I hate that ring

71 4 2
                                    


Napabuntong ako ng aking hininga sa oras na nakalayo ako sa kanila. I combed my hair out of annoyance.

I'm annoyed with Celestine. Ang sabi niya walang Annie. Hindi pupunta si Annie. But who the hell is that girl I saw back there then?

"Minds..." mabilis akong napatingin sa nagmamay-ari ng boses na 'yon.

"I thought you said she's not gonna be here?!" Medyo pasigaw ko ng sabi sa kanya. "Did you do it on purpose?!"

Napayuko siya "I'm sorry, Minds."

Bahagya akong natawa sa kanya saka siya tiningnan ng may halong inis. Napailing ako ng aking ulo. "I'm leaving!"

"Wait, Mindy. Let me explain!" Pinigilan niya ako gamit ang paghawak sa aking braso.

"Wag na.." inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at akmang aalis na sana nang magsalita siya.

"I only did this because I don't want to see you like that anymore!" Napatigil ako sa paglalakad. "Akala mo ba hindi kami nahihirapan sa sitwasyon mo?! Akala mo ba hindi kami naaapektuhan?!" Nakatalikod pa rin ako sa kanya. "Bestfriend kita at nasasaktan din ako sa nangyayari sayo! You know na walang mangyayari sa buhay mo kung mananatili ka nalang na ganyan!" Sa oras na 'to ay napalingon na ako sa kanya. Nahuli ko pa siyang napapunas ng luha sa kanyang mukha. "I know mahirap na makita siya pero hindi ba mas mahirap kung lagi mo nalang tatakasan ang lahat?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi ka naman namin minamadali na maging okay but it's been months na. At least try to do something for yourself. Oo hindi madali ang magmove-on but you have to! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?!"

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko nang mga oras na 'yon. Sa totoo lang naaawa na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula. She took a piece of my heart with her on the day she left me. She ripped out my heart and soul. I love her so much it hurts. Its painful to know that the person who once loved me doesn't love me anymore. Its devastating to think that I'm the only one who can remember and feel this much of loneliness and pain while she's having her time to enjoy and be happy with her life again without remembering any single memory of me. I fcking hate that ring! Napatakip na ako ng aking mukha nang di ko na mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

Naramdaman ko nalang na niyayakap na ako ni Celestine.

"It's okay, Minds. Iiyak mo lang lahat ng 'yan." Sabi niya sa kalmado niyang boses "But promise me na once you stop crying, babalik tayo dun and kakayanin mo na harapin siya."

"D-do you think I can? It hurts, Ce." Sabi ko habang umiiyak pa rin.

"I know it hurts but what else can you do? Let's start your moving on process by facing the person that causes you a lot of pain...in here." Sabi niya sabay turo sa puso ko. She then wiped away my tears using her thumb. "The Mindy I knew is brave. Can you bring her back? Kahit ngayon lang."

Naiyak ulit ako "This is so unfair!" Niyakap ako ulit ni Ce. "This is so unfair, Ce!" Pag-uulit ko.

Nanatili lang kaming dalawa dun hanggang sa tumahan na nga ako. Matapos kong umiyak ay naghilamos muna ako ng mukha nang sa ganun hindi mahalata na kakagaling ko lang sa iyak.

Nang makabalik kami ay nag-uumpisa na ang program ng reunion namin. Pumunta na kami sa table namin.

"Love, I was looking for you. Saan ka galing?" Tanong ni Ryanne kay Ce nang makaupo na kami. Medyo na-shocked pa siya nang makita niya ako. "Minds, I didn't expect that you'd be here." Natutuwa niyang sabi. Nginitian ko lang siya na pilit. "Mabuti at nahatak ka netong bff mo na lumabas ng bahay at pumunta dito."

"Well, she kinda forced me to go here."

Napatingin si Ryanne sa side ni Ce. Tiningnan lang siya ni Celestine sa mata at naintindihan naman niya ang pinaparating nito na mensahe. "Okay. Later nalang ako makikichika." Sabi niya kay Ce "I'm happy to see you here, Minds." Nakangiting sabi ni Ryanne sakin na tinangoan ko naman.

After ng program ay nagstart nang magsikainan ang lahat. Kinuhanan kami ni Ce ng foods. Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ni Ryanne ay di ko mapigilang mapangiti. Kahit na hate ko ang ring na 'yon dahil sa nangyari sa amin ni Annie, hindi ko pa rin maiwasan na matuwa kasi kung hindi dahil sa ring na 'yon ay sigurado ako na walang Ryanne at Celestine ngayon na kaharap ko. Unless nalang may lihim talagang pagtingin yung isa sa kanila or we don't know baka sila talaga ang meant sa isa't isa.

"I miss you guys." Bigla kong sabi. Agad naman silang napatingin na dalawa sa akin. Sabay pa sila. Napangiti si Ce sa akin na ikinangiti ko rin. "I miss Rycel the most though."

Nakita ko naman na napangiti si Ryanne upon hearing Rycel's name. "Kung miss mo 'yon mas miss na miss ka naman nun." Natawa ako sa sinabi niya. "Laging nag-aaya na pumunta raw sa inyo eh kaso hindi naman pwede since you know you're not okay pa."

Saglit kong inilipat ang tingin sa pagkain ko. "Well, she can visit me anytime. I'm pretty sure na magiging okay ako pag nakita ko siya especially na she's a ball of sunshine."

Nagkatinginan naman ang dalawa saka sumagot si Ryanne ng "Sure. We'll pay you a visit one of these days or she can overnight there sa inyo nang sa ganun eh masolo ko naman 'tong lovey ko." Napawink naman siya kay Ce na ikinakunot naman ng noo nito sabay sampal kay Ryanne sa mukha pero yung mahina lang.

"Sira ka talaga."

"What? Sira na pala 'yon? Yung gusto ko lang naman masolo ka." Pagmamaktol ni Ryanne.

"Eh pwede mo naman akong solohin kahit andiyan anak natin." Sagot naman ni Ce.

"I don't want her to hear your little screams no." Kinurot naman ni Ce si Ryanne sa pisngi nito.

"Aray ko naman, Love!"

"Yang bibig mo talaga."

"Bibig ko na gusto mo." Nakangising sabi ni Ryanne.

"Oo kumain ka na lang diyan oh." Sabi niya sabay subo ng pagkain sa bibig ni Ryanne.

Napailing na lang ako sa dalawa habang nakangiti. Kahit kelan talaga hindi mawawala yung bangayan nila. Kung ano man sila dati ay ganun pa rin sila hanggang ngayon. Walang nagbago. They're madly inlove with each other pa rin kahit ganyan lang mga 'yan haha.

Habang nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa ay napadpad naman ang paningin ko sa babaeng mahal ko. My smile slowly fades away the moment my eyes landed on her. She looks so happy sitting there kasama ang iba naming kaklase. Katabi niya si Gelo. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kasama niya 'yan. While I'm busy watching Annie from afar eh hindi ko namalayan na napatingin pala sa direksyon ko si Gelo. He barely smile at me. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya at nagfocus nalang sa pagkain ko.













🖤

Namiss ko si Ryanne and Celestine huhu! Anyways, monday na naman. Here's an update! ✨

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now