5 years from now

74 2 0
                                    


Busy yung mga kasamahan ko sa laro na inorganize ng ibang ka-batchmates namin. Inaya ako ng ibang kaklase ko na maglaro pero tumanggi ako. Wala ako sa mood para mag-enjoy at gusto ko nalang na umuwi na kaso 'tong dalawang 'to ayaw pa ako pauwiin. Napag-isipan ko nalang na kumuha ng makakain. Nagutom ulit ako bigla. Habang busy ako sa pagpili ng makakain ko ay hindi ko naman napansin na may tao pala sa gilid ko.

"Ang takaw mo talaga kahit kelan." Napatigil ako saglit dahil sa boses na 'yon. Alam ko boses niya 'yon. Napabuntong nalang ako ng aking hininga saka napagpasiyahan na kumuha pa ng foods. "Why are you ignoring me?" Doon na ako napatingin sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya magsalita ulit "For as long as I can remember I did nothing wrong with you." Sabi niya "Last na usap natin nung graduation pa and I am pretty sure we were okay that day before we lost contact with each other." For a second muntik ko na makalimutan na wala na nga pala yung memories kung saan magkasama kami. Wala na yung memories kung saan mahal niya ako. Lahat ng memories na kasama niya ako, hindi na niya maalala mga 'yon. "So, why?"

I gulped. "Uhm..."

"It's okay though. You don't need to answer. Maybe you're just surprised to see me after how many years of not seeing each other." Ani niya na nakangiti. Napangiti nalang din ako sa kanya ng pilit. Narinig ko na napabuntong siya ng kanyang hininga. "So, how are you holding up lately? I mean for sure successful ka na and you know happily inlove."

"Bakit kasama mo si Gelo?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Bakas sa mukha niya yung pagkagulat.

"You know Gelo?"

"Uhm...you introduced him to us earlier, right?" Phew.

"Right!" Bahagya naman siyang natawa. "Well, it's kind of funny na he went to SSU as well. We've been co-workers for almost 2 years now and I just found out last week."

"He graduated at SSU?" Kunot noo kong tanong.

She nodded her head "Hmm-mm."

"How come I've never seen his face before?"

"Well, he's in a different department. Besides, sa laki ng SSU you think makikita mo lahat?" Kung sabagay.

Wait nga. Bakit ba ako nakikipag-usap sa kanya. "I have to go back na." Akmang paalis na ako nang hawakan niya ako sa braso. Napatingin naman ako dun na sinundan naman niya.

"Sorry, uhm..."napailing siya ng kanyang ulo. "Nevermind." I just gave her a sly smile saka napagpasyahan na umalis na.

Pabalik na sana ako ng table namin nang biglang may humarang sa dinadaanan ko. "Mindy!" Napalaki ang mata ko ng makita ko si Von.

"Von?" He smiled widely then went on hugging me.

"Mindy!" Tawag niya ulit sa name ko. The hug lasted for a few seconds. As he pulled away from our hug, he examined me from head to toe. "Wow! Look at you!" He started. Napatakip pa siya ng kanyang bibig na para bang naaamazed sa nakita. Napapangiti nalang ako sa kanya. "Mas maganda ka dati." Bigla naman nawala yung ngiti ko sa sinabi niya. Nag-akma akong sasapakin siya dahilan para mapaatras siya ng bahagya. "Hep! I was just joking! Chill!" I rolled my eyes on him "Of course sobrang ganda mo pa rin." He smiled at me sweetly. Napairap nalang ulit ako ng mata sa kanya.

"Ang pangit mo pa rin." Pang-asar ko sa kanya. Napangiti naman siya nang napakalawak.

"Asus! Alam ko poging pogi ka na sa akin." Ang yabang talaga ng lalaking 'to kahit kelan.

"Pogi mo mukha mo." Sabi ko nalang. Natawa nalang din siya.

"So kamusta naman ang crush ko?" Napakunot ako ng aking noo.

Suddenly, You're not InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon