p r o t e c t i o n 35

765 36 3
                                    

"Kilala niyo siya?"

Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang nangyari at basta nalang hinila ni Sam si Ken at lumabas muna sila.

"Saan sila pupunta?" di makapaniwalang tanong ko.

"D-Di ko alam." Sagot ni Kelly at umupo siya sabay inom ng juice.

Napatayo naman ako nang dumating na ang dalawa at halatang pinagpapawisan. Tumaas ang kilay ko dahil parang kabado silang dalawa.

"So kilala niyo nga siya?" ulit na tanong ko at umiling silang tatlo.

"Ha?" di ko na sila naintindihan.

"A-Akala ko kasi na ikaw 'yung ex ko? Nagkamali ako!" ang sabi ni Ken saka ngumiti.

"Pasesnya na, aalis na ako." Sabi niya at tumakbo na siya paalis.

"See? Di namin 'yun kilala." Sabi ni Sam saka ngumiti.

Parang nagdududa na talaga ako sa mga inaakto nila, di naman ako bobo para di ko agad malaman ang lahat.

Umalis na ako sa cafeteria at di ko na sila pinansin pa, dumiretso ako ng condo unit ko—namin ni Josiah pala at natulog. Nawalan ako ng gana para pumasok dahil nagtext kasi si Sienna—yung lecheng babaeng malandi—na kasama niya raw si Josiah.

ANO NAMAN ANG PAKE KO KUNG MAGKASAMA SILA?!?

Napairap nalang ako matapos kong basahin ang malandi niyang text at napahiga ako sa kama.

"Hay, buhay." Ang nasabi ko nalang saka ako napapikit.

Napamulat ulit ako nang malaman kong baka ano ang ginagawa ni Sienna ngayon, kaya kumaripas ako ng takbo at pumara ng taxi.

"Sa University ko." Sabi ko kaagad sa taxi driver.

"Saan 'yun miss?" tanong ng driver.

"Aish!" tumingin ako sa rear view mirror at nagulat.

"J-Josiah!?"

"Gulat ka?" tanong niya saka ngumisi.

"Di mo sinabi sa akin na huminto ka na pala ng pag-aaral." I said sarcastically and crossed my arms.

"Tss."

Lumabas siya at may parang inabot sa itaas saka siya sumakay ulit at nakita kong hawak-hawak na niya ang label name na taxi.

"Ang bilis mong maloko."

"Ewan ko sayo." Ang nasabi ko nalang.

"Okay. Saan tayo?" tanong niya at lumingon siya sa akin.

"Tama, bumili nalang tayo ng mga gamit." Ang sabi ko.

Alam kong sobra pang maaga pero wala na akong magagawa pa, hindi ko na kailangang pumunta ng school dahil nandito naman si Josiah so wala ng lalandiin si Sienna—teka? Psh! Nasabi ko talaga 'yun sa isipan ko!?

Di na siya sumagot pa at nagtungo kami sa pinakamalapit na Department Store. Kumuha ako ng cart at nagdire-diretsong pumunta ng baby stuffs.

Lumapit kaagad ako sa mga pambabae at namili na ng mga pink bottles.

"Wag 'yan."

Napahinto naman ako sa paglalagay ng mga gamit at nilingon ko si Josiah.

"Lalaki ang anak natin kaya dito tayo." Tinulak niya ako ng mahina at lumipat sa kabilang lane.

"Dito." Sabi niya at mabilis na humablot ng mga gamit na blue.

"Hoy. Siraulo ka ba?" sinapak ko siya kaya inis niya akong tiningnan.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon