatingin sa kanya and she's looking at me already kaya napaiwas agad ako ng tingin. Sinubukan kong tingnan siya ulit and nakatingin pa rin siya.



"What? I-is there something on my face?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.


"Ang ganda mo pala pag bagong gising..." sabi niya na ikinatulala ko. Ano daw? "Ahmm...yeah..." Napansin ko naman na nataranta siya ng konti "Ligo lang ako. Bye." Sabi niya sabay tayo at lumakad gamit ang saklay niya papunta ng kwarto niya.



Sinundan ko lang siya ng tingin. Bakit naman niya nasabi yun?




Annie's POV



Pinagsasabunot ko ang aking sarili ng dahil sa inis. Kasi naman sa dami ng pwedeng lumabas sa bibig ko eh yun pa talaga.


Kasalukuyan akong nasa kwarto ko. Agad akong pumasok dito nung sinabi ko kay Mindy yung mga salitang yun. Eh bakit ba kasi ang ganda niya kanina. Maganda naman talaga si Mindy kahit di bagong gising kaso iba yung ganda niya kanina eh.



Nakakainis talaga. Paano ako haharap sa kanya nito? Hays bahala na. Makapagligo na nga lang.


Matapos ng ilang minuto kong pagligo ay agad naman akong nagbihis. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan ako ngayon na pumili ng pwedeng suotin. Pwede naman kasi akong magsuot nalang ng pambabay since dito lang din naman ako sa bahay hindi naman ako lalabas. Pero wala, mas pinili ko pa din suotin yung presentable ako at maayos tignan.


'Bakit kasi gusto mo maging presentable at maayos tignan? Eh si Mindy lang naman kasama mo?' Tanong ng Marites kong utak.


"Anong pinagsasabi mo?" Inis kong tanong sa sarili. "Duh? Hindi ako nagpapakahirap sa paghanap ng masusot ngayon na presentable at maayos na damit dahil sa kanya no." Napapikit nalang ako ng aking mga mata sabay buntong ng aking hininga. Narinig ko naman may kumatok sa pintoan kaya agad akong napamulat ng aking mata sabay takip ng hawak kong damit sa aking katawana saka liningon ang direksyon ng pinto.



"Hey, uhmm..." dahan dahan akong lumapit na paika ika sa pinto para marinig ko ng mabuti kung ano man ang sasabihin niya "Annie, you there?" Sinagot ko naman siya ng yes. "Ahh I just wanted to say na..." hindi pa natatapos ang sasabihin niya sana nang madulas ako dahilan para mapasigaw ako. "Annie? Are you okay?"




"Bwiset naman to oh. Pilay na nga eh..." reklamo ko. Ang sakit ng pwet ko.


"Annie? I'm going in there." Sasabihan ko pa sana siya ng no pero huli na "Annie, are you..." napatingala ako sa kanya at napansin na napatulala siya. Sinundan ko yung tingin niya. Anak ng... agad kong kinuha yung damit na hawak ko kanina saka tinakpan ang upper body ko most especially yung boobies ko. Nabitawan ko pala yun kanina nung nadulas ako. Tulala pa din siya kaya tinapunan ko siya ng tsinelas na suot ko na tumama naman sa pisngi niya. "Aray naman! Bakit ka nambabato ng tsinelas diyan!" Yun lang pwede kong ibato sa kanya eh. Hindi naman kasi pwedeng ibato ko yung damit ko aba makikita niya ulit tong dalawang bff ko.



Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now