Shit

139 7 12
                                    




After kong tumingin-tingin sa mga jewelry shop dito sa mall ay nagpasya muna akong kumain. Nagugutom na ako eh.



Pagkatapos kung mag-order ng kakainin kong cake ay naisipan ko naman na tawagan ang Miloves ko. Namimiss ko siya eh bakit ba.



Ilang ring pa ang nagdaan bago niya sagutin ang phone.



"Hey, you." Bati ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nakaface-time.



"Hey, Miss." bati niya din sakin ng nakangiti. "Where are you?"




"Oh. Nasa mall ako may tiningnan lang. Kumain muna ako kasi I'm hungry na eh." Sabi ko.



"Ano naman kinain mo? Patingin nga."


"Wala pa. Kakaorder ko pa lang." paliwanag ko. "Ikaw kumain ka na ba? Baka naman nagpapalipas ka na naman. Tsk. Sinasabi ko talaga sayo Melinda ha?"



"Annita, nakakain na po ako." Sabi naman niya. Napangiti na lamang ako sa kanya. "Oh bakit ka nakangiti diyan? Siguro may kasama ka no? Kasama mo si Gelo?"



Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Anong Gelo..." I scoffed "Walang Gelo. Hindi ko siya bati." Sabi ko sa kanya na nakapout.



"O, bakit di kayo bati? Inaway ka ba niya?" Nag-aalalang tanong niya sakin.



"Hindi naman. Mukha kasing type ka niya." Pagsusungit ko.



Napangiwi naman siya sa sinabi ko "Anong type? Sinasabi ko sayo mahal ikaw talaga type nun. Diba nga tinopic ka pa niya sakin. Remember..."


"Ah basta! May balak pa talaga ata siya na agawin ka sakin. Di ako papayag kaya wag ka rin papayag." Sabi ko na ikinatawa lang niya.




"Ang cute mo talaga! Pakurot nalang ako mamaya." Biro niya.




"Tse! Ewan ko sayo." Pagsusungit ko.




"Sungit ka na naman."



Habang nag-uusap kami ni Mindy ay dumating naman ang inorder kong cake at milkshake. Nagpasalamat naman ako sa waiter.



"What are you eating?" Tanong ni Mindy mula sa kabilang linya.



Chinange ko naman yung cam ko into front saka pinakita ang food ko sa kanya.




"Mukhang masarap yan ah."




"Gusto mo dalhan kita diyan?" Tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong work today since weekend samantala siya naman ay nag-overtime ngayong saturday. Bukas naman ay magsisimba kami then kain sa labas and after nun siguro Miloves time na hehe.




"Wag na. Mapagod ka pa sa biyahe." Aww ang sweet talaga ng Miloves ko.



"Hindi. Dadalhan kita. After ko dito sa mall puntahan kita diyan, okay?" Wala naman siyang nagawa kundi umoo na lang. Sinabi niya din kung ano ang gusto niyang kainin na dessert.




Sinamahan niya pa ako sa pagkain ko ng dessert at nang matapos na nga ako sa pagkain ay nagbill-out na ako then nagbabye na din sa kanya over the phone. Hindi kasi pwedeng malaman na naghahanap ako ng singsing para sa kanya.




Binalikan ko ang singsing na nakita ko kanina na sobrang nagagandahan talaga ako.




"Miss patingin nito." Turo ko dun sa singsing na manipis tapos may maliit na diamond. Sinukat ko ang singsing sa daliri ko. Kasya siya so ibig sabihin kasya din to sa kanya. Pano ko nasabi? Secret HAHAHA.




Medyo may kamahalan ang singsing pero keri lang. Kaya ko naman pag-ipunan ulit yung pera tsaka isa pa para naman to sa Miloves ko hehe.




Hiniram ko ang kotse ni papa kaya naman di ko na kailangan na magcommute pa. Nang makarating sa parking area ay maingat kong inilapag sa passenger seat ang binili kong foods kay Mindy. OA na kung OA pero pinagseat-belt ko talaga yung food haha.



Nang makasakay na ako ay agad ko naman ito pinaandar at umalis na nga dun sa mall. Medyo padilim na nang makalabas ako ng mall at nag-uumpisa na din ang traffic pero mabuti nalang at nakaiwas ako kaagad sa mga nagkukumpulang mga sasakyan.




Hindi naman mabilis ang takbo ko ng sasakyan. Habang focus ako sa daan ay narinig ko naman na may tumatawag sa phone ko. Saglit akong napatingin sa passenger side at saka sinubukan na kunin ang phone. Agad ko naman itong sinagot ng maabot ko ito.




"Miloves, napatawag ka?"




"Papunta ka na ba dito?" Tanong niya.




"Opo. Bakit po?" Malambing kong tanong sa kanya.




"Wala lang. Can't wait to see you." Sus eto talagang Miloves ko ang hilig akong pakiligin haha. "I love you, mahal."



Agad akong napangiti sa sinabi niya at naalala ang binili kong singsing kanina. Kinuha ko yun sa passenger side ng kotse na hindi inaalis ang paningin sa highway saka sinubukan na buksan ito gamit ang isa kong kamay. Nakangiting pinagmamasdan ko ito "I love you more, Miloves."




Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na may ibibigay ako since regalo ko nga to sa kanya sa pagdating ng anniversary namin. I can't wait for that day to come. Excited na ako. Baka sa sobrang excited ko eh hindi na ako makapag-hintay at ibigay ko nalang sa kanya agad ang singsing haha.




"Ingat ka sa pagdrive. See you!" Sinabi ko din sa kanya na dinala ko yung sasakyan ni papa kanina kaya ganun.




"Yup. I will po. Text you nalang if nakarating na ako." Sabi ko pa sa kanya.




Ibinaba na niya ang tawag at saktong pagbaba niya ay nadulas naman sa kamay ko ang singsing dahilan para mahulog ito sa ilalim ng kotse. "Shit!" Sinubukan kong kapain ang ilalim ng kotse still yung paningin nakafocus pa rin sa kalsada pero wala akong nahawakan na singsing. San kaya natapon yun?




Palipat-lipat ang paningin ko sa kalsada saka sa ilalim ng kotse hanggang sa mahagilap nga ng aking mga mata ang hinahanap ko. Sinubukan ko ulit itong abutin ng mabilis mula sa sahig ng kotse. Nung naabot ko na ay agad ko itong kinuha at sa pag-balik ko sa pwesto ko sa pagdadrayb ay nagulat nalang ako nang may liwanag na nagpasilaw sa mga mata ko dahilan para mapatakip ako ng aking mga mata at kasabay nun ang pagbusina ng kotse sa harapan ko. Shit!












🖤

Suddenly, You're not InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon