Okay?

136 15 8
                                    



Annie's POV

Nagising ako na may ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naexcite sa araw na ito. Wala naman special occasion. Nag-inat ako ng aking katawan. "Good morning self!" Masigla kong bati sa sarili. Nag-umpisa na akong iligpit ang higaan ko saka inayos ang aking sarili. May naamoy naman ako na mukhang masarap. Nasagi naman ng isip ko si Mindy. Andito na kaya siya? Baka siya yung nagluluto sa kusina?


Naghilamos muna ako bago tuluyan lumabas ng aking kwarto. Dahan dahan akong nagtungo sa kusina at tama nga ang hinala ko. Andito na si Mindy. She's cooking something. Ang bango ng niluluto niya nakakagutom tuloy. Mukhang di niya ata napansin ang aking presensya kaya naman nagpasya ako na magparamdam.


I faked a cough na ikinalingon naman niya sa akin. "H-hey...u-uhm, good morning." nagstutter pa siya. "Kanina ka pa ba andiyan?"


Iniling ko lang ang aking ulo saka napatingin sa niluluto niya. Napansin naman niya ang pagtingin ko dun kaya nailipat niya ang mata niya sa niluluto niya. "Uhm...are you hungry? Just give me a minute. It'll be ready soon."



"No, it's okay. No rush."


Napatingin siya sakin "Gusto mo ba coffee? Wait kuhanan kita." Sinundan ko lang siya ng tingin. Napagpasiyahan ko naman na umupo nalang. Inilagay ko sa bakanteng upuan ang saklay ko.


"Here. Careful it's hot." Paalala niya.


"Thank you." I gave her a smile. Bumalik naman siya sa ginagawa niya kanina. Napansin ko naman ang mukha niya na parang namumutla. O baka naman namalik mata lang ako.


After ng ilang segundo ay naghain na siya ng makakain ko.


"Alam mo naman na di mo na kailangan akong pagsilbihan diba? Paa ko lang naman yung di okay. May mga kamay pa naman ako." Medyo pabiro kong sabi sa kanya habang busy siya sa pagsandok ng kanin sa pinggan ko.



Napatingin siya saglit sakin. Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago niya bitawan ang bowl na may laman na kanin. "Sorry, nasanay lang." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.



"Nasanay?" Iniwas niya ang tingin sakin saka inalok ako ng niluto niyang hotdog at bacon.



"Here. Kumain ka." Sabi niya sabay tungo sa kabilang side ng table para umupo. Napansin ko naman na wala siyang pinggan.


"Di ka ba kakain? Bakit di mo ko sabayan?" Hindi ko alam kung ano ang sumapi sakin at ang bait ko sa kanya. Ah siguro ayoko lang masira yung araw ko since nagising ako na good mood. Tama.



"Kumain na ako sa bahay before ako pumunta dito." Sabi niya.


"So, titignan mo lang ako habang kumakain?" Tanong ko sa kanya.


"Well, if you want dun na muna ako sa living room." Akmang tatayo na sana siya nang magsalita ako.



"Stay." Mabilis kong sabi sa kanya. Napatingin naman siya sakin na parang nagtataka. "I mean...okay lang sakin na andito ka habang kumakain ako." Old Annie would never say that, girl. What's wrong with you?! Ugh.


"You sure?" Parang di makapaniwala na tanong niya sakin na tinangoan ko lang ng aking ulo.


Bumalik na siya sa inuupuan niya saka tahimik na naupo dun. Nagsimula naman akong kumain na. Di ko naman maiwasan na di mapatingin sa kanya.


"Mindy, are you okay?" Napaangat naman siya ng tingin sakin.


"Yeah, I'm fine. Why?" Pinagmasdan ko saglit ang mukha niya.


Suddenly, You're not InloveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin