Family Outing

139 8 13
                                    




Napatingin ako sa pamilyar na kotseng pumarada sa harap ng bahay namin. Dali-dali akong lumapit dun sabay labas naman ni Mindy sa passenger side ng kotse.




"Miloves!" Tawag ko sa kanya sabay abot ng kanyang kamay. Isinara na niya ang pinto ng kotse. Napasilip naman ako sa loob nito para batiin si Tita. "Good morning, tita." Masiglang bati ko sa kanya.





"Good morning naman sa magandang jowa ng anak ko." Nakangiting bati ni tita sakin.

Kinopya naman ni Mindy ang posisyon ko sabay suway sa mama niya "Ma!"



"What? Binabati ko lang ng good morning si Annie." Sabi ng mama niya.


Napatingin ako sa kanya sabay tingin niya din sakin "Oo nga naman, miloves." Napairap na lang siya ng kanyang mga mata sabay ayos ng kanyang tayo.




Binalik ko na ang paningin kay tita "Ikaw ng bahala sa damulag na yan ha?"




Napahagikhik ako "Don't worry tita. Ako ng bahala sa kanya."




"Wag mo siyang masyadong ilapit diyan sa mama mo. I mean, no offence sayo." Dagdag pa niya.




"As long as nandito po ako, hindi makakarinig si Mindy ng kahit na ano mula sa mama ko. Tsaka isa pa, I'll keep her busy all the time para di sila masyadong magkita ni mama." Makahulugang sabi ko sabay wink kay tita.



Natawa naman siya kaya natawa na din ako. Kinopya ni Mindy ulit ang posisyon ko na nakasilip sa bintana ng kotse "Okay, enough na. Ma, thank you sa paghatid. Umuwi ka na. Drive safely."




"Okayyyy. Drive safely." Pag-uulit niya sa sinabi ng anak "Mag-ingat din kayo especially you." Turo niya kay Mindy.




"Ma, don't worry. Magiging okay ako dun lalo na kasama ko si Annie. Tsaka isa pa, if you're worried about tita, di naman nangangain yun eh. I can handle her, okay?" Saad ni Mindy.




"Di naman si tita tinutukoy ko eh." Napakunot si Mindy ng kanyang noo. "Alam kong kaya mo ihandle yun, ikaw pa! Ang tinutukoy ko, ay yan..." turo ni tita sakin gamit ang nguso niya. "Mag-ingat ka diyan sa katabi mo. Kung si tita di nangangain...aba'y ewan ko lang diyan." Seryoso ang mukha na sabi niya pero mahihimigan mo na binibiro niya kaming dalawa.





"Ma, ugh!" Naiinis na si Mindy sa mama niya. Nakakatuwa talaga tong mag-inang to.



"O siya sige na! Alis na ako. I love you, baby!" Pagpapaalam ng mama ni Mindy. "Update me, okay?"



"Hmm-mm." Tanging sagot ni Mindy. Nagwave pa ako nung umalis na si tita.



Napaharap na ako sa nakabusangot na si Mindy.



"O? Ano na naman nangyari diyan sa mukha mo?" Sabay hawak sa kanya sa chin.





"Nakakainis kasi si mama eh." Sabi niya sabay kamot sa tenga. Natawa naman ako ng slight. "O? Ba't ka natatawa diyan?"




"Wala. Natawa lang ako dun sa sinabi ng mama mo." Napa 'tss' lang siya. Hinigit ko siya sa bewang palapit sakin "Pero...may tama naman siya. Si mama di nangangain pero ako..." Sabi ko in a seductive way. Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi niya. Nakatingin lang ako dun sa mga labi niya ng ilang segundo after naming maghalikan. Gosh, nahohorny ako ang aga-aga ano ba yan. Bakit kasi ang sarap ng labi niya. Inilapit ko pa ang bewang niya sa akin. Magkadikit ang mga katawan namin. "Naku, kailangan mo talaga mag-ingat miloves baka kainin kita ng buo."



Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now