O I F T P 42

633 35 3
                                    

Present Time

S t e p h a n i e

"Good morning!" napalingon ako sa gilid ko at halos mahulog ako ng kama ko dahil sa lalaking ito, b-bakit siya nakapasok dito!?

Pinakita niya ang susi sa akin at bumilog ang mata ko, tae, may duplicate siya!

Pinaalis ko siya sa kama, ayokong lumalapit siya sa akin!

"O-Oy, bakit mo 'ko pinapaalis?" natatawang tanong niya sabay kapit sa bedsheet para hindi siya mahulog.

"Ayoko ng mga stranger!" sigaw ko at sa huling pagtulak ko sa kanya ay nahulog na nga siya.

Tumawa nalang ako at nakahawak siya sa pwet niya at hindi kumikibo, tiningnan ko naman siya at hindi pa rin siya nagsasalita, nakayuko lang ito.

"Hoy! Okay ka lang?"

Dumapa ako sa kama ko at napadungaw sa ibaba kung saan nandun siya at nakaupo, napaayos naman ako sa kama ko nang tumayo siya at lalabas na.

"Sorry pala." Sabi ko kaya lumingon siya sabay ngisi.

"HAHAHA! Sa wakas nag sorry din." He said teasingly at lumapit siya sa kama ko kaya tinapon ko sa kanya ang unan na kandong ko.

"Argh! Bwisit!" sigaw ko at umiwas naman siya.

"Wifey~ mamaya na ang harutan, magluluto pa ako." Sabi niya at lumabas na hindi naman ako makapagsalita dahil sa endearment niya, leche! B-Bakit wifey!?

Bumaba na ako matapos kong maligo at magbihis ng uniform, pagkababa ko ay nakahanda na pala ang pagkain, saan kaya ito natuto? Aish, 'wag na nga tanungin baka si Kyungsoo na naman ang isasagot nito.

"Ayan, hot chocolate milk para masigla ka mamaya sa quiz natin," nilapag niya ang mug na may tsokolate.

"Hotdog and eggs," nilagay naman niya ang hotdog with eggs sa plato ko saka ito ngumisi.

"Isa nalang Josiah, at matatamaan na talaga kita ng tinidor sa ilong." I glared at him, baka kung ano na naman ang naiisip nito!

"H-Ha? W-Wala ha, haha!" tumawa nalang siya at umiling.

"Para 'yan sa kalusugan ni baby!" depensa niya kaya parang uminit ang pisngi ko.

"Kinilig ka na niyan." Komento niya sabay silip sa mukha ko dahil napaiwas ako ng tingin.

Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin at mas lalong uminit ang pisngi ko at nagpipigil na ngumiti.

"May naisip ka na ba?" tanong niya bigla sabay layo niya sa mukha ko.

"Ng a-ano?" nauutal kong tanong.

"Ng pangalan, syempre dapat makapag-isip na tayo." Sabi niya sabay upo sa upuan na nasa gilid ko, pinapanuod niya akong kumain.

"K-Kumain ka na nga lang diyan! Dami mong alam sa buhay!" sigaw ko tapos ngumiti na naman siya.

"Kung lalaki gusto ko junior, haha!" tumawa siya

"M-Maligo ka na nga lang!" sigaw ko ulit. Para makapag concentrate na ako sa pagkain ko!

"Hihintayin kong maubos mo 'yan para healthy si baby Stephen." Sabi niya.

"Gago nito, pangalan ng daddy ko 'yan!" sigaw ko na naman.

"Hay naku, bakit ba lagi kang nagsisigaw? Baka pagmagdagdag tayo e hindi ka na maka moan. Nakakawala ng gana 'yun." Mahina niyang sabi saka yumuko, pero dahan-dahan niya akong tiningnan para makita niya ang reaksyon ko.

"Bwisit ka talaga!" sigaw ko sabay sabunot sa buhok niya.

"A-Aray, bhe!?" sigaw niya at napahawak siya sa kamay ko at pilit itong inaalis.

"Anong bhe! Umayos ka nga!" sigaw ko ulit.

"Pasalamat ka-aray, ouch! Yeah! Wooh!"

dahil sa mga sinasabi niya mas hinigpitan ko ang kapit ko sa buhok niya.

"Waaah! Ang anit ko~" sigaw niya kaya binitawan ko na ito nang marahas.

"Wooh! Ansaket." Reklamo niya sabay masahe sa ulo niya.

"Ang baho mo na, maligo ka na nga!" reklamo ko.

"Paliliguan mo ako?" nakangisi niyang sabi tapos nilapit niya ang mukha niya sa akin sabay taas-baba ng kilay niya.

Kaya tinakpan ko ang mukha niya gamit ang palad ko saka ko pinitik ang noo niya.

"Mamaya na pagkasal na tayo!" sabi ko kaya natigilan naman ako. Pati rin siya.

Tumayo na ako at nagpaypay ako gamit ang kamay ko.

"Ay-Hayy! A-Ang init ng panahon ano!? Makat-t-toothbrush na nga l-lang." palusot ko sabay takbo sa lababo.

Tumawa naman siya, as in yung humagalpak talaga.

"Narinig ko 'yun!" pang-aasar niya.

"Tse!"

"Pagkasal na tayo?"

"Ewan ko sa'yo."

"Okay hihintayin ko 'yun!"

Natapos na akong mag toothbrush at nagulat pa talaga ako nang lumapit siya sa akin at nilapit niya ang tenga niya sa tiyan ko, sabay yapos niya sa bewang ko para nasa balanse pa rin ako.

"Baby Stephiah, haha, ang weird ng name mo, pero 'wag maging pasaway sa mommy mo ha?" sabi niya sa tiyan ko.

"Tabi nga!" sigaw ko kaya napaatras naman siya.

"Hala baby~ ang harsh ng mommy mo~" sigaw niya saka siya tumakbo papalapit sa akin.

"Subukan mong lumapit!" banta ko kaya tumigil naman siya saka ngumiti.

"Bye na, ingat kayo ni baby~" nagwave na siya at inirapan ko nalang siya.

Hindi na siya nag offer na ihatid niya ako dahil hindi rin naman ako papayag!

Nang magsara na ang pinto ay napasandal ako dito at napahawak sa tiyan ko.

Josiah, kung alam mo lang, bakit kasi laging ganyan ka? Mas lalo na tuloy kitang nagugustuhan.

Simula pa 'nung naging tayo, at hanggang sa naging mag-ex na tayo.

Mahirap mang sabihin, pero, oo. Oo Josiah, matagal ng bumalik ang ala-ala ko, dahil sa'yo.

Bumalik ang lahat nang mahalikan mo ako sa parking lot 'nung mga panahon na nagbet tayo, ang tagal na diba? Revenge lang sana ang pinaparating ko, pero di kalauna'y, nawala na ang prinsipyo ko.

Salamat at pinabalik mo sa akin ang lahat, pero paano ko ba sasabihin sa iyo ang totoo? Josiah niloko mo na ako dati, pero andyan ka pa rin na nag-aalaga sa akin, pero may doubt pa rin ako dahil baka pinaglalaruan mo na naman ako.

Naka move on na ako sa'yo, 'nung bumalik ang lahat ng memorya ko ay wala na akong nararamdaman sa'yo pero pilit na bumabalik ito, kahit pinipigilan ko ang bawat tibok ng puso ko ay hindi pa rin, sumasakit lang ito kaya hinayaan ko na.

Hinayaan ko nalang ang sarili ko na mahulog ulit, wala na akong pakialam kung aasa na naman ako na baka sa huli ay mamahalin mo rin ako kahit alam kong imposible.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon