Ballpen

142 8 0
                                    



"At pano ka naman nakapasok?"



"Nakapasok ako mula sa pintoan. Alangan naman na sa bintana diba?" Aba at namimilosopo pa!



"Sinong nagpasok sayo dito?" Tumayo na ako at nilapitan siya.



She took a step forward saka niya isinara ang pinto ng kwarto ko. Napatigil naman ako sa paglalakad ng humarap siya sakin. Nilibot pa niya ang kanyang paningin sa buong kwarto.




"I didn't expect your room to look like this."




Napakunot ako ng aking noo. Ano naman ineexpect niya sa room ko?



Nilibot niya ang buong kwarto. She traces her fingers on the table while roaming around.



"Are you done inspecting?" I asked.




"Is this you?" Napatingin ako sa hawak niya "Di ko alam na baboy ka pala nun." Tumawa pa siya.




Ang sama ha.



"Makababoy naman to?! Akin na nga yan!" Sabay hablot ko sa kanya ng frame.



Tatawa-tawa pa rin siya. Ihampas ko kaya sa kanya tong frame. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko?" Akmang kukunin din sana niya ang katabing frame ng hampasin ko ang kamay niya "Ano ba?! Okay, enough touching my things!" Sabay tulak ko sa kanya papuntang pintoan pero masyado siyang malakas kaya tumigil na ako sa kakatulak sa kanya. "Umuwi kana! Seeing your face is the last thing I want to see especially at night! Baka mabangungot lang ako!"



She's weird. Ang quiet lang kasi niyang nakatingin sakin habang dada naman ako ng dada dito.




I sighed "Just close the door when you leave na lang." akmang tatalikod na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay at saka ako pinaharap sa kanya. The next thing she did surprised me.



Dahil sa pagkabigla ay nasampal ko siya. She gasped. "Why did you slap me?!" Oh my gosh. Mukhang nagalit ko ata siya. Bakit naman kasi bigla siyang nanghahalik.




"W-why did you kiss me?!" Tanong ko din sa kanya pabalik.


Medyo kumalma naman ang mukha niya. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa mukha niya na sinampal ko.



"T-to congratulate you!" To congratulate me?? Kelan pa naging uso ang pagkiss sa tao pag kinocongratulate mo siya? I mean, sa mga couple oo ginagawa nila even with friends but...we're not even friends so why? Why the hell she kissed me at sa lips ko pa mismo?! "Look, we...we didn't have a time earlier para batiin ang isa't isa that's why...I...I came here." Pero di pa rin yun nasasagot ang tanong ko kung bakit niya ako hinalikan. Siguro kung ako ang hahalik sa kanya understandable kasi nga bakla ako but her??? Malabo naman na bakla siya eh straight nga siya eh. Isa pa may someone na nagpapaconfused sa kanya so why did she kissed me???!



"So, why did you kissed me?" Pagtatanong ko sa kanya ulit.


"To...to congratulate you nga. Ang tigas eh." Sabay kamot niya ng ulo.


"Kelangan may paghalik at sa labi pa?"



"D-don't you like it?" Di ako makapaniwala sa kanya. What is she trying to do now.



"No." I honestly don't like it since di ko man lang nagawang halikan siya pabalik. Ni wala nga akong malasahan sa halik niya dahil sa kumalas ako kaagad at nasampal ko pa siya. "Now, tell me why did you kiss me? Why did you do that?"






Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now