O I F T P 50

862 35 22
                                    

Final...Dedicated ito sa lahat :)

1 week.

1 week.

Weak. Ang weak ko. Isang linggo akong nandito sa bahay, wala na yata akong planong mag-aral, buti nalang at end na din ng school year. Magcocollege na ako this year—pero 'wag na muna nating itopic 'yan.

"Steph, pumasok ka daw sabi ng adviser niyo." Sabi ni Daddy nang matapos siyang kumatok sa bukas na pintuan ko.

Tiningnan ko lang siya saka ako humiga. Nakaupo lang kasi ako kanina sa kama habang nag fa-facebook sa macbook ko.

"Ano ba kasing problema?" tanong niya pero tinalikuran ko lang siya.

Umupo siya sa pinakadulo ng bed ko saka niya hinawakan ang balikat ko.

"Sigurdo kang ayaw mong pumunta ng school?"

Nag approve sign ako. He sighed then tapped my back.

"Sigurado ka ba talaga? Final answer for 1 million question."

"Umalis na nga kayo~" pagtataboy ko sa magaling kong ama saka ko siya tinulak palabas ng pinto at pilit itong sinasara pero di siya nagpaawat dahil tinutulak niya ito.

"Anak, baka pagsisisihan mo?"

"Ayokong pumasok!"

"Sigurado ka?"

"Oo sabi~"

Umalis siya bigla kaya na full force kong naisara ang pintuan, sumandal ako at napaisip, ano ba kasing meron ngayon sa school?

Narinig kong may kausap ang daddy ko sa phone niya.

"Yeah, I'm sorry." Sabi pa nito sa kabilang linya.

Dumapa ako sa kama saka ko nakita ang bagong post ni Josiah sa twitter.

Josiarap: badtrip >.<

Okay? Kung badtrip siya? Edi mas badtrip ako! Boset, ikakasal na siya! Sarap magbigti—no! Mahal ko ang buhay ko!

***

"Girl~ namiss ka namin." Nakangusong sabi ni Kelly, bumisita sila dito sa bahay, oo nga pala, di na ako nagstay 'dun sa condo unit kasi ano pa bang gagawin ko 'dun? Ikakasal na ang kasama ko 'dun tapos wala naman akong papel sa buhay niya, ang mas worst pa, naiwan ang mga gamit ko 'dun. But who cares? 

"Sorry pero di kita na miss." Sabi ko naman kaya humiga siya sa couch namin.

"Hindi niyo naman talaga ako namiss e, gusto niyo lang talaga ng merienda dito." Namangha silang dalawa nang may makita sa likuran ko.

Nakita ko naman ang apat na katulong namin na may kanya-kanyang bitbit na tray na may mga cookies, iba't-ibang klase ng Nutella, strawberries, at juice na may tatlong glass.

"CL, Bom, Minzy, Dara, ibalik niyo 'yan sa kusina. Busog sila." Utos ko kaya tumango naman sila saka umalis.

"Bitch." Sabay nilang sabi saka ko sila nginitian.

"So bakit ayaw mong pumasok?" tanong ni Sam at kinuha nalang ang remote ng TV saka niya ito pinindot-pindot.

"Ayoko lang."

"Hay naku, nawalan 'yan ng gana kasi ikakasal na si Josiah." Sabat naman ni Kelly saka ko siya tiningnan.

"Tama naman ah!" siguro?

"May balita ka ba tungkol kay Josiah?" balita? Tsk! Syempre wala!

"Wala."

Isang linggo na rin pala simula 'nung nakita ko ang mga videos niya, bakit niya pa 'yun pinakita sa akin? Na next week ay ikakasal na siya? Tangna dis! ._________.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon