p r o t e c t i o n 31

676 33 10
                                    

31

"Oh, it seems. May maganda talaga kayong pinagsamahan." Komento ni Tita Alexa na mommy ni Josiah

Agad ka namang kumalas sa pagkakaakbay ni Josiah.

"Actually po, nag-aaway po kami ngayon." Nabigla sila sinabi mo.

Napatingin si Josiah sa iyo at halatang naiinis ito.

"Kaya, Josiah, tama na ang maging plastic ha? Baka gusto mong lunurin pa kita para pruweba na lilitaw ka." Agad ka nagsmirk at umakyat ka na patungo sa kwarto mo.

"Josiah!" sabay na sinigawan nina Tito Joshua at Tita Alexa ang anak nila.

"Ano?!? Inis na tanong ni Josiah

"Naku Alexa, pupuntahan ko lang 'yung anak ko." Pagpapaalam naman ni Tita Annie—ang mommy mo.

"Papahangin lang ako sa labas." Pag eexcuse naman ni Tito Stephen—ang daddy mo.

Naiwan naman ang pamilya Avellino.

"Josiah, bakit kayo nag-aaway, alam mo bang masama 'yun sa baby?!" sigaw ni Tita Alexa

Napakamot nalang sa batok si Josiah. Dahil sa stress na stress ang mommy niya ay napaupo ito ng couch.

"Josiah ayusin mo ang lahat ng ito." Sabi naman ni Tito Joshua

Jusko, naki tito at tita ang narrator. HAHAHAHA!

"Inaayos ko naman, e" hinawakan ni Josiah ang temple niya dahil medyo nainis siya dahil alam niyang aabot sa ganito ito, expected na ganun ang sasabihin ni Steph, pala sumbong talaga siya e. Wala tayong magagawa. LOL.

Napailing nalang itong si Tito Joshua (i-pupush ko na ang Tito at Tita XD)

"So bakit nga kayo nag-aaway?" tanong ulit ng Mommy niya

"Basta." Tipid na sagot ni Josiah at napaupo ito sa isa sa mga bean bag—bago ang upuang ito, binili ni Skyler, kulang daw kasi ng upuan ang condo nila. LOL. (Remember kanina, nakatayo lang sila, tapos kumuha ng upuan sa may kusina. HAHA XD)

"Kayo naman diba?" tanong ng Daddy nito

Napaangat ng ulo si Josiah at biglang umiwas ng tingin sa tatay niya.

"Deny-deny pa e." tukso ng mama niya na biglang sumigla, naka drugs yata 'to.

Napa-irap nalang si Josiah.

//

"So Steph. Dala ko na pala ang iilan mong damit." Sabi ng mama mo na nakaupo sa dulo ng kama.

"K." tipid na sagot ng mabait na mabait niyang anak, oo ikaw!

"Anak, ano ba kasing problema?" tanong ng mama mo at umupo ka na mula sa pagkakahaga.

Hindi ka nagsalita at nagbuntong-hininga lang, hindi mo naman kasi gawain ang mag share ng feelings sa nanay mo, pati nga mga kaibigan mo e, walang alam kung ano nga ba talagang nararamdaman mo.

Huminga ka ulit at tiningnan mo ang mama mo na ngayon ay halata sa mukha niya na nag-aalala.

"Ma, bakit naiinis ako kapag may babae siyang kasama?" seryosong tanong mo

Tumawa naman ang mama mo, kaya bigla kang napairap.

Sinasabi ko na nga ba, hindi niya seseryosohin!

"'Wag ka ngang mang-irap. Dense ka ba anak? O manhid?"

"Ewan ko." Humiga ka na ulit.

Naramdaman mong tumayo na ang mama mo at nasa tapat na ito ng pintuan.

"Sadyang mahal mo lang talaga siya, kaya ayaw mong may umaaligid sa kanya na babae." Sabi ng mama mo at tuluyan mo na itong lumabas.

Napaisip ka naman.

"Mahal?" napatanong mo sa sarili mo.

//

"Balita ko may girlfriend ka." Sabi ni Tito Joshua.

Nabigla si Josiah kaya napatingin siya sa Daddy niya. "Saan niyo nalaman?" tanong kaagad ni Josiah

"Si Stephanie ba ito?" tanong naman ng Mommy niya sa Daddy niya, umiling lang ang Daddy ni Josiah.

"E sino?!?" halos napasigaw na itong Mommy ni Josiah, dahil sa sobrang OA nito.

"Having a fake relationship with your half sister will not work so stop it Josiah." Sabi ng Daddy nito at umalis na.

Next Update: (Flashback)

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon