p r o t e c t i o n 32

685 30 1
                                    

(Celine on MM)


Flashback

"Uuwi na pala siya." Ang mahinang sabi ni Alexa-Mommy ni Josiah

"Sino?" tanong naman ng asawa nitong si Joshua

"Josiah's half sister." Sagot nito at seryosong nakatingin kay Joshua tila bang naghihintay sa isasagot nito.

"Dito mo ba patutulugin?" tanong pa ng asawa na parang hindi yata papayag kapag tumuloy ang nag-iisang kapatid ni Josiah sa bahay ng mga Avellino.

"Hindi." Agad na sagot ni Joshua at niyakap niya si Alexa

"You really loved me that much even if I made a mistake." Mahinang saad nito at ibinaon ang mukha nito sa leeg ng asawa.

Marie Celine Mendez, ang nag-iisang half sister ni Josiah. 3 years old si Josiah nang magloko ang Daddy niya at nakabuntis ito. It doesn't mean na nag-aaway ang mag-asawang Avellino pero sadyang malandi lang talaga ang isang promo girl ng club kaya napagsamantalahan ang isang lasing na Joshua.

Bilang isang totoong asawa at legal wife (charot) hindi niya basta-basta natanggap ang bata nang iniwan ito sa doorstep nila, Celine was only 5months old back then.

Pero pinaalis ni Alexa si Joshua sa bahay nila at ang sabi pa nito na balikan ang babaeng nabuntis niya, pero wala na pala ito. Patay na.

At dahil mabait ang magandang nanay ni Josiah ay pinalaki si Celine sa States at dun pinaaral, para na rin mapanatilihing malinis ang pangalan ng isang CEO ng malaking kompanya itong ang tentenennnnnn *drum rolls* Avel Air Lines at Avel Institute.

Hindi alam ng mga ka business partner na may anak sa labas (hindi pinapasok) ang CEO nila.

-

"I can't believe this!" inis na sabi ni Celine at nakasimangot na tiningnan ang kuya niya.

"You must believe it!" sagot ni Nathan

Nandito ang buong barkada ni Josiah sa entertainment room ng mga Avellino.

"Sino ba, or whoever man ang may plan ng thing na ito, how stupid." Inis na sabi ni Celine at umupo sa couch katabi ni Skyler

"Hoy anong stupid?" tanong ni Levi at tinabihan si Celine.

"Ikaw pala! Hah! Hindi na ako nagtataka." Sabi ni Celine

"Ikaw ba naman ang may pusong sawi? Tsk. Tinutulungan lang namin itong kuya mo, hopeless romantic, pero maniac! Ewan ko ba." Sabi pa ni Levi at tiningnan si Josiah na kanina pa titig na titig sa cellphone niya.

"Paki explain nga yung plano, pina explain niyo naman kasi dito sa bulol e, hindi ko naman siya magets." Reklamo ni Celine saka inirapan si Skyler.

"Ganito 'yun, magpanggap ka lang bilang girlfriend ng kuya mo. Kami na bahalang gumawa ng kwento." Explain ni Levi

"Ganun lang? Bakit ako pa?"

"No choice e, este, ikaw lang kasi 'yung hindi kilala ni Steph." Sabi ni Nathan

"Bakit di nalang si Ate Lexy?"

"Dinadamay mo pa kapatid ko? Maharot yun, pinagnanasahan niya si Josiah kaya 'wag na siya, baka ma inlove 'yun e, mahirap na." sabi agad ni Chase

"Fine." Pagtatapos ni Celine sa usapan at agad namang napa-yes ang mga kaibigan ni Josiah.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon