F o r g o t 23

992 31 10
                                    

Kanina ka pa nakasimangot sa loob ng kotse hanggang sa classroom niyo.

Nagtaka ang ibang kaklase dahil magkasabay kayo ni Josiah na pumasok. Lahat ay naka question mark ang mga pagmumukha except sa dalawang bruha na may nakakalokong ngiti na parang alam nila kung bakit kayo magkasama.

Tsk! Ang dudumi ng utak nila! -__-

Umupo ka na nga at nag-ayos na sa itsura mo agad namang lumapit ang mga kaibigan mo na kanina pa nakadisplay ang mga ngipin.

"Hindi ko mapigilan! Kayo na no?" tili ni Sam sabay hawak sa magkabilang balikat mo saka ito niyugyog.

"Like bruha ka! Nakakakilig!" sigaw ni Kelly na hinahampas-hampas ang ulo mo.

Hindi talaga sila aware na ang pinag-uusapan nila ay nasa likuran lang nila na naka headset at may pinapanuod. (Ano kaya yun?)

Ganito na talaga e kapag kaibigan ang kinikilig, parang ikaw yung nato-torture o napupuruhan sa mga pinagagawa nila!

"Arghh! Kapag ako ang kinilig baka nasa puntod na kayong dalawa!" inis mong sabi kaya natigil sila pero nakangiti pa rin.

"Kayo na nga?" sabay nilang tanong sa iyo

Inirapan mo lang sila at nagbuklat ka na ng notebook. Pa kunwaring magsa-study pero wala ka naman palang notes. Ano yun? Kailangan pang pailawan ng Ray light ang notebook mo para mabasa ang hidden notes? Tsk.

Kabobohan.

"Hayy gurl. Sagutin mo na kaya?" suggestion ni Kelly habang sinasara niya ang nakabukas na notebook na kanina mo pa tinutukan.

"Hindi nga nanligaw, atsaka iba naman ang type ni Josiah e." singit ni Sam na binuksan ang notebook at nakatutok ka ulit doon.

"Ano pala ang type niya ha?!" pagwawala ni Kelly

"Yung maganda---"

"So hindi ako maganda ganun?!" hirit mo sa kanila, kung makapagsalita ang dalawa parang wala ka sa gitna nila e.

"Maganda!" sabay nilang sigaw na nakataas pa ang kanang kamay

"Pero iba yung type niya e." napakamot ng ulo si Sam at nag-iisip nang malalim.

"Good Morning class, may bagong kayong classmate."

"Kapag yan babae, paaalisin ko talaga." inis mong sabi pero ikaw lang yung nakakarinig

Agad namang bumalik sa kani-kanilang upuan ang lahat. Hindi ka nalang nakinig sa nagsasalita sa harapan dahil hindi ka naman interesado sa Dean niyong iisa lang ang buhok.

"Hi! I'm Sienna Yu! Please be good to me!"

"Yan ang type ni Josiah!" sigaw ni Sam sabay turo sa babae na nasa harapan. Nakatingin ang iba kay Sam dahil sa biglaang pagsigaw, ang iba naman ay nakatingin sa babae. May nagbubulong-bulongan, may namangha, may nagandahan, na star struck at nairita.

Yung nairita, baka ikaw siguro yon? Hindi lang ako sure. XD

Napatingin ka naman sa harapan at halos mabali yata ang phone mong kanina mo pa hawak-hawak.

"Ano ang ginagawa ng babaeng yan dito?" bulong ni Josiah kaya naalarma ka naman kasi parang kilala niya yata ito.

✖️✖️✖️

Hindi ka mapakali sa kinauupuan mo dahil may malandi sa may likuran mo.

Kasalukuyang nagdi-discuss ang guro niyo ng Political Science (Parang college lang) pero wala namang nakikinig dahil nakakaantok ang lesson.

"Josiah, nagkita ulit tayo!" tuwang-tuwa na sabi ni Sienna

Nilingon mo silang dalawa sabay turo,

"Kung maglalandian kayo, huwag dito. Nakakaistorbo kasi sa nag-aaral e."

Tinutukan ka ni Sienna kaya napataas ang kilay mo.

"O bakit?" tinarayan mo siya,

"You're Stephanie diba?" hindi sigurado yung tono niya pero tumango ka nalang.

"Right! Josiah's Ex diba?" tuwang-tuwa niyang sabi sabay palakpak nang mahina.

Agad naman siyang inakbayan ni Josiah at pinandilatan ng mata.

Parang ang weird lang ng inakto nilang dalawa at agad namang natahimik si Sienna at di ka na pinansin.

"Okay, anong meron?!" inis mong tanong sa kanilang dalawa sabay tutok ng gunting na nasa desk ni Josiah.

✖️✖️✖️

Qs:
Ex nga ba?
Saan galing ang gunting? XD

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon