L A S T

1.7K 46 20
                                    

Must watch the MM HAHAHAHA it's Kai / Kim Jongin as Josiah Avellino. Like? AHA? HUHU, ang hot niya ._____. Bias wrecker. 

Hindi akin 'yang video, HAHA, maganda lang kasi 'yung pagka edit e tapos syempre, 'yung music niya, ehihihi xx.

WARNING: Pagbibigyan ko na kayo, hindi ko ito ipaprivate. LOL. Some contents are not suitable for very young audiences. Please handle your PC, Laptop, Net book, phone, tablet, iPad, iPod, iPhone with care~ HAHAHAHA! Bawal na bawal. Okay? Don't bash me! HUHUHU!

DEDICATED ITO SA LAHAT NG READERS~

***

J O S I A H

"Ma, nasaan na si Steph?" tanong ko sa mama ko na kanina pa nakangiti, napapraning na ba ang mama ko?

"Ha?" tanong niya sa akin.

Bumaba na ako ng hagdan at tiningnan ko siya.

"Sabi ni dad, nandito daw si Stephanie, asan na po siya?" nilibot ko ang living room pero wala naman siya.

"Umalis na siya."

"Ha? Sabi ni dad na—"

"Nagjojoke lang ang dad mo, kanina pa siya nandito kaso umalis din naman kaagad." Napatango nalang ako.

Napansin kong kanina pa ngiti nang ngiti ang mama ko, ano kaya ang pinag-usapan nila ni Stephanie?

Kumakain na kami ng dinner, tahimik lang kaming kumakain, bakit ba kasi ang laki ng dining table namin, tapos tatlo lang kaming kakain. Si Celine kasi bumalik na sa ibang bansa, kung nandito lang 'yun siguro...tahimik pa rin, sila ni mama lang ang close niya kahit hindi siya anak nito, nahihiya kasi si dad sa kanya at ako rin. Pero simula 'nung nagpanggap kami, naging okay naman.

"By the way, Josiah next week, mag absent ka ha?" pagbasag ni mama sa katahimikan.

"Bakit?" concern pa talaga ako? E 'yun naman ang gusto ko, hehe.

"Sinabihan ko na ang administrator, kung hindi siya papayag, matatanggal talaga siya sa trabaho niya, tutal, 18 ka na and last mo na bilang pagiging senior high school mo so dapat pagbigyan ka nilang mag-absent, diba hon?"

Tumango lang si dad sa litanya ni mama.

"Oo na." mahina kong sabi.

"And,"

Natigil naman ako sa pagkain kasi di pa pala tapos si mama.

"Itext mo ang kabarkada mo na dito magstandby, kung gusto nilang matulog dito, okay rin, and make sure bring Kaila here, okay?"

"Kaila? 'Yung babaeng—"

"Yup."

"Hon bakit hindi si Stephanie ang papuntahin mo dito?" tanong naman ni dad kaya tumango-tango ako.

"Ayoko lang, bwehehe." O-Okay? Ang weird ni mom?

***

"Hi tita~" sabay na bati ng barkada ko nang pumasok sila sa living room.

"Hello~"

"Tita, gutom na kami." Nakangusong sabi ni Levi kaya naman inutusan na ni mama ang mga katulong namin na maghanda na ng pagkain, boset talaga itong si Levi! Kapal-kapal ng mukha!

"Hi po!" napalingon kami at kakapasok lang din ni Kaila.

"Hala! Hi Kaila!" bati ni Levi

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon