Sweet corn

111 10 10
                                    




"Sige pa. Punta na kami ni Mindy sa kwarto." Saad ko kay papa.





Sasagot pa lang sana si papa ng magsalita si mama. "Hep! Hep! Saan kayo pupunta?"




"Sa kwarto namin ma." Sagot ko.




"Anong kwarto namin?" Nilipat ni mama ang paningin kay papa "Pinagsama mo silang dalawa sa iisang kwarto? Tsaka pwede naman tayo lahat sa iisang kwarto ah."



"Ma, nasa outing tayo. Ibig sabihin kelangan natin magrelax at para makapagrelax tayo kelangan natin ng privacy." Inakbayan ni papa si mama. "At ganun din ang mga bata."




"Anong pinagsasabi mong privacy?" Tanong ni mama.




"Ma, kung nag-aalala kayo kung may mangyari kina ate, advice ko lang...wag na kayong mag-alala." Napatingin si Brent samin ni Mindy "Hindi naman mabubuntis silang pareho so okay lang yan." Nagwink pa nga. Aba loko tong si Brent ah. Binatokan siya tuloy ni mama.



"Ikaw kung ano-ano yang lumalabas sa bibig mo!"




Napakamot naman si Brent ng kanyang ulo "Eh tama naman kasi ako ma. Hayaan niyo na lang kasi sina ate kahit ngayon lang."




"At sasabat ka pa talagang bata ka..." akmang babatukan siya ulit ni mama ng pigilan ito ni papa.




"Tama na nga yan. Sige na mga anak...pumunta na kayo sa mga kwarto niyo."




Kumuha kasi ng tatlong kwarto si papa para samin. Share sila ni mama siyempre tapos share naman kami ng Miloves ko. Solo naman ni Brent ang isang room.




Magkahawak kamay kaming nagtungo sa kwarto namin ni Mindy.




Nang makapasok ay agad itong napahiga sa kama.




"Oh my gosh! Inaantok na ako." I chuckled when she said that.




"Inaantok ka na eh di pa nga tayo kumakain." Sabi ko sabay lapit sa kanya. I make myself comfortable sitting on top of her. Hinawakan ko ang kamay niya saka ito nilaro.




"Are you hungry?" Tanong niya sakin.



"Hmm-mm."



"Why don't you just eat me then?" Natawa ako sa kanya. "What? Di ba nangangain ka?"




Inilapit ko ang katawan ko sa kanya "Yes, Miloves." Hinalikan ko siya sa labi. After nun ay inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya "Nakalimutan mo ata na nangangain ako ng buo?" Bulong ko in a seductive way.




Bumulong din siya sa tenga ko "So?" Napangiti ako sa kanya. Nagkatitigan kami saglit.




"Gusto mo talaga na kainin kita ng buo?"



Nagkibit siya ng kanyang balikat "I mean why not?" Natawa ako kaya natawa na din siya.




"Gusto mo talaga na kainin kita ng buo ha." Hinalikan ko siya sabay kiliti sa kanya sa gilid kaya naman napatili siya ng malakas.





"Ah!! Hahaha Annie! Stop! Waaa!" Sigaw niya. Kung kanina ako yung kumikiliti sa kanya ngayon siya na. We even switched our position. Kung kanina ako yung nasa ibabaw niya ngayon siya naman.





She grabbed my hand and put it over my head ng sa ganun di ko na siya makiliti.





"Ang ganda mo mahal ko." Sabi niya.




Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now