Mahal 2.0

349 19 2
                                    


Annie's POV


Dalawang araw na ang nakalipas na di ko nakikita si Mindy. Tinetext niya naman ako for updates daw if kamusta na ako pero parang kulang pa din. Ewan ko ba dun bakit di nagpapakita sakin. Ewan ko din sa sarili ko at parang di ako kuntento sa message lang.


Actually, babalik na ako ng work ngayong araw. Medyo okay naman na yung pilay ko at di ko na gaanong nagagamit yung saklay ko. Magtataxi nalang ako papuntang work since wala pa si papa para ihatid ako. Hanggang ngayon di pa rin sila nakakabalik ni mama. Sa susunod na week pa sila makakauwi.



Nang makarating ako sa trabaho ko ay winelcome agad ako ng mga katrabaho ko. Kinamusta nila ako and sinabi ko naman sa kanila na nagiging okay na ako.



Ambilis matapos ng araw at sa wakas uwian na. Naghahanda na ako para umuwi nang sabihin ni Christy na ihahatid niya daw ako sa bahay namin. Nung una tinanggihan ko pero mapilit 'tong frenny ko kaya umoo nalang ako.



Palabas na kami ng building nang makatanggap ako ng tawag galing kay Mindy. Di na ako nag-abala na palitan ang name niya sa contacts ko. Mukhang bagay naman kasi ang Miloves sa kanya haha char. Need na talaga namin mag-usap kasi isa din to sa mga tatanungin ko sa kanya kung bakit Miloves ang nakalagay sa contact niya at hindi Mindy.




Agad ko naman sinagot ang tawag niya.




"Hello?" Hay bakit kaya ganito ang nararamdaman ko pag si Mindy na ang nakakausap ko. Kinakabahan ako na ewan. Grabe kasi ang kabog ng dibdib ko.



"Hey, uhmm...I'm here sa labas ng building niyo..." pagkasabi niya nun ay agad siyang hinanap ng mga mata ko "Hatid sana kita pauwi." Saktong pagsabi niya nun ay nakita ko siya. Napatigil ako sa paglalakad. Di siya nag-iisa. Sa side niya isang lalaking nakatayo. Kung hindi ako nagkakamali si Gelo yan. Yung katrabaho ko. Wait, magkakilala ba sila? Kung makatingin naman 'tong Gelo na to kay Mindy...tss! "Hello? Mahal, I mean Annie, you still there?"



Mahal... "May maghahatid sakin. Umuwi ka nalang." Napansin ko naman na nagtataka si Christy kung bakit ako napahinto sa paglalakad.




"Sino maghahatid sayo? Nakaalis na ba kayo?" Tanong niya.


"No, paalis pa lang. Sige na. Kailangan na rin namin umalis." Sabi ko nalang sa kanya sa kabilang linya.




"Okay. Pakisabi sa driver mo mag-ingat siya." Habol pa niya. Naghum lang ako sa kanya as a response "Okay, bye."



Nang maibaba ko na ang call ay nagsimula ulit kaming maglakad.



"Girl, diba si Miloves mo yun?" Agad akong napatingin sa side ni Christy nang banggitin niya ang Miloves.




"Miloves?" Nagtatakang tanong ko. Kilala din ba niya si Mindy?



"Oo si Miloves mo. Ayon oh." Turo pa niya kay Mindy na ngayon ay kausap si Gelo. "Di mo naman sinabi sakin na susunduin ka pala ni Mindy." Kunot noo akong napatingin sa direksyon ni Mindy na ngayon ay papasok na sa loob ng kotse niya at ang nakakainis dun ay pati si Gelo pumasok din sa loob ng sasakyan niya. "O? Teka saan pupunta yun at bakit kasama niya si Gelo?" Tanong ni Christy.



Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Bakit niya pinasakay sa kotse niya ang lalaking yun? May relasyon ba sila?



"Girl, okay lang ba kayo ni Mindy? Hindi naman kayo naghiwalay no?" Nalipat ang paningin ko kay Christy. Naghiwalay? "I mean, hindi naman sa marites ako no? Sadyang nacucurious lang ako." Patuloy pa rin siya sa pagsasalita.



Suddenly, You're not InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon