p r o t e c t i o n 36

672 39 6
                                    

S t e p h a n i e


Alam kong nagulat sila sa sinabi ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Bakit ba kasi maraming umaaligid na babae sa kanya?

"Seryoso ka ba Stephanie? O nagjojoke ka lang?" tumawa siya nang mahina pero agad akong napakuyom.

"Kailan ba ako nagjojoke? Ano na, sabay pa tayo sa OB kung gusto mo talagang malaman." Kalmadong sagot ko kaya bumilog ang mata niya saka niya tiningnan si Josiah na nakaupo lang, naghihintay siya sa isasagot ni Josiah.

"Totoo." Confident na sabi ni Josiah kaya nabigla ako nang sumigaw si Sienna at lumabas na ng room.

Maraming nagbulong-bulongan pero wala akong pake, totoo naman kasi, bakit ko pa ba itatago ito e sa huli e lalaki naman talaga itong tiyan ko.

Umupo na ulit ako at timing naman at pumasok na ang teacher namin, wala namang nag-abala na tawagin at papasukin si Sienna sa loob dahil magsa-start na ang class, dahil may konsyensya rin naman ako kahit konti lang ako na ang tumayo at hinanap siya.


Kanina pa ako lakad nang lakad pero wala akong makitang Sienna, saan na ba 'yung babaeng 'yun!?

I just shrugged and went back to classroom, why should I waste my time looking for her?


Natapos na nga ang boring na class dahil Geography at History lang naman ang subject, bakit pa ba kasi hinuhukay ang mga matagal ng nakalibing? At ano bang pake ko kung may nangyaring gyera, invention noon? Ang hirap talaga intindihin ng mga subjects!

Nag-aayos na ako ng bag ko at may biglang nagpoke sa ulo ko, mula ito sa likuran kaya napairap ako dahil si Josiah lang naman ito.

"Ano?" inis kong tanong sa kanya, di ko alam kung ano ang binabalak niya pero ang mukha niya ay masarap talagang ihambalos sa desk, kasi nakakainis dahil nakangisi ito, pero kahit papaano ay medyo maayos na ang relationship namin, no strings attached pero friends na ulit kami.

"Sabay na tayo?" pag-aalok niya, narinig ko naman ang tilian ng mga kaklase ko kaya nag salute ako ng middle finger sa kanila, tumikom naman ang mga bibig nila na handa na sanang manukso, pero buti at naunhan ko sila.

"Malamang, iisa lang tayo ng tinutuluyan e." sabi ko naman kaya mas lalo siyang ngumiti,

ewan ko ba pero mukhang binabawi ko na, parang gusto ko 'yung Josiah'ng seryoso at hindi namamansin!


Sumakay na nga kami ng kotse at hindi pa rin mawala ang ngiti niya sa labi.

"Sige na, sabihin mo na sa akin."

"Ang alin?" ngumiti siya sa akin.

Tinuro ko at pinitik ang labi niya at nawala naman ang masayang arko sa labi niya.

"Yang ngiti mo, ano na naman 'yan??" tanong ko

"Huh?" pa inosenteng tanong niya

"Ah...ito?" ngumiti na naman siya.

"Nakakawala ng mood 'yang ngiti mo, 'wag ka ng gumanyan please." Pero boset ka Josiah, nakakagaan 'yang ngiti mong imapkto ka!

"Kanina kasi," paguumpisa niya at tiningnan niya ako habang nakahawak siya sa steering wheel. Tiningnan ko naman siya at ngumiti na naman siya.

"Proud ka talaga na may anak na tayo no?" tiningnan niya ako saka ako umiwas.

Anak na tayo?

Anak namin?

Putspa??!

"H-Ha? H-Hindi ah!" sigaw ko at tinalikuran siya

Pero bigla niya akong kiniliti sa tagiliran.

"Ayieehh! Futrue mommy na ang bruha!" sigaw niya sabay sundot.

"Ahh! J-Josiah, tumigil ka na nga!" sigaw ko at umiiwas!

Kanina ko pa sinasapak ang kamay niyang sundot nang sundot pero hindi talaga siya tumitigil! Tumawa na nga siya pero arghh! Paano ba ito patigilin!?

Wala akong ibang magawa kundi ang hawakan ang magkabilang pisngi niya saka ko siya hinalikan.

Tumigil naman siya saka ako bumitaw, dilat na dilat ang mata niya kaya pinitik ko siya sa noo, "Hoy! Mungago ka, gutom na ako!" sigaw ko at natauhan naman siya.

Ngayon ko lang rin pala na realize na hinalikan ko pala siya, takte, bakit ang late mag process sa utak ko!? Umiwas na ako ng tingin, tinalikuran ko siya ulit at di ko maiwasang mapahawak sa labi ko.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko, di ko alam ang ibig sabihin nito pero sumakit bigla ang ulo ko. Parang may naalala ako, pero di ko magawang bumalik sa ganoong memorya.


Hi sa iyo du_dee, dedicated ito sayo kasi binasa mo ito, salamat sa effort mo :)


Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon