O I F T P 47

704 36 21
                                    

3 days later...

S t e p h a n i e

"Stephanie, dalhin mo na 'yang bag mo tapos bumaba ka na dahil pupunta ako sa baba para magbayad ng mga hospital bills." Sabi ni Mommy sa akin, walang gana akong tumango at napanguso habang kinuha ko ang bag kong nakahanda na. Alam na nila ang totoo, pati parents ni Josiah, hindi ako ang nag explain kasi nakakapagod, si Dra. Jessica at Dra. Tiffany ang pinilit ko para maging spokesperson ko. XD.

3 days lang ang stay ko dito sa Hospital at for 2 days, hindi na bumalik ang gagong Josiah! Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat! Nilabas ko na lahat, luha ko, ang katotohanan at pati uhog ko pero wala! Wala akong napala!

Lumabas na nga ako at may kumulbit sa akin kaya inis ko itong hinarap.

"Ma'am naiwan niyo po." Isang nurse pala at nakangiti ito. Inabutan niya ako ng isang flash drive kaya tumaas ang kilay ko.

"Hindi 'to sa akin, at wala nga akong dalang laptop dito e." iritable kong sabi pero nagtaka siya bigla.

"Wag ka ngang magtaka diyan, di bagay sa mukha mo."

"Ma'am nahulog po ito sa bag niyo." Paliwanag niya.

"Ay naku, akin na nga! Explain pa e, hindi naman matalino. Ge." Umalis na ako at napatingin sa flash drive na may chain na 'Oops, You Forgot Me.' Forgot me my a$s!

Pauwi na kami ng bahay at di na ako umimik pa kasi nakakabadtrip talaga! Sinusumpa ko talaga sa lahat ng mga malalandi ang taong nagngangalang Josiah! Binabadtrip ang tatlong araw ko!

Akala ko pa naman na hahalikan niya ako pagkatapos 'nun tapos ngingiti na ako tapos magiging kami pagkatapos pero ano!? Nga-nga!

Nagdiretso ako sa kwarto ko at di na lumabas, I stayed for 8 hours na nakahiga lang. Walang text na galing sa kanya, puro GM lang ni Levi ang nababasa ko at nakakabanas kasi laging naghahanap ng ka text!

Napatingin ako sa flash drive pero tinapon ko ito sa trash bin saka natulog.

Punyeta!? Bakit hindi ako makatulog!? Padabog kong sinipa ang basurahan na pink tapos pinulot ko ang USB, good thing 'yun lang ang nasa loob!

"Bwisit talaga."

Marahas kong pinasak sa usb port ng laptop ko ang flash drive at nakita kong maraming video clips.

"Nak ng, what the heck is this!? Hindi nga talaga sa akin ito!" sigaw ko saka ko clinick ang isang naka thumbnail na may label na 'First day.'

Sa video:

Mukha ng Josiah na nakangisi.

"First day at kami na ni Steph! Yehet!" sabi niya sa video at nagself vidcam siya at nasa room siya nito.

"Josiah, andyan ka lang pala!" boses ng isang babae, pumasok ito ng room at si Stephanie pala ito.

Agad na in-off ni Josiah ang video.

'First Month'

"Nakakagago, nag-away kami ni Stephanie, tinawag ko kasi siya ulit na Miss S.E.X na alam kong hate niya 'yun. Tingnan mo ang bruise ko sa braso, kagat niya 'yan!" naiinis pero nakakaawa ang mukha ni Josiah na nag vi-video sa labas ng bahay nila.

'Fourth Month'

"Sinigawan niya ako, ang sakit sa tenga promise! Nahuli niya kasi akong nanunuod ng xxxx video e."

'Fifth Month'

"Kita niyo 'to?" pinakita niya ang itim na bilog na nakapalibot sa mata niya.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon