Annie Baby

176 8 6
                                    



Present.


Mindy's POV


Sa wakas ay nakarating na din kami sa bahay nina Ryanne at Ce.




Nagsisimula na nga ata ang party. Bumaba na kami ni Annie sa sasakyan. Bitbit niya ang regalo niya para kay Rycel.




"O, asan na ang regalo mo?" Tanong sakin ni Annie nang mapansin niya na wala akong dala.




"Kailangan pa ba ng regalo?" Tanong ko sa kanya.




"Malamang. Baka nakakalimutan mo si Rycel yan. Inaanak natin pareho yan mars!"




"Alam ko."




"Alam mo naman pala. Asan na regalo mo?"




"Ako. Ako ang regalo." Sabi ko sa kanya.



Natawa naman siya sabay iling ng kanyang ulo "Ewan ko sayo. Diyan ka na nga." Pumasok na siya sa venue ng birthday ni Rycel. Kinuha kasi kami dati ni Ce bilang ninang ni Rycel kaya kumare ko tong jowa ko.



Napangiti na lang ako sa kanya habang papalayo siya sakin.



Nang makarating sa loob ay agad namin niyakap sina Ce at Ryanne. Kinamusta nila kami ni Annie at saktong nag-uusap kami ng lumapit si Rycel.



"Mimi! Look what I've got!" Halos napatili niyang sabi sa mimi niya. Pinakita niya ang gift sa kanya ng isang kalaro niya.




"Wow. That's beautiful." Sabi ni Celestine.




"I know, right?" Nakangiting sabi naman ni Rycel sa mimi niya.



"O, did you say thank you ba baby?" Tanong naman ni Ryanne.




"Of course, mommy. I did." Ginulo ng bahagya ni Ryanne ang buhok ng anak.



"Baby, look who's here..." sambit ni Ce saka pinatangala si Rycel samin.




Rycel gasped. Yung maarteng gasped haha "Tita ninang!" Sigaw niya nang makita kami ni Annie. She then ran towards me for a hug. I kneel down in front of her.




"Did you miss tita ninang ba?"




"Sobra po!" Patalon-talon niyang sabi. Natatawa ako sa kanya ang hyper niya eh.




"Eh ako? Namiss mo rin ba ako?" Nalipat ang paningin ni Rycel kay Annie na ngayon ay nakatukod ang kamay sa mga tuhod niya. Lumawak pa ang ngiti ng bata saka nagpakarga kay Annie. Annie just happily carry her.


"I miss you ninang A."




"Aww..." napatingin sakin si Annie "Pano ba yan? Ako talaga fave ni Ry." I rolled my eyes on her. Favorite naman talaga kasi siya ni Rycel. Totoo yun. Ewan ko ba sa batang yan kung ano nakita niya kay Annie at naging paborito niya eh di hamak na mas cool pa ko diyan haha.





"Kamusta na kayo?" Nakangiting tanong ni Ce samin ni Annie. "Bangayan pa rin ba hanggang ngayon?" Natatawa niyang tanong.




"Hindi naman na siguro magbabago yun tsaka eto kasi..." turo ko kay Annie "She always finds a way to pissed or annoyed me."



"Sorry naman, miloves. Hindi kasi kompleto ang araw ko pag di ka nainis sakin so." Natawa na lang sina Ryanne at Ce.




Nag-umpisa na kaming kumain then kwento-kwento about sa life. Inaasikaso din nila Ce ang mga bisita nilang nanay ng mga kaibigan ni Rycel.



Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now